Chapter 1

1918 Words
"I'm never gonna let you close to me. Even though you mean the most to me 'Cause every time I open up, it hurts So I'm never gonna get too close to you Even when I mean the most to you In case you go and leave me in the dirt. But every time you hurt me, the less that I cry And every time you leave me, the quicker these tears dry And every time you walk out, the less I love you Baby, we don't stand a chance, it's sad but it's ka-emosyon man lang. Bumalikwas ako ng tayo nang may bumalibag ng pintuan ng aking kwarto. "Cait?! Halika, samahan mo'ko," Si Mengay na isa ko ring kaibigan dito sa village namin sa loob ng hacienda Valencia de Alcantara. Malayo ang village na ito sa villa ng mga Alcantara. Mga nasa dalawang kilometro lang. Pero bago ka talaga makapasok ng villa ay may gate pa ito papasok roon. "Oh? Bakit? Parang sisirain mo naman ang 'yang pintuan ng kwarto ko," kunot noo kong tanong sa kanya. Iginaya niya ako maupo sa paanan ng aking kama at hinawakan ang magkabilang pulso. "Gusto mo ba ng part time job?" "Part time job? Bakit? Meron ba?" Ngumiti siya at sunod-sunod na tumango. "May okasyon ang mga Alcantara. E, si ate Jhen kailangan niya ng kasama do'n. Isang gabi lang naman." Napa-isip ako. "Magkano ba ang bayad? Saktong kailangan ko ng kwarta ngayon para sa proyekto natin. Si Lucring ba tinanong mo?" "Hindi siya pwede. Ayaw siyang pagtrabahuhin ng ate niya roon. Sige na, bukas ng gabi raraket tayo. Sayang ang limang libo, Cait, tapos makikita pa natin ang mga boylet doon. Kyaaah!!" Bago pa siya tumili ng mas malakas ay binatukan ko na. Napa-kamot siya tuloy ng ulo niya sabay nguso. Mayamaya ay bumalik din ang wisyon niya at saka siya ulit nagsalita. "Ano? 5k isang gabi lang. Mag waitress tayo do'n. Libre na ang kain, libre pang pantasyahin ang  boylet doon. Hehehehe. Saka, kilala naman tayo ni Diwata, mabait naman ang anak ni Ser Livi at Ma'am Gem." Tinantya ko muna ng tingin si Mengay bago pumayag. "Okay. Isang gabi lang naman pala, e. Sayang ang 5k 'di ko mahanap 'yan sa tabi-tabi." Napayakap siya agad sa'kin at saka siya tumawa. Laking pasalamat niya lang at kaibigan ko ang maingay na ito. Dumating ang gabi ng okasyon. Nasa loob na kami ng villa, sa mismong bahay nina Ser Nicolo at Ser Genesis. Nahihiya akong ngumiti sa kanila dahil napaka-pormal nila kung magsalita. Parang nakikipag-usap sa kung sinong napaka-espesyal na bisita. Bakit ang gwapo ng mga ginoong 'to? Saan ba nila kinuha ang ganyang ka-perpektong mukha? Hindi lang sila, maging ang mga anak ay minana na rin. Tsk! Matapos kong mag serba ng mga wines, juices, at kung ano pang inumin sa mga bisita ay nagpahinga ako saglit sa kusina. Napa-hilot pa ako sa paa ko na medyo ramdam ko na ang sakit dahil sa taas ng heels ng sandal na pinagamit sa'kin ni Mengay. Hindi ako sanay magsuot nito. "Cait, pakisuyo naman," biglang pasok ni Mengay sa kusina na parang nagmamadali pa ito. "Hatiran mo nga ng inumin si Sir Alfonso at Sir Viktor. Kakarating lang kasi nila, nasa sala sila ngayon, kasama ang mga anak nila." Sandali! Bakit ako? Teka naman! "H-hah?" "Sige na, maraming bisita sa labas. Ikaw na muna sa kanila. Salamat." Hindi niya na hinintay ang sagot ko. Sa pagmamadali ay natapilok pa ako, at mas lalong sumakit ang paa ko. Paika-ika akong naglalakad habang kumukuha ng maiinom ng bisita. Ang masaklap pa rito ay hindi ko abot ang wine na nasa wine rack. Tumingkayad ako pero hindi ko talaga maabot. Nakaramdam nalang ako na parang may tayo sa aking likuran. Mayamaya lang ay kinuha niya ang wine na iyin at nilapag sa mesa. Ang bango niya. Nakakapang-hina lalo ng tuhod. Tapos, dumikit pa ang balat nito sa morena kong balat. "Can I help you, miss?" Napatanga pa ako ng kausapin niya. "Uso sumagot." Tipid siyang ngumiti at binuksan ang inumin. "Ah, k-kwan... para sana doon sa sala. Mga tito mo ang iinom," Bago siya nagsalin ay sumilip muna siya sa labas at tiningnan kung sino ang mga tao doon. Pagbalik niya ay wala ka namang may makitang reaksyon sa kanyang mukha. "Aray!" Tinakpan ko kaagad ang aking bibig dahil nainda ko na naman ang sakit ng aking paa. Napaupo ako sa silya na malapit lang sa tabi ko. "What happen?" Bumaba ang tingin niya sa paa ko. "Masakit?" Malamlam ang pagkakatanong niya, pero 'di ko talaga siya sinagot. Nagulat nalang ako ng mag half bind siya at tiningnan ng paa ko. "A-ayos lang ako... hindi naman masakit," pagsisinungaling ko. Baka kasi isipin niyang nag eenarte ako, at baka isipin niya ring nagpapansin ako sa kanya. Pinisil niya ang bandang ibaba. Napa-impit ako sa sakit. "Hindi masakit? Halos iiyak ka na nga, e." "Pinisil mo kasi! Syempre masakit na!" Bago pa niya ulit mahawakan ang bente ko ay umiwas na ako sa kanya. Marahan akong tumayo at umiwas ng tingin sa kanya. "Dadalhin ko na ang inomin sa mga bisita," akma ko na sanang kunin ang tray nang maunahan niya ako. Kunot noo ko siyang tiningan pero binaliwa niya lang iyon. "Ako na—" "Stay here, ako na magbibigay nito sa kanila. I'll be back pagkatapos nito at nang mahilot 'yang paa mo, mahirap na baka mamaga 'yan." Hindi ako nakasagot bagkus tinalikuran niya lang ako. Bumalil ako sa pagkakaupo at hinilot hilot ang paa ko. After a few minutes ay walang Lord na bumalik. Si Mengay at ate Jhen ay naabutan akong nakaupo at hawak hawak ang aking paa. "Anong nangyari, Cait? Ayos ka lang ba?" Si Ate Jhen. "Jusmiyo marimar! Bakit hindi mo sinabi na masakit ang paa mo. E, di... sana 'di na kita inutusan pa." Si Mengay na tatalak na naman sa'kin. "Masakit pa ba, Cait?" Bago pa ako naka-sagot ay bigla may sumingit sa usapan namin. "May naipit na buto sa loob ng ankle niya. Kailangan hilutin ng dahan dahan para maibalik sa tamang pwesto," paliwanag ni Lord na ikinatanga ni Mengay. Si Ate Jhen kasi, sanay na makita ang mga ito rito sa villa, dahil dito talaga siya nagtatrabahk bilang kasambahay nina Sir Livi. Lumapit siya at 'yong ginawa niya kanina ay ginawa niya ulit ngayon. Pakiramdam ko, pinamulahan na ako ng pisngi na kasing pula na ng kamatis na hinog. "Ayos lang ako, mawawala din ito mamaya o bukas." Rason ko. "Oh siya... dito muna kayo, hah? L,  nakakahiya man ay maraming salamat." Si atw Jhen at ngumiti pa sa'kin. Napa-ngiwi ako at umiwas na rin ng tingin kay Mengay. Sigurado at tutuksuin ako ng mga ito mamaya o sa mga susunod na araw. "Ayos lang sabi ako," pilit kong tumayo ng bigla akong nawalan ng balanse. Ang nangyari ay nasalo ako ni Lord at mahigpit na hinapit ang bewang ko. Ilang pulgada lang naman ang lapit namin. Naaamoy ko pa ang wine na ininom nito. "Ehem! Pwede ma-inggit?!" Dahan-dahan akong inalalayan ni Lord at pinaupo ulit sa silya. Kagat labi ako hindi napatingin sa kanya. "Kaya pala, hah?" "Okay lang naman kasi ako." "Ay! L, hindi siya okay, mabuti pa't huwag ka nalang magtrabaho, Caitlyn. Ako na bahala sa labas," kindat pa nito sa akin. "Fighting! Hehehehe. Alis na muna ako. Bye!!" Pipigilan ko pa sana ang babaeng 'yon ng tumakbo na palabas ng kusina. Bigla tumahimik ang palagid hanggang sa dumating ang dalawa nitong pinsan na sina Kid at sa hindi ako nagkakamali si Bars ito. Si Kid, X at Bars lang naman ang palaging magkasama. "Ate Cait? Anong nangyari?" Si Kid. "Oow? Ang paa mo," sambit pa niya rito. "Check with dad what the more effective medicine is." Suhisyon naman ni Bars. Napa-tingin ako kay L, na akala mo'y ang laki ng problema. Hindi ko talaga alam ang takbo ng isip niya. Hirap talaga basahin ang reaksyon ng mukha niya. Napaka-seryoso kasi. "Tatawagin ko si Dad  para matingnan ka," akma na sanang lalabas ng kusina si Bars ng nagsalita si L. "No need, caz, she's fine. Naipit lang talaga ang maliliit na buto niya sa loob, dahan dahan na hilot lang ang kailangan." "Ah? Ako na maghilot. Marunong ako. Hehehehe." Presenta ni Kid. "Ako na, doon na kayo sa labas, at baka hinahanap na kayo. Kapag hinanap ako ng tatay ko, nandito lang ako." Sabi niya sa dalawa. Tumaas baba ang kilay ng dalawa. Mga pasaway. Kung anu ano ang iniisip. Tss... Natapos ng maayos ang okasyon at ang lahat na bisita ay nagsiuwian na. Sina ate jhen at Mengay ay tapos na rin habang ako ay nasa kusina parin. "Cait, uwi na tayo," aya sa akin  ni Mengay. "Kaya mo bang maglakad?" Dagdag pa nito. Wala na dito si L, tinawag kasi siya kanina, kaya mag isa ako dito sa kusina hanggang sa matapos ang okasyon. "Kaya pa naman, Meng." "Sigurado ka?" Tumango ako at ngumiti. "Oo naman. Magpaalam ka na ba kay ate Jhen na uuwi na tayo?" "Oo, saka nasa akin na 'yong bayad. Hehehehe. May bunos pa, ang bait talaga nila." Gusto kong mahiya. Ang ilang oras na trabaho ay hindi ko talaga natapos, baka binawasan naman siguro ang bayad sa'kin. Pero ayos lang masaya naman ako nakapasok sa loob ng villa at sa bahay na rin nila. Tatayo na sana ako ng magsidatingan ang mga nakaka-tandang Alcantara maging ang asawa nila. "Hija, ayos ka  lang ba? Sabi ni Jhen namaga raw ang paa mo?" Ang mama nina Yael at Ysrael anf nagtatanong. Siya si Ma'am Mariposa. Guro sa mababang paaralan dito sa lugar namin. "Yes, ma'am." Maiksi kong sagot. "Mukhang namaga nga. Viktor, please check Caitlyn," Diyos ko naman! Kailangan pa ba nila gawin 'to? Nahihiya na ako. "Naku! Huwag na po." Pagkasabi ko ay biglang sumulpot si L  at walang sabing binuhat niya ako at sa hindi ako  makapag-protesta ay napakapit nalang ako sa balikat niya. Us usual walang may nagbago sa ekspresyon ng mukha niya. Seryoso at gwapo parin. Naka-salubong pa namin ang ama niya sa sala. "L, what happen?" "Namaga ang paa, ihahatid ko na siya sa kanila." "Gamitin mo 'yong kotse," suhisyon ng ama. "No. Thanks! I have my car." Wala ni isang nagsalita. Rinig ko nalang ang paalam ni Mengay sa lahat bago lutuyang makalabas ng bahay nila. Naipasok niya ako sa loob ng sasakyan nito at kinabitan ng seatbelt sa katawan. Si Mengay ay nasa likuran at tahimik, habang ako ay wala sa sariling napa-titig sa kanya. Bakit kailangan niya pang ihatid ako sa bahay, kung pwede naman kami ihatid ng taga-paneho ng pamilya nila? Bakit siya pa? Ano nalang ang sasabihin ng pamilya niya, na ang isang tulad ko ay pinag-laanan niya talaga ng oras, o pinag-aksayahan ng oras. Iyon ang tamang term ng salita. Aksaya. "Next time mag iingat ka, huwag 'yong basta-basta ka lang naglalakad. Huwag tatanga tanga, Caitlyn." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Rinig ko ang mahinang tawa  ni Mengay sa likuran. "Anong sabi mo? Tatanga tanga? Bakit? Sinadya ko bang matapilok ako? Hah?!" Hindi siya kumibo, at nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho ng sasakyan. "Mag-ingat ka kasi sa susunod. Saka, sino ba may sabi sayong mag trabaho ka?" "Excuse me, L... ako nag aya sa kanya. Sayang naman kasi ang 5k na bayad. Malaking tulong na rin ito sa amin. Hehehehe." Singit ni Mengay at naging abala na sa cellphone nito. "Hindi naman kasi maiiwasan ang disgrasya." Sabi ko pa. "Hindi 'yon disgrasya. Clumsy ka lang talaga." Pumantig ng panga ko. "E, di... ikaw nalang sana nagtrabaho kung puro ka reklamo! Hindi ko naman ginusto 'to! Gigil mo si ako!" "Tss... Gigil mo rin ako! Tingnan mo ang nangyari sa'yo!" Nag aaway ba kami? Nagsasagutan? Sandali nga! "Ah, excuse me?" Kalabit ni Mengay sa amin. "Dinaig niyo pa ata ang mag jowa kung mag away. Uso naman kasi kalmahan, e. Relax, okay?" Hindi na ako nagsalita at ganun din siya. Sa huli ay hindi niya rin  napigilan. "I'm sorry..." Sabi niya sabay haplos ng buhok ko. Iba rin ang isang 'to. May sapak! Daig pa ang niregla. Tss... M H A I V I L L A N U E V A
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD