REN EMEIKO’S POV Nung araw na din na ‘yun nalaman na ng buong school na kami na, iannounce ba naman sa stage matapos ang huling sayaw nung prom. At iyon mabilis na lumipas ang linggo at Grumaduate na kami, kaniya kaniyang daan na ang tatahakin namin ngayon. Si Sky mag-aaral sa malapit na college dito sa cavite same sila ni Mican ng school pero hindi ko alam ang course na kukunin niya. Si Mican naman iyon iyak ng iyak gusto bumalik sa pagiging 14 years old niya para masabayan si Ran pero syempre hindi naman pwede kaya ang gagawin na lang daw nila ay tuwing weekends sila magkikita at syempre hindi mawawala ang communication. Ang kapatid ko naman okay na siya sa ganun ang mahalaga eh alam niyang loyal sa kaniya si Mican at siya na ang bahala sa bahay at kay papa, madalas din naman siya

