REN EMEIKO’S POV Hinabol ko ang mabibilis niyang yapak sa corridor, pinagtitinginan na kami ng mga istudyante pero siya daredaretsyo lang sa paglalakad suot ang salamain niya at bitbit lahat ng folder na gawain niya. "Uy Shiro mag-usap naman tayo.” patuloy ko siyang sinusundan papuntang student council office. "Bukas na lang or mamaya Adelfa busy ako.” cold niyang sabi at nakikita ko ang mga tingin ng istudyante samin. "Pero importante ang sasabihin ko Shiro.” hinawakan ko ang laylayan ng uniform niya at nilingon niya ko. Binigyan niya ko ng maotoridad na titig at puno ng galit, mga tingin na ibabaon ka sa sakit at pagsisisi. "May mahalaga pa ba bukod sa sarili mo para sayo?” Napabitaw ako sa damit niya at daredaretsyo siyang naglakad papalayo sa’kin. Madame akong naririnig na bulon

