REN EMEIKO’S POV Year Ned Party na namin ngayon at ito sobrang saya hindi lang dahil party kundi dahil wala nang pasok bukas! "Anong gagawin mo ngayon Christmas break Ren sabi ni Ran uuwi daw kayo sa province niyo?” Tumango ako. "Yep para magkakasama kami ng mga kamag-anak namin,” sabi ko sabay inum ng juice ko. "Yow ayaw niyo sumali sa games?” Tanong ni Sky na poging pogi sa V-neck niyang black at white na pants, ang hot din ng isang ito kahit hindi na mageffort pumorma. "Hindi na saka na sa exchange gift haha.” napatawa tuloy ako sa gift na binili ko, sabon tabo at pang scrub ng katawan hahaa para maligo naman ang makakatanggap nito this new year. "Ren para kang baliw na humahagikgik d’yan.” saway ni Mican na ang sama ng tingin sa’kin. "Anong binili mong exchange gift Mican?” ngum

