Chapter 10 - Persistence Wins

1401 Words

"HEY! HINDI MO man lang ba ako papasukin?" nagtatakang tanong ni Railey nang akmang tatalikod na si Vivienne. Naiinis na napatingin siya sa suot na relo. Mag-aalas-onse na. "Sir, gabi na. May pasok pa tayo bukas." "So what? Ako naman ang boss mo. Please, papasukin mo na ako. Sige na naman." Halos magmakaawa na ang boses nito. Hindi siya makapaniwalang makikiusap ito ng gano'n sa kanya. Napakamot siya ng ulo. "Ano pa ba kasi ang kailangan mo?" "Ikaw. Kailangan kita," walang pag-aalinlangang sabi nito. May kung anong kislap ang mga mata  nito. Biglang nanayo ang mga mumunting buhok sa batok niya. "Tigilan mo nga ako, Railey. Umuwi ka na't maligo ka ng malamig. Init lang ng katawan iyan," naiiling niyang sabi. "Whatever, Vivienne. Pero hindi ako aalis dito. Kaya kung ayaw mong magising

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD