LUKE KENT MIJARES Gabi na ako umuwi, dahil napasubsob ako sa pagtra-trabaho, iyon ang ginawa ko pagkatapos naming mag lunch ni Cristine, halos wala na kasi ako sa mood ng dahil sa nangyari kanina. Gusto kong isigaw sa kay Lei Anne kanina na tigilan niya na ang pinag-iisip niya na di naman totoo. Kainis na babaeng iyon palagi akong binibigyan ng dahilan para magalit at mainis! Nang makarating ako ng bahay ay bukas ang mga ilaw, ako na ang bumukas ng gate at dire-diretso sa garage ang sasakyan, huminga ako ng malalim bago lumabas sa sasakyan ko . Nang makalabas ay sinara ko ang pinto at diri-dritso nang pumasokng bahay. Pagkapasok ko sa bahay ay bumungad kaagad sa akin ang natutulog kung asawa na nasa sofa. Ano na naman ba ang pumasok sa isip nitong dito siya natulog? Sa katunayan magkaib

