♛❤ Thirteen❤♛
“Next group, please!” Napatuwid sila ng tayo nang ang grupo na nga nina Mira ang susunod na isasalang sa loob. Puro sila kabado dahil nga’t graduating na sila sa susunod na buwan. Masyado pa namang magasto ang thesis kaya’t sinisuguro nila na ‘di na sila uulit pa—sobrang magasto kaya at wala pa silang tulog.
“Good luck, guys!” Masiglang sabi ni Mira kina Joseph, Bea, at Katrina. Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng classroom.
“Good morning po maam, sir..” Sabay nilang bati sa mga panelists at parang natuka ng ahas si Mira sa kinatatayuan nang makita ang isa sa magsasalang ng kanilang thesis.
It was Yden! Nakayuko ito at nakasuot ng eyeglasses. Siniko ito ni Bea dahil nakaupo na pala ang tatlo at tanging siya nalang ang nakatayo. “’Wag ka ngang obvious dyan te..” Bulong ni Bea sa kaibigan. Mabilis namang tumalima si Mira at pinandilatan ang mga kasamahan niya. Obvious na tinutukso nila ito dahil sa kaniyang reaksyon..
While Yden’s eyes finally pinned on Mira. Hindi naman ito nagulat sa presensya ng dalaga dahil nabasa niya ang pangalan ito and he somehow looking forward to see the woman again.
Mira Catimbag.
“Ang gwapo talaga ni seniorito Yden..” Hindi rin napigil ni Katrina na bumulong at inirapan sila ng kasamang si Joseph.
Yumuko si Mira nang mahuli ito ni Yden na nakatitig. Pero walang rumehistrong emosyon sa mukha ng binata.
Nagsimula na ang group defense at maayos naman ang lahat.
Mira didn’t anticipate Yden’s professionalism at nakatutok lang talaga ang mga tanong nito tungkol sa thesis nila.
Ang professional ni Yden kung magtanong kanina—at parang ‘di niya ako kilala, ha? Pero mabuti naman kung ganun! Feeling talaga ni Mira—bipolar ang isang yun.. Parang may multiple identity—ang galing umarte.
“Guys, sabi ni maam Salazar—very good daw ang thesis na’tin!” Masayang balita ni Joseph sa tatlo. Nasa canteen na sila ngayon at kumakain ng order na burger. Pero si Mira at parang walang narinig dahil ang isipan nito ay nakalutang parin para kay Yden—‘di lang talaga nito akalaing hindi niya makikita ang kademonyohan ng lalake kanina.
As in, parang ibang Yden ang nandun—sobrang serysoso at marunong pang ngumiti pero hindi kay Mira kundi kina Bea at Katrina. Tss.
“Sure talaga? Yay! Ang galing.. Congrats to all!” Masayang sabi ni Bea. Ito ang leader ng grupo nila sa thesis at mostly rin, ito ang walang tulog. May printer at computer naman ito kaya dun nalang piniprint ang thesis nila—bondpapers at ink lang ang kanilang problema pero sobra pa ring mahal at magastos.
“At guess what? Sabi ni seniorito Yden kay maam Salazar—magsubmit daw tayo ng resume pagkatapos ng graduation!” Talaga? Hindi makapaniwala si Mira habang napatalon sa tuwa ang mga kaibigan nito.
Ibig-sabihin nun ay may trabaho na kami pagkatapos ng graduation? Talaga lang na sinabi yun ni Yden?
“Uy, guys! Schedule ko nga pala maglinis ngayon..” Muntik nan gang makalimutan ng dalaga ang schedule nito sa paglilinis. Nandito pa naman si Yden—at baka personal siyang madatnan na ‘di sinunod ang utos nito.
Tumayo na ito at nagpaalam sa mga kaibigan. Tinungo niya ang locker niya dahil nandun lang naman ang janitress uniform niya—nakadress pa kaya ito.
Nasa hallway si Mira sa department nila at mabilis na nagma-map. “Oh my God, girls! That’s Yden.. Nandito nga talaga siya..” Nag-ring ang tenga ni Mira nang marinig ang hagikhikan ng isang grupo ng mga babaeng estudyante na napatigil sa likuran ni Mira. Dumiretso ang tingin nito sa papalapit na binate pero kasama nito ang isa sa mga instructor na nandun, si Maam Go. Ito rin yung kasama niya sa panelists kanina.
Maganda si Miss Go, chinita, at mayaman rin.
“So, see you later, Yden?” Kunwa’y kinikilig na sabi ni Tricia Go kay Yden. She invited Yden to dine out at yun ang narinig ni Mira nang mapadaan ang dal’wa sa gilid niya.
Babaero pa talaga! Sus.. Sabi ni Mira sa sarili habang patuloy na naglilinis sa hallway. Nakakunot ang noo niya ngayon habang ang grupo ng mga estudyanteng malalandi sa likuran nito ay parang pinagsakloban ng langit nang marinig din ang linya ni Miss Go.
***
“Putik! Ba’t walang tubig!?” Galit na sigaw ni Mira sa gripo sa labas. Isang planggana pa naman ang lalabhan niya ngayon. Araw ng sabado at ang ate Hira niya at nasa mansyon ng mga Ademar at ito’y naiwang mag-isa sa paglalabada.
At wala ngang tubig!
“Hoy, ano ba! Nagbabayad naman kami ng tubig buwan-buwan, a!” At nagtungo nga ito sa Brgy. Hall—at lumabas naman ang treasurer. Ngunit nakapamewang lang ito sa dalaga na galit na galit na tinungo ang hall.
“Mira, Limang buwan na kayong walang bayad!” Ganting sigaw namang ng matanda sa kaniya saka umuwi si Mira na ‘di maipinta ang mukha. Syempre, nahiya ito dahil ‘di naman pala sila nakabayad at siya pa ang galit.
Tinadyakan nito ang gate na gawa sa kawayan nang mapagsino ang nakatayo sa labas ng kanilang bahay-kubo.
“Been waiting here. Saan ka nanggaling?” Si Yden at halatang nayayamot.
“B-Ba’t ka nandito!?” Gulat na tanong ng dalaga saka sinuri ang sarili dahil sa suot na maiksing shorts at itim na basketball jersey—at isa p ‘di pa siya naliligo!
Habang ito ay nakasuot na parang may dadaluhang party. Sinuri ng binata si Mira mula ulo hanggang paa. Since he met her—something’s wrong with his eyes.
Pero kailangan na muna ni Mira na malabhan lahat ng mga damit nila ng ate Hira niya. Kaya kinuha niya ang plangga at ipinatong sa ulo. “What are you doing?” Ewan kung nagulat si Yden o curious lang ito sa gawaing-bahay na ‘di nito alam. ‘Pag mayaman nga naman!
“E, ba’t ka ba nandito? Wala si ate Hira—nagtatrabaho siya sa mansyon niyo. Dun mo siya hanapin. Maglalaba pa ako!” Sabi ni Mira sa binata saka tumalikod at naglakad patungo sa malapit na ilog. Malinis ang ilog nila dito sa Pah kaya naman ‘pag ganitong walang tubig ay dun sa ilog naglalaba ang ilang residente.
“Hindi si Hira ang pinunta ko dito—your blabbermouth it is.” Narinig ni Mira ang isinagot nito at walang humpay ang pagtibok ng puso niya at sobrang bilis lang talaga.
Talaga lang ha? Bakit? Sinisiguro niya ba na walang itong pagsasabihan tungkol sa malaking sekreto nito?
“Sh*t. Let me have it, rat!” Sabi sabay kuha sa planggana ni Mira at ito mismo ang nagbuhat para sa dalaga. Nagpalinga-linga ang dalaga sa paligid dahil baka kung may makakita sa kanila—at ano nalang ang iisisipin!
“Hoy, akin na yan! Ano ba..” Pilit na bawi ni Mira sa planggana pero sh*t ang tangkad lang naman ni Yden!
“Stop it. Walk and I’ll follow you.” Maawtoridad na sabi nito sa dalaga na wala na ring nagawa. Ano ba ‘tong isipan ng isang Yden Ademar? Hindi talaga masukat ni Mira kung anong klaseng tao si Yden. Minsan parang bulkan lang kung magalit—at minsan pala umaarteng parang tao..
Maswerte na nga ba ako nito o sobrang malas ko lang talaga?