♛❤ Fifteen❤♛ Mira: “H-Help! Helppppp!” Napalingon ako sa ilog. Nabitiwan ko rin ang dala kong palanggana. Kahit natatakot ako—alam kong humingi ng tulong at nasa panganib. At nandun nga! Nasa malalim na bahagi ng ilog ang isang batang lalake! Kaagad akong lumusong sa ilog at ‘di nagdalawang-isip na puntahan nga ito—at sa mura kong edad magaling akong lumangoy lalo na sa ilog na malakas ang agos ng tubig. Lumubog ang ulo ng batang lalake at inabot ko ang manggas ng t-shirt nitong suot. Pilit ko itong hinila sa pangpang—parang nawalan na ito ng malay. Hindi na nga ito gumagalaw! “Mira! A-Anong nangyari?” Sa wakas ay nandito na rin si ate Hira—bumili pa kasi ito ng sabon. Nag-aalalang lumapit ang kapatid ko sa’kin saka lumuhod at lumapit sa batang lalake na parang k

