♛❤ Thirty-Seven❤♛ Mira: Naiinis kong inilapag ang isang basket na puno ng mga strawberries. Kasi naman—kanina pa binabara ni Yden si Yano. Kahit sa’kin naman talaga nakikipag-usap ang tao! Tsaka sunod ng sunod naman sa’min si Theresa! At in fairness—hindi naman ito masyadong pinagpapansin ni Yden pero grabe talaga.. Sobra kung nakadikit! Parang linta! Sipsip ng sipsip.. Tss! Yden, tikman mo ‘to, o—sobrang sweet ng berry. Tumango lang si Yden nang sabihin niya yun kanina. Oh my God—Yden, may worm sa hand ko. Gosh, please take it out! Narinig kong sinabi ni Theresa yun at nagmamadali akong lumayo sa mga ito—akala ko hindi siya susunod sa’kin but he did follow my trails. Tsk! Iniwan niya ang Theresa niya. Nang lingunin ko sila—ayun, si Yano ang tumulong sa babae. Na

