♛❤ Twenty-Five❤♛ Mira: Katatapos lang naming maghapunan—hindi bumaba si Yden para kumain. Ang sabi kay Manang Pasita ay busy ito sa laptop nito. Kasalukuyan akong tumutulong sa kanila na mag-linis ng kusina at saka itapon ang mga basura sa labas. Kasama ko ngayon si Libeth siya yung kaedad ko sa limang pamangkin ni Manang Pasita na narito. Katatapos lang naming ilagay ang mga basura sa labas. Malayu-layo rin ang nilakad namin, a! “Pwede bang magtanong, Mira?” Tumango ako saka huminto sa paglalakad papasok sa mansyon bitbit ang isang basuran. Kanina ko pa pansin na may gusto nga itong sabihin sa’kin kaso parang nahihiya lang kasi nandyan si Manang Pasita.. “Oo naman. Basta’t ‘wag lang tungkol sa pera kasi wala ako nun!” Napahagikhik siya nang sabihin ko yun. Sa totoo l

