♛❤ Seventeen❤♛ Mira: “May I see you resume.” Nandito na kami sa HR’s office. Mabait naman—nasa mid-fifty’s na nga ang edad ni Mrs. Aileen Mendoza pero mestiza at maganda pa rin. Mas marunong pa ‘atang magkilay kesa sa’kin—on fleek talaga ang kilay nito. “Yes, maam..” Sabay bigay namin sa mga brown envelope namin. Sino ba naman ang mag-aakalang aapak pa ako pabalik sa lugar na ‘to? Hmp.. Matamang binasa ni Mrs. Mendoza ang mga resume namin at lahat kami ay tahimik na nakamata lang. Gan’to pala ang feeling na naghahanap ng trabaho? Maya-maya’y tumunog ang telephone at sinagot niya ito. “Yes boss, good morning po..” Boss? Hindi kaya si Yden ang nasa linya? “Opo, boss..” Sabay baba sa telepono at malapad na ngumit sa’ming lahat. “The CEO confirmed your first day of work.

