♛❤ Eighteen❤♛ Mira: “NO WAY!” Sigaw ko. Kasalukuyang nasa comfort room ako nang magatapos kaming mag-usap ng lalakeng yun. Ang makasama ang isang yun 24/7? “YES way.. Ano ka ba, Mira—grab the opportunity, te!” Ani ni Joseph sa kabilang linya. Katatapos lang din ng briefing ng tatlo. Nang magtext ito ay kaagad kong tinawagan. “Sa tingin mo, ‘di naman niya talaga gagawin sa’kin yun ‘di ba?” Sinabi ko na lahat-lahat ng nangyari at sinabi ni Yden kanina sa’kin para wala ng maraming tanong mamaya ‘pag uwi. Tss! “E, sa tingin mo ganun ka na kaganda para patulan ni seniorito!?” Nakakabaliw ang tawa nito at gustong-gusto ko na siyang puntahan at kutusan ng maraming beses! Aba’t? Bully talaga ‘pag totoong friends ‘no? Okay na ako sa gan’to kesa naman puro mga Tupp

