♛❤ Sixteen❤♛ Mira: “E, si Joseph saan matutulog?” Curious kong tanong. Nasa syudad na kami at kadarating lang namin mula sa byahe. Mabuti nalang at itong si Bea ay may kakilala na nagmamay-ari ng isang boarding house—so nandito nga kaming apat at sama-sama na pupuntahan ang kompanya ni Yden bukas. At kung gaano sila ka-excited magtrabaho dun—ako, hindi ‘no.. Sobrang sama kaya ng alaala ko dun—dito sa syudad! “Syempre, dun siya sa first floor kasi dun yung mga boys, e. Kahit kaya bakla yun—boy pa rin yun ‘no!” Sabi ni Katrina. Nag-aayos ako ng mga gamit ko sa cabinet at saka isinunod ang mga ready to eat goods—meron din akong limang kilong bigas dito. Sobrang bigat kaya ng dala ko! Si ate naman kasi.. Parang ayaw na talaga akong pauwin sa Pah sa dami ng pabaon ni

