♛❤ Eight❤♛ & ♛❤ Nine❤♛

2304 Words
♛❤ Eight❤♛   Mira:   Kinuha ko nga ang complete address ng kompanya ni Yden mula kay maam Shiela na ibinigay naman nito. At ngayon nga ay sakay ako bus at limang oras ang byahe patungong Manila.   Kalahating oras nalang—at hindi na ako mapakali! Hindi ko syempre sinabi kay ate Hira ang plano ko dahil hindi naman ako susuportahan nun—ako? Hindi ako takot kay Yden!   Pakialam ko kung mayaman siya? Kainin niya lahat ng pera niya pero ipaglalaban ko ang karapatan kung makatapos ng pag-aaral!   Bitbit ang backpack ko at isang malaking karton na may malalaking letra para kay Yden—bumaba ako sa terminal. Sabi naman at madali lang na pagpunta sa  kompanya ng  hudyong yun dahil isa sa mga tanyag na kompanya ang Ademar Corp. & Jewels.   Sumakay ako ng jeep at matapos sabihin sa driver ang address ng kompanya at ‘agad naman itong tumalima.   First time  kong makaapak ng syudad ng Manila—nag-iisa pero buo ang loob!   Hindi maaaring tumahik nalang ang mga mahihirap na katulad ko!   Magiging boses ako ng mga taong hirap na hirap na sa ugali ng isang Yden Ademar! Lalaban ko siya kahit mag-isa lang ako!   “Miss, dumating na tayo.” Sabi ng mamang driver. Nagpasalamat ako rito saka bumaba. Tiningala ko ang matayog na building at halos sumakit ang leeg ko.   Ito na ba? Mahigpit kong hinawakan ang karatola. Madaling-araw pa lang akong lumuwas ng Pah at saktong six-thirty palang ng umaga.   “BOSES NG MAHIHIRAP, ITATAYO KO! KARAPATANG MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL, IKAKAIT MO!? YDEN ADEMAR, MAYAMAN SA PERA PERO TAONG WALANG KALULUWA!!! Lumabas ka diyan! At harapin mo ang isang dukhang katulad ko!”   Sigaw ko habang ibinabandera ang karatola sa ere. Maubos man ang boses ko ngayon—hinding-hindi masasayang ang oras at pera ko sa pagpunta ko rito. Pambili ko pa naman ng bagong sapatos sa graduation ko ang naitabi kong pera—pero naipamasahe ko pa punta rito. Tsk! Yden:   “Sir, may nagwe-welga po sa labas ng kompanya niyo po.” In my sh*ty early morning that was Tomas relayed straight on my ear. And who dared? I spent my nights here in my penthouse—there were just lots of works to do.   Damn—and this? I just took my shower and rushed to the elevator and meet this f***ing protestor! They needed something to shut their bloody mouths, right? I opened the volt and took some cash out.   To shut them!   “Tomas, secure the perimeter. Get rid of bloody paparazzis if any case there were lurking for this!” Damn it. I don’t wanna be scolded by my papa Blaire and mama Ysla—surely they’ll rush here! At ayoko ring masira ang mood nila lalo na’t kagagaling lang nilang mag-honeymoon..   “Yes, sir.” Tomas confirmed. Wala ako sa mood makipag-negotiate sa mga protestors but for publicity’s sake—I will try to fake!   “BOSES NG MAHIHIRAP, ITATAYO KO! KARAPATANG MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL, IKAKAIT MO!? YDEN ADEMAR, MAYAMAN SA PERA PERO TAONG WALANG KALULUWA!!! Lumabas ka diyan! At harapin mo ang isang dukhang katulad ko!”   As the door slided and opened my guards surrounded me. I raised my hand indicating that they can stay away from me—I don’t want them lurking around this one petite protestor wearing a bull cap, denim jacket with strap inside paired with her high-waist faded  jeans and shoes. Her!?  Sinipat ko ang babaeng nanggagalaiti sa galit lalo na nang makita akong lumabas sigaw-sigaw ang mga katagang nasa karatola nito.   F**k!   Lumuwas siya para gawin ‘to?   What a brave little rat!   “BOSES NG MAHIHIRAP, ITATAYO KO! KARAPATANG MAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL, IKAKAIT MO!? YDEN ADEMAR, MAYAMAN SA PERA PERO TAONG WALANG KALULUWA!!! Lumabas ka diyan! At harapin mo ang isang dukhang katulad ko!”   She seemed brought a microphone—her voice was too loud and now she was creating a scene outside my company. Some of the bystanders were stopping by and taking pictures and videos! F**k!   Paulit-ulit ang sinisigaw ng babae and it clogged my f**ing brain—what to do with this little brave rat, huh?   Money can’t shut her mouth, right?   Humakbang ako palapit rito na ikinabigla niya. If she was planning to spin this humiliation on media—that’s no way. I will let another humiliation to spin but not my reputation!   I leveled up her gaze and now she was staring furiously at me. Itinabig ko ang karatolang hawak niya at hinawakan ang batok nito—I kissed her without any preamble.   Yes, let this scene circled in media—you idiots! And she was clearly taken aback from what I just did.   “You are here for that, right?” I hissed as I greeted my teeth after that punishing kiss. Nakaawang pa rin ang labi ng babae at pulang-pula—sh*t, I feel hard!   I instantly held her left hand and grabbed her inside the company—I was not yet done with her stupid guts and imprudent acts!   I’ll let him see whose she’d been trying to tame here.   ---------------------------------------------------------------   ♛❤ Nine❤♛   Mira:   Aba’t! Bigla nalang niya akong hinalikan ng ganun!?   Sa mismong public  place!? Bakit? Sa tingin niyo gusto ko’ng sa private place niya ginawa? Gago ‘tong lalakeng ‘to ah! Akala mo kung sino kung makakaladkad sa’kin—sobrang higpit pa ng pagkahawak sa pulsohan ko. Grr!   “You dared to come here—“ Pero bago bumukas ang elevator ay pinagana ko ‘agad ang utak ko at tinuhod ko siya ng malakas. Sapul siya dun!   Bigla niya akong binitawan. “Ah, damn..! F**k!” Impit na ungol nito habang sapo ang..bahaging iyon. Mabuti nga sa’yo! Akala mo, ha?   “Tomas! Drag this w*tch up to my penthouse! F**k..” Malakas na sabi niya saka pilit na tumayo ng matuwid. Basag na ba, seniorito? Gusto ko tuloy na sabihin. Nang biglang bumaliktad nalang ako sa ere—! “H-Hoy! Ibaba mo ako! Ano ba!” Bigla nalang akong kinarga na parang sako. Pinagbabayo ko ang likod nang nagngangalang ‘Tomas’!   “How about throwing you out from the rooftop, huh?” Narinig kong sabi ni Yden nang umandar na papaakyat ang elevator. Itinigil ko ang pagbayo sa likod ni Tomas at kahit nakabaliktad ang tingin ko ngayon sa demonyong nakangisi sa’kin—dinuro ko siya.   “Talaga lang, ha? Sige nga kung kaya mong maging criminal! E, teka—isa ka nga palang demonyo.. Walang kaluluwa! Bastos!” Walang kiming sigaw ko sa kaniya at halatang hindi pa rin ito tuwid tumayo. Kita ko talaga ang pagtatagis ng mga bagang nito. Tsk! E, bakit? Totoo naman! Paano kung totohanin nga naman niya na itapon ako ngayon? Marami siyang pera, ‘di ba!? Magsasalita pa sana ako nang pansin ko ang lakas ng simoy ng hangin—teka, nasa rooftop na nga kami!   “H-Hoy! Ano ba! Totohanin m-mo talaga?” Ibinaba ako ni Tomas at parang nahilo ako dun, a! Sumakit ang ulo ko. Nakasalampak ako sa semento habang nakayuko dahil sapo ko ang noo ko.    “What the hell you think? Stand up!” Tumingin na ako ng diretso sa kaniya. Nakapa ko ang kunting takot sa dibdib ko saka ako tumayo. Lahat nalang ng klaseng panunuya ay nasa isipan ko—gusto ko siyang patayin! Gggrrr!   “Wala ka talagang---“ Pero biglang nilipad ng malakas na hangin ang mga sasabihin ko pa sana rito kahit binundol ako ng kaba. Hinatak niya ang kamay ko at diretso namang humakbang pasunod rito ang pesteng mga paa ko—mga traydor!   “Shut up! Let’s see if you’ll not learn your lesson after this.” Papunta kami sa isang maliit na sosyal na bahay na nasa tuktok nitong building—pero pinagana ko ang utak ko. Bigla kong hinablot ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito at kumaripas ako ng takbo!   “Sh*t! Come back here!” Tinakbo ko ang elevator at pinundot ito para mag-bukas. T*ng In*!  Alam ko na nakasunod siya sa’kin. Ilang beses kong pinindot-pindot at hanggang sa bumukas na nga! Pumasok ako sa loob at saka pinindot ang para sa lobby pero huli na nang hinarang niya ang katawan niya sa b****a ng elevator. Sh*t!   “Sir Yden, your sister, ma’am Ynia is expected to arrive in fifteen minutes.” Biglang sabat ni Tomas sa likuran nito saka ko siya nginitian na parang aso dahil nalukot ang mukha nito. Umatras nga ito—hay salamat.   “You better hide you’re a** next time, rat and I expect not to see your bloody face in our mansion.” Oo, sobrang nakakatakot ang sinabi niya sa’kin. Pero nosebleed ako sa kaniya! Puro lang siya ka-OAhan akala mo kung sinong hari ng gubat.. “Sorry ha? Bobo ako pagdating sa English kaya hindi kita maintindihan!” Naiinis ko pa siyang kinawayan bago nagsara ang elevator. Hay, Diyos ko! Bumuga ako ng hangin—kasi sa totoo lang nangangatog ang tuhod ko sa kaniya.   Yden. Parang kay gandang tunog ng pangalan, ‘no? Animo’y kakambal niya ang isang napakagandang paraiso sa kabaitan ng loob? Pero tang*a!   May plano ba namang itapon ako sa building!? Nakalabas na ako sa gusali at saka nagmamadaling pumara  ng jeep pero dinaan lang naman nila akong lahat. Putik! Kaya nagtanong-tanong nalang ako sa  daan patungong terminal.   “Manong, hindi pa naman puno, ah? Ba’t  hindi ako pinapaakyat? Kailangan ko na talagang sumakay, e.” Nakasimangot kong sabi sa konduktor ng bus nang marating ko na ang terminal ng bus. Pero tang** kahit may upuan pa naman—hindi na raw pwede. Pero hindi pa naman umaandar!   “Hindi na talaga pwede, maam.” Sagot nito at naupo ako ulit. Ito nalang ang huling bus na babyahe patungo sa Pah, e! Nang may mahagip akong pulis sa may ‘di kalayuan. Isusumbong kita ngayon!   Tumayo ako saka pinuntahan ang nakatayong pulis. Nakasunod naman sa’kin ang konduktor na ayaw magpasakay sa’kin—e, takot? Tse! Humanda kayo..   “Sir, sir!” Nilingon naman ako kaagad ng pulis. “Sir, hindi ako pinapasakay sa bus ng papuntang Pah kahit may upuan pa naman..” Parang batang sumbong ko. At nilapitan ito ng konduktor at may ibinulong sa tenga ng pulis—at talagang magkakakilala sila!? Tumango lang ang pulis saka tiningnan ako.   “May ibang bus pa naman, Miss.” Ano!? Nilagpasan lang  din ako ng konduktor at tumalikod na din ang pulis. At anong nangyayari sa mundo!? Naiinis akong bumalik sa kinauupuan ko at wala akong nagawa kundi ang hintayin ang sinasabing pangalawang byahe ng bus.   Pero nalipasan na ako ng tanghalian. Bumili nalang ako ng ice water at siyang ginawa kong kanin at ulam. Pamasahe nalang kaya ang nasa bulsa ko!   Napatingin ako sa malaking orasan sa terminal. 3 PM? “Manang, may byahe pa po ba patungong Pah?” Tanong ko sa nagtitinda ng candy at tubig.   “Kanina pa umaga nakaalis ang bus, ineng..” Nahahapo akong bumalik sa upuan ko dahil ibig-sabihin lang ay wala na talagang ibang byahe. Nakakainis naman oh! E, ano pa ba naman ang magagawa ko?   Halos wala ng tao sa terminal at maging ang mga nagtitinda ay iilang nalang. Gabi na. Ginabi na ako sa kakahintay at nilamok na rin! Nang sa may ‘di kalayuan ay may isang grupo ng mga kalalakihan ang naglalakad patungo sa’kin—tanya ko lima sila at ‘di ko gusto ang mga titig nila sa’kin. “Miss, wala ka bang masasakyan? Ihahatid ka namin..” Nakayuko lang ako ngayon nang tumugil sila sa paglalakad at pinagdeskitahan ako. Diyos ko! Paano nalang kung mga adik ‘tong  mga to!?   “Ihahatid ka namin sa—langit!” Ang walang-hiya! Sabay tawa pa nila. Nakasumbrero ako ngayon nang bigla iyong abutin ng isa. Bumagsak ang mahaba kong buhok sa balikat.   “Ano ba! Ang babastos niyo, a!” Hindi ko natiis na umangal sa pambabastos nila sa’kin kahit alam kong nasa delikadong sitwasyon ako ngayon. Sana pumayag nalang sana akong magpatapon sa labas ng building ni Yden! Kaysa sa mga madudungis na mga ‘to!   “Uyy, pare.. Ang ganda ng chicks na ‘to, a! Artistahin, pare.. Jackpot tayo rito!” Kinabahan ako sa narinig ko saka ako napasigaw ng bigla akong hablotin ng isang kasamahan nito at hinila pasakay sa isang itim na van. “Tulong! Tulong!” Nagpupumiglas ako saka humiyaw ng tulong. Kahit may iilang pang pasahero sa terminal ay parang wala lamang silang narinig at nakita. Patuloy pa rin akong nagpupumiglas pero bigla nalang akong kinarga papasok sa loob ng sasakyan. Diyos ko!   “M-Maawa kayo—wala akong pera!” Nanginginig kong sabi nang paandarin nila ang sasakyan. Saan nila ako dadalhin!? “Hindi naman pera ang kailangan namin sayo!” Saka sila nagtawanan na parang mga baliw sa pandinig ko! Pero ito nga ba ang katapusan ko? Nanghihina ako sa kaba.. Hindi! Dapat magpakatatag ako.. Walang mangyayari kung magpapanic ako..   Hindi ako kumibo at ‘di ko alam kung saan nila ako dinala. Hindi ako kumibo hanggang sa makarating kami sa walang katao-taong lugar! Hindi ako nagpupumiglas nang pilit akong ipinababa ng van. Napalunok ako. Hindi ko kabisado ang lugar na ‘to! Paano ako tatakas?   Isang abandunadong gusali ang pinasok namin. Iilang ilaw lang nang nasa paligid at ayoko ko nang humakbang papasok. “Lakad!” Sigaw sa’kin. Pero hindi ko na hinakbang ang mga paa ko—may nag-aabang na panganib sa’kin..   “Mga pare, parang gusto niyang dito natin siya i-byahe sa langit!” Nagulat ako nang biglang pinalibutan nila ako saka itinulak sa ibang mga kasamahan na parang laruan! Gusto ko ng umiyak pero—hindi, nag-iisip ako kung paano ako makakawala sa mga hayop na ‘to…   “Matigas ‘to, a! Mukhang ‘di takot.. Yan ang gusto namin sa babae, e.. Pero mas challenging yung pumapalag..” Dun ako napasigaw nang biglang hawakan ang manggas ng t-shirt ko at walang habas na pinunit iyon—saka itinulak ako ulit hanggang sa madapa ako sa lupa. Tinakpan ko ang bandang dibdib ko. “Mga hayop!” Malakas na sigaw ko sa kanila at tiningala kong isa-isa ang kanilang mga mukha.   “That’s enough playing.” Yang tinig na yun! Kung ‘di ako nagkakamali—kay Yden yun.. Anong ibig-sabihin nito? Planado niya ba lahat ng ‘to!?  Umatras at umalis limang kalalakihan at saka humakbang siya sa’kin. Nakuyom ko ang mga kamao ko nang makita ko ang kabuoan  ni Yden.   “Dare to open that mouth against me and I will let my men feast you here while watching you.” Halimaw! Isa kang halimaw, Yden! Nais ko mang sabihin pero—‘di na muna ngayon. Na-realized ko kung gaano siya ka-demonyo at..kadelikado!   Tumalikod ito sa’kin. “Stand up and follow me.” Narinig kong utos nito sa’kin. Nanginginig akong tumayo at yakap-yakap ang sarili ko. Sa ngayon, wala akong pagpipilian—pero humanda ka sa susunod, Yden. Ikaw naman..    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD