♛❤ One❤♛

923 Words
♛❤ One❤♛     Mira:   Ako si Mira Catimbag. Okay na sana ang 25th birthday ko ngayon, e! Okay na sana kasi nakiki-party ako sa mansyon ng mga Ademar.   Kaya lang, nasagi ko ang lalakeng yun! Nag-sorry naman ako ‘di ba? So anong problema at naninigaw siyang bigla!?   Porque’t kaibigan siya ng birthday celebrant—ganun na siya?! Aba’t! Hindi pwede sa’kin yung mga ganiyang ugali. Naku..   Naiinis kong tinanggal ang apron ko sa gilid nang makapasok ako sa malaking kitchen ng bahay. Kung hindi lang nilagnat si ate Hira hindi talaga ako magpapakatulong rito—tss!   “Ineng, aalis ka na?” Nilingon ko ang nagsalita. Ang mayordomang si Manang Magda pala. Ngumiwi ako saka tumango.   “Opo, Manang. May nanigaw sa’kin na kung akala mo siya ang hari ditto—sobrang sarap niyang batukan! Kung hindi lang kasi nilagnat  si ate Hira, e—birthday ko pa naman!” Hindi ko mapigilang hindi magmaktol at mabait naman ang matanda. Kilala ko siya at malapit siya sa ate Hira ko.   “Ganun ba? Sino naman ang lalakeng—“   “Manang!” Pareho kaming napalingon sa bungad ng pintoan nang may malakas na tinig na animo’y parang kulog.   Aba’t ang gago! Naniningkit ang mga mata ko nang mapagsino ang tumawag sa atensyon ni Manang. Palapit ito sa matanda.   “Oh, hijo? Ba’t namumula ka’t basa ang polo mo?”   Kilala siya ni Manang Magda!? Lumapit ang matanda rito at saka naman nagsalubong ang mga mata namin ng lalake—patay. Ang gwapo niya pala.   “Sino siya, Manang?! I want that woman be fired in this instant!” Ano!?   Parang lumabas mga tutuli ko sa lakas ng boses niya, a. At imbes na matakot ako sa kaniya ay humakbang ako palapit sa kanila ni Manang Magda. Bakas naman sa mukha ng matanda ang babala na ‘wag ng patulan ang lalake—aysus!   Hindi ko ‘to uurungan—kita mo! “At sino ka sa akala mo, aber? Akala mo matatakot ako sa pasigaw-sigaw mo, ha? Diba magalang  akong nag-sorry sa’yo tapos sinigawan mo ako!” Sobrang umuusok ang tenga ko ngayon  sa inis ko sa antipatikong ‘to.   “Mira!” Saway sa’kin ng matanda. Hah! Tama naman ako, a!   Humakbang siya palapit sa’kin saka mas tinaasan ko siya ng kilay. Mas madilim pa ‘ata ang mukha niya kesa sa pwet ng kaldero namin—pari na rin ang ugali!   “Hindi mo ako kilala!?” Kulang nalang ay pumasok ako sa bibig niya, a sa lakas ng sigaw niya. Ano bang problema niya—bingi ba siya at sobra kung naninigaw!?   “Bakit? Artista ka ba? Hindi porke’t gwapo ka—talagang dapat na makilala na kita! Alam mo ba ang sabi sa’kin nung grade 1 teacher ko, ha? WHAT IS BEAUTY IF THE YOUR ATTITUDE IS UGLY!” Saka nakapamewang ko siyang tiningnan.   Bumwelta talaga ako sa kaniya saka naman pumagitna sa’min si Manang Magda na mukhang takot na takot para sa’kin. Aysus! Kaya ko ang mokong na ito!   “Manang—I don’t want to see this woman in our mansion tomorrow!” Ano ngang sabi? Mansyon niya raw? Wee!? Pero dahan-dahan ring nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya.   Walang  sabi itong tumalikod at malalaking hakbang na umalis sa kusina. Ang sexy ng likod,a! Witwew.. Ang sama lang talaga ng ugali.   “Mira naman! Pinahamak mo ang trabaho ng ate Hira mo—anak ni senyor Blaire at senyora Ysla si Yden. Ano ka bang bata ka!” Napakagat-labi ako ngayon. Talaga ba? “Totoo? E, ang sama-sama ng ugali niya, Manang! Nag-sorry naman po ako sa kaniya pero ganun nalang kung maka-sigaw sa’kin--wagas, e..” Pero talagang mapapagalitan ako ni ate Hira! Paano na ‘to? Ito lang ang trabahong bumubuhay sa’min sa ngayon?   “Kasi naman yang bibig mo—ipreno mo naman, Mira. Tignan mo ngayon? Ipatatanggal ka ni seniorito at ibig-sabihin tanggal rin sa trabaho si Hira!” Napabuntong-hininga ako. Ayst! Kakapasok lang ni ate Hira bilang tagapag-luto sa mansyon ng mga Ademar. Hindi naman niya ako pinapayagang magtrabaho dahil kaya raw niya at ang kolehiyo daw ang atupagin ko..   At paano na ngayon? Talagang naipahamak ko si ate Hira..   “Ayokong mag-sorry sa kaniya, Manang.” Maktol ko dahil yun naman talaga ang maaaring gawin ko sa ngayon.   Ay, hindi ko kaya ‘no! Baka naman ‘pag nag-sorry ako matawa lang ako bigla, e.   “May pwede ka bang gawin maliban diyan, Mira? Alam mo ang sabi ng ate Hira mo—nagtatrabaho siya para sa’yo para makatapos ka ngayong taon. Tapos ito? Hay naku.” Sabi niya saka tatalikod na sana ng pigilan ko siya. Sige, sige—kakainin ko ang sabon na pride!   Letse talaga!   “Mag-sosorry nalang po ako.. Samahan niyo po ako, Manang.” Ayst! Kung pwede  lang talaga na hindi—wala akong magagawa sa ngayon. Saka kinuha ko ang sibuyas sa mesa! “Anong gagawin mo diyan?” Tanong niya sa’kin saka ako ngumisi at itinapat sa mata ko.   “Iiyak po ako, Manang..” Sabi ko saka napailing siya sa sinabi ko. Oo, magsosorry ako sa kaniya habang umiiyak—o, bahala na basta ayokong mawalan ng trabaho si ate Hira.   “Halika ka na nga, bata ka!” Hila sa’kin ni Manang at mukhang tinatahak na namin ang patungong empyerno nito.   Galingan mo, Mira!      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD