Mariel POV
Umalis na din agad si Troy sa room dahil 1st day pa lang naman at wala pang regular classes. Nagsulat na ako ng mga list na name ng classmate ko at
Nakangiti si Chery sakin ang bestfriend ko alam kong kinikilig na naman ito sa love story ko.
Si Chery lang ang nakakaalam na mag asawa kami ni Troy. Saksi siya sa kasal namin na ako lang ang nakangiti at sa mga photo namin na hindi siya nakangiti.
Business Ad ang kinuha kong course para na rin sa negosyo namin.
Nawala yung iniisip ko ng mapansin ko si Chery na nasa harap ko na pala
"Hoy, Kain tayo ! ". sabi sakin ni Chery.
" Mamaya na , tatapusin ko lang yung pinapagawa ni T-troy".bulong ko sa kanya habang unti unting lumalabas ang ibang classmate namin.
"Hindi naman pinapadali nung asawa mo yan, kaya mamaya na yan"sabi ni Chery.
" Hindi pwede baka magalit sakin yun".sabi ko naman.
"Ay !Oo nga pala. Mahal mo nga pala siya". sabi niya at napangisi naman ako.
" Tss".sabi ko. Ganito ang linya niya kapag si Troy ang dahilan ng bawat excuses ko.
Pumunta ako ng office niya at medyo akong kinakabahan dala dala ang list na name ng mga classmate ko nasa harap na ako ng pinto tsaka ako kumatok.
"Tok Tok Tok ! ! ".
" Come in ".sabi nito.
Pinihit ko ang doorknob at napansin kong tutok na tutok ang asawa ko sa pagbabasa ng libro habang nakaupo doon.
" Oh , Heto nga pala yung list".sabi ko at inilagay ko sa table niya at hindi ako pinansin.
Umupo ako sa harapan niya at sinandal ang ulo ko sa may sofa.
"Hayy, ang pagod ". sabi ko dahil mapagod din sa kamay magsulat.
" Sinabi ko bang umupo ka jan".pasungit na sabi ni troy habang ang tingin ay nasa libro pa rin.
Kahit kailan napakasungit niya sa akin tsaka ako nagsalita.
"Nagpapahinga lang naman eh , tsaka ang pagod kaya ng pinasulat mo noh". reklamo ko sa kanya.
" So , kasalanan ko ba na ikaw ang secretary ?".tanong niya.
"Hindi, ayy basta ". sabi ko sa kanya.
" Tss".sabi niya at napatingin na siya sa akin.
" Bakit andito ka pa?".tanong niya
"Etoh na nga po, paalis na po".. sabi ko sa kanya at palakad na ko ng magsalita siya
" Kumain ka na ba?".tanong niya.
Napangiti naman ako sa tanong niya at lumingon ako sa kanya.
"Hmm, kakain pa lang. Sasabay ako kay Chery". sabi ko.
Napatango naman siya sa sinabi ko at nagsalita ulit ito.
" Good , ayaw ko mapagalitan ng daddy mo , kaya responsibilidad ko na alagaan ka kasi asawa pa rin kita".sabi nito at ipinagpatuloy na nito ang pagbabasa.
Nag bell na at exactly 4:30 na, nakita ko si Troy na paalis na din at sumakay ng kotse kaya dali dali akong pumunta dun.
"What are you doing , baka may makakita sayo dito?". tanong nito sakin.
" Hindi ko dala yung kotse ko, pwede ba ako sumakay tutal parehas tayong pauwi sa iisang bahay".sabi ko.
Hindi niya agad napansin yung sinabi ko dahil nakatingin ito kay Tin.
Nakita ko naman ang barkada ni Tin na papunta na din sa amin, mukhang napansin niya kung sino kausap ko kaya kinabahan ako.
"Hi , Sir ".ngiting sabi ni Tin.
Ngumiti naman si Troy kay Tin kakaibang ngiti, Maganda si Tin pero mas maganda ako sa kanya pero ni minsan hindi ko manlang nakita ngumiti sakin yang troy na yan at naiinis naman ako sa lalaking ito.
Naunang Umalis na si Troy , at umalis na din sina tin at iniwan ako dun mag isa,
to be continue..