Risa's POV.
Simula nung lumangoy ako palayo kay uky, hindi ko na ulit sya nakita kaya umahon ako sa pool para hanapin ito.
Nilibot ko muna ang paningin ko sa buong swimming pool area baka sakaling makita kong muli si uky doon pero wala, kaya napagdisisyunan ko nang mag banlaw baka kase nasa kwarto na namin sya.
Papasok na sana ako ng restroom nang marinig ko ang boses ni ivan.
"Nahahalata ko na kayo ni risa. Halata na girl wag mo na itago, bestfriend mo ako. Kayo na no?"
"S-sorry ivan, sasabihin ko naman sayo humahanap lang talaga ako ng tyempo."
Medyo nagulat ako nang marinig ko ang boses ni uky. Kaya hindi muna ako pumasok, medyo sumilip ako sa pinto para makita sila at pinakinggan ko pa muna ang usapan nila.
"Gusto mo ba talaga sya o nangu-ngulila ka lang kay dindo?" Tanong ni ivan kay uky. Bugtong-hininga lang ang sinagot sakanya ni uky.
"Alam mo girl kung yun yung nararamdaman mo, putulin mo na agad yung ugnayan nyo ni risa, kase masasaktan mo lang sya."
Bigla namang sumikip ang dib-dib ko dahil sa narinig ko.
"Tara na nga baka hinahanap na tayo." Aya ni ivan kay uky.
Medyo gumilid naman ako para hindi nila ako makita.
Nangu-ngulila lang ba talaga si uky sa ex nya?
****
Uky's POV.
Akala ko magagalit sakin si ivan saakin. Nahalata nya na pala. Hindi ko na nagawang itanggi dahil nga halata na at dahil bestfriend ko sya. Alam nya kung maybtinatago ako sakanya.
Kumain muna kami ni ivan bago ako nag paalam sakanya na aalis na ako dahil gabi na at nilalamig na ako. Bumalik na ako sa kwarto namin ni risa dahil baka hinahanap na nya ako. Hindi kasi sinabi sakanya kung saan ako pupunta.
Pag-pasok ko sa kwarto, nagulat ako nang hindi ko makita si risa. Akala ko nandito na sya dahil hindi ko na sya nakita mula nung lumayo sya sakin.
Nasan na yun?
Tumuloy na ako sa cr para makaligo na agad, nilalamig na kasi talaga ako. Nakita ko yung swimsuit na suot ni risa kanina, nandito sa cr kaya nabigla ako.
Galing na sya dito? Nasan na yun?
Binilisan ko na ang pagligo ko para mahanap ko na agad si risa. Nag alala ako bigla.
Bago ako magbihis tinext ko muna si risa, tinanong ko kung nasan sya pero wala akong natanggap na reply. Hanggang sa matapos ako magbihis. Naka-ilang tawag na rin ako sa numero nya pero hindi nya sinasagot.
Habang hinahanap sya sa may beach, tnatawagan ko parin sya pero hindi parin nya sinasagot. Kinakabahan at nag-aalala na ako, dahil kalahating oras na akong naghahanap sakanya.
Tinext ko na rin si ivan pero hindi sya nag reply, kaya tinawagan ko na sya pero nakapatay naman ang cellphone nya. Di ko naman alam yung number nung mga kaibigan ni risa.
Sh*t! Nasan ka na ba?!
Naiiyak na ako dahil sobrang nag-aalala na ako sakanya. Ilang minuto pa akong naglakad hanggang sa may nakita akong lalaking may inaalalayang babae palabas sa bar. Napatakbo agad ako palapit dito dahil namukaan ko yung inaalalayan nya.
"Hoy anong ginagawa mo sakanya?!" Sigaw ko sa lalaki.
"Wala po miss. Inaway nya po kase yung isang costume namin sa loob kaya po inilabas ko muna sya."
"Kilala ko yan akin na, ako na bahala dyan. Pasensya na."
"Okay lang po ma'am."
"Salamat."
Binigay naman agad sakin nung lalaki si risa. Amoy alak ito at halatang lasing na lasing.
"Risa tara na." Inalalayan ko sya para makalakad sya.
Nakarating naman kami sa kwarto namin kahit natagalan kami dahil nga lasing si risa at ang hirap nyang alalayan. Natutumba pa kami sa buhanginan at gumugulong pa kami minsan.
Pagkapasok namin sa kwarto, inihiga ko na agad si risa sa kama.
Nanguha ako ng bimbo at binasa ito sa banyo. Pag balik ko sa cr, nakita kong naka-upo na si risa sa kama.
"Bakit ka ba nag-inom?! Alam mo bang kung saan-saan kita hinanap?! Hindi mo sinasagot mga tawag ko! Alam mo bang nag-alala ako ng sobra sayo, ha?!" Naiiyak na sigaw ko sakanya habang pinupunasan ko sya.
Nakapikit lang ito at parang walang naririnig. Huhubarin ko na sana yung damit nya para mapalitan ko na nang bigla syang mag salita na sobrang kinabigla ko.
"Uky, pag alam mo na yung sagot, p-pag alam mo na n-na si dindo talaga. P-pweding sabihin mo sakin? Papalayain naman kita, hahayaan naman kita. Bibitawan naman kita.. K-kase dun ka naman sasaya. B-basta sabihin m-mo lang s-sakin, ah?" Lalo akong nagulat ng bigla sya umiyak.
"Ano bang pinag-sasabi mo? Tumigil ka nga!" Sigaw ko sakanya.
"Rebound lang naman ako, e." Gusto kong maiyak din dahil sa paghagulgol nya. Nararamdaman kong nasasaktan talaga sya.
Pinagpatuloy ko nang hubadin ang mga suot nya at sinuutan ito ng malinis na damit.
Hiniga ko na sya ng ayos sa kama at kinumutan ito. Tinitigan ko sya sa muka at hinalikan ito sa noo.
"Ano bang pinagsasasabi mo, ha?" Tanong ko sakanya na para bang sasagutin ako nito. "Napapraning ka nanaman, e. Kahit naman mali yung relasyon natin, mahal parin kita. Kahit ang bilis ng mga pangyayari. Mali sa mata ng dyos, mali sa mata ng ibang tao. Ayoko munang isipin sila, ayoko munang isipin mga sasabihin nila. Ikaw muna, tayo muna." Hinalikan ko sya sa ilong. "Ilalaban kita, pweding ilaban mo din ako? Wag ka agad susuko, wag mo agad akong ibigay. Please?" Hinalikan ko sya sa labi. Umayos ako ng higa sa tabi nya at ipinikit ang aking mga mata.
"Wala nakong pakilam sa sasabihin ng ibang tao. Mahal kita alam kong mahal mo din ako. Ramdam ko, ramdam na ramdam ko."
----
Pagka-gising ko wala na sa tabi ko si risa. Kinabahan ako bigla kaya tinignan ko agad kung nasaan nakalagay yung maleta namin, nakahinga agad ako ng maluwag nang makita kong nandoon pa yung maleta nya.
Kinabahan ako ah.
Bababa na sana ako ng kama nang may biglang pumasok sa pinto. Iniluwa nito si risa na may dalang tray.
"Hi, good morning." Nakangiting bati nya sakin.
"G-good morning din."
Inilapag ni risa yung tray sa may hita ko.
"Kain na, aalis na tayo." Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"Huh? Anong aalis, saan tayo pupunta?"
"Uuwi na, tayong dalawa nalang naiwan dito. Umuwi na silang lahat." Napanga-nga naman ako sa sinabi nya kaya natawa sya.
Umupo naman sya sa tabi at tinaas ang baba ko para sumara ang bibig ko."Kain lang walang nga-ngahan hahaha!"
"Uuwi na talaga tayo?" Nakangusong tanong ko sakanya.
"Oo nga."
Niyakap ko sya sa tagiliran at pinatong ang baba ko sa balikat nya.
"Baka matapon yung pagkain mo." Kinuha nya yung tray at nilagay sa katabing lamesa ng kama.
"Uuwi na talaga tayo, risa?" Nakangusong tanong ko sakanya.
Hinalikan nya ako sa noo at tinignan ako sa mata. "Oo nga, hindi pweding hindi. Nangako ako sa kuya mo di'ba?"
"Ayoko pang umuwi." Hinigpitan ko ang yakap ko sakanya at binaon ang muka ko sa leeg nya. "Ang bango mo na ah, naligo ka na?" Tanong ko sakanya habang sinisinghot ang leeg nya.
"Hindi pweding hindi tayo umuwi at o-oo naligo na ako, ano ba uky nakikiliti ako wag mo akong amoy-amuyin para kang aso." Pinatong ko ulit ang baba ko sa balikat nya atsaka nag puppy eyes.
"Tigilan mo ako uky, di eepekto sakin yan ngayon kaylangan talaga kitang iuwi ngayon, nangako ako sa kuya mo." Sinubsob ko nalang ulit ang muka ko sa leeg nya.
"Bango na ah parang kagabi lang amoy mandirigma ka, ah."
"Uky para kang aso tumigil ka nga." Pilit nyang inaalis ang pagkalayakap ko sa bewang nya kaya hinigpitan ko pa.
"Kumain ka na nga." Utos sakin ni risa.
"Subuan mo ako."
"Bitiwan mo muna ako, pano kita susubuan nyan?" Binaon ko pa lalo ang muka ko sa leeg nya.
"Parang kagabi love na love mo pa ko ah, di mo na ko love ngayon?" Nag tatampo kunwaring sabi ko sakanya.
"Love parin naman kita. Bitawan mo na ako para mapakain nakita." Binitawan ko naman sya. Ganun nga ang ginaea nya pinakain nya ako hanggang maubos ko ang pagkaing dinala nya.
"Maligo ka na para makaalis na tayo agad." Utos ni risa sakin kaya napairap ako sa hangin.
"Opo ate, maliligo na po."
"Dalian mo na, baby."
Kinuha ko na agad ang bathrobe ko at pumasok na sa banyo.
Ayokong ipakita sakanya na namumula ako kakapigil ng kilig.
Nako naman!
****
Risa's POV.
"Parang ayaw ko tuloy bitawan ka kahit sabihin mong si dindo parin ang mahal mo.