Chapter 19

1870 Words
RISA'S POV. Nakatitig ako ngayon sa muka ni uky, natatawa nanaman ako sakanya dahil nakanga-nga nanaman sya matulog. Pinatulog ko na si uky dahil marami pa akong gagawin. Hihintayin nya daw ako, sabay na daw kami matulog nung sinabi ko na mauna na sya dahil marami pa akong gagawin, wala pa atang isang minuto naghihilik na. Nag-inat ako ng braso at binti bago ako tumayo, nangawit ako kakasulat at kakaupo. Pagtingin ko sa orasan nabigla ako dahil 2am na. Hindi ko na namalayan yung oras. Nag punta ako sa banyo para maglinis para makatulog na din. Pagkatapos kong maglinis at magbihis ng pangtulog, pinatay ko na ang ilaw at dahan-dahan akong sumampa sa kama para hindi magising si uky. Binuksan ko muna ang lampshade sa tabi ko para pag nagising si uky hindi masyadong madilim. Muntik na akong mapamura dahil biglang tumayo si uky. "Hoy uky, ano ka ba naman kala ko tulog ka na." Mahinang sabi ko. Nag taka ako dahil hindi sya sumagot, tinignan ko ang muka nya at natawa ako dahil nakapikit ito. "Ano kayang napapanaginip nito." Hinawakan ko ang ulo at likod nya at dahan-dahan sya inihigang muli. "Nakakagulat ka uky, natakot ako sayo haha." Nang masiguro na ayos na si uky, hinalikan ko na sya sa pisngi at umayos na nang higa sa tabi nya. Napangiti nalang ako nang bigla nya akong yakapin. "Hmm... Ilalveno." Bulong ni uky, di ko maintindihan ang sinabi nya kaya tinanong ko sya. "Ano uky?" Bulong ko sakanya, di na sya sumagot. Sinilip ko ang muka nya. Nakapikit ito at mahimbing ang tulog. Nanaginip na naman? Hahaha! ---- Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mata ko. Pag mulat ko ng mata, si uky agad ang nakita ko, nakaupo sya sa silya at nakatitig sa muka ko. "Good morning." Nakangiting bati nya sakin. "Good morning din." Bati ko din sakanya habang nakahiga pa din. "Bakit ka nakatitig sakin habang tulog ako?" Tanong sakanya. Ngumiti muna sya at sumandal sa silya bago nya ako sagutin. "Pinapanood ka matulog." "Ang weird mo." "Hahaha! So?" "Kanina ka pa ba gising?" Tanong ko sakanya. "Oo mga 7." "Anong oras na ba?" "9 na. Risa." Bigla akong napabangon sa sinabi nya. "Hindi ka pa kumakain?!" "Hindi pa. Easy ka lang nga, kakagising mo lang sumisigaw ka aga--" "Bakit di ka pa kumakain? Kanina kapa nakaupo dyan? Hinintay mo pa talaga ako magising! Siraulo ka ba? Sana ginising mo na din ako." Tuloy-tuloy na sabi ko. "Huminahon ka nga dyan. Gusto kase kitang kasabay kumain saka nahihiya ako sa kuya mo. Ayaw naman kitang gisingin dahil baka anong oras ka na natulog." "Hayy nako!" Tumayo ako at nagtungo sa banyo pero bago ako pumasok tumigin muna ako sakanya. "Mag Mumumog lang ako saka maghihilamos hintayin mo ako dyan." "Yes ate hahaha! Oa." Sumaludo pa sya sakin, inirapan ko lang sya at nagtuloy na sa pagpasok sa banyo. Hayyy! Hinintay pa talaga ako! --- "Ikaw uky sana kanina kapa kumain, nako talaga uky, ginigigil mo ako." Sermon ko sakanya habang nagluluto ng kakainin naming dalawa. Tumingin ako sakanya at nakitang nakanguso ito habang nagpapa-awa sakin. "Tigilan mo kakanguso mo dyan ah! Kagabi pa sumasakit ulo ko sayo." Lalo namang humaba ang nguso nya. Pinapatuloy ko nalang ang pagluluto para matapos na din agad ako. Bacon,hotdog at itlog lang ang niluto ko para mabilis, may kanin na baka nagsaing na si kuya bago umalis. Pinagsalin ko ng kanin si uky sa plato at nilagyan ng ulam. "Risa, kaya ko naman yan wag mo'kong ibaby masyado." "Tigilan mo nga ako uky, kumain kana." "Ang sama ng ugali mo sakin." Nakangusong ungot nya sakin. "Kumain ka na, susubuan pa kita dyan,sige ka." "Oo na kakain na." Nagsimula na sya kumain. Nag lagay na din ako ng kanin at ulam sa plato ko at sinabayan syang kumain. "Risa may tanong ako." "Ano yun?" "Ang laki ng bahay nyo tapos wala kayong katulong?" "Kase gusto ng magulang namin na matuto kami." "Ganun, parang kami rin. Hindi nanguha sila papa ng katulong para daw matuto kami mag-laba, mag-luto saka maglinis ng bahay, nung una mahirap kase bata pa kami ni kuya nung iwan kami nila papa para mag trabaho pero nung natuto na kami ayos na hahaha!" "Ako pag lilinis ng bahay at pag lalaba lang ang kaya ko, yung pagluluto medyo tagilid ako, e. Kaya si kuya ang nag luluto." "Gusto mo turuan kita?" Nakangiting tanong sakin ni uky. "Sige ba." Nakangiting ding sagot ko sakanya. Marunong naman ako magluto pero hindi masarap hahahaha! Buko sa hotdog, bacon at itlog syempre, expert ako dyan. "Tuturuan kita pag may time na ako, pag marami na tayong time, pag hindi na tayo busy pareho para walang abala. Okay?" "Okay!" Sigaw na sagot ko sakanya. Natawa naman sya sa ginawa ko at natawa na din ako. Habang kumakain ay nag-uusap kaming dalawa, Nalaman kong takot sya sa palaka at sa matataas na lugar, gusto nya yung mga pagkaing matamis. Mahilig sya sa aso. Kaya para syang aso, amoy nang amoy sakin. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa matapos kaming kumain. Hanggang sa naghuhugas na kami ng pinagkainan namin nagkwekwento parin sya, kwento sya ng kwento ako naman nakikinig lang dahil hindi ako makasingin sa dami ng kwento nya. Nangi-ngiti nalang nga ako dahil sa ginagawa nya. Gusto kong batukan si uky dahil kakakain lang namin pero heto sya nilalantakan yung ice cream. "Hindi ka ba nabusog?" Tanong ko sakanya. "Hindi." Nakangusong sagot nya sakin. "Dyusko po." "Bakit?" "Wala, kumain ka na nga lang dyan. Pagkatapos mo dyan pumunta ka dun sa sala manonood lang ako dun." "Sige." Sagot nya sakin sabay subo nung ice cream. Nakita nyang nakatitig ako sakanya. "Gusto mo?" Alok nya sakin habang nakangisi, umiling ako. "Ayaw mo? Gusto mo gawin ko yung ginawa mo sakin noon?" Nakangising sabi nya sakin. Alam kong namula ako sa sinabi nya dahil uminit yung muka ko. "A-ayoko! Tigilan mo nga ako uky!" Tinawanan nya lang ako at pinapatuloy ang pagkain. Nakatingin parin ako sakanya kaya nung pagtingin nya ulit sakin ay medyo nagulat ako. "Oh, nandyan ka pa, kala ko pupunta ka sa sala?" Nakangising sabi nya. Inirapan ko naman sya at tinalikuran. Mag lalakad na sana ako papunta ng sala ng magsalita ulit sya. "Gusto mo lang ata gawin ko sayo yung ginawa mo sakin noon e, hahaha!" Napapikit ako ng mariin at nahigit ko ang hininga ko dahil sa sinabi nya, pag mulat ko ng mata ko ay nag patuloy na ako sa pagpunta sa sala. Pag-upo ko sa mahabang sofa ay dun ko lang pinakawalan ay hininga ko. Lintik na uky! "Risa ayaw mo ba talaga ng ice cream?!" Sigaw ni uky mula sa kusina. "Ano ba uky, kumain ka na nga lang dyan!" Inis na sagot ko. "High blood ah, tinatanong lang naman kita ah?!" Inis nya pa sakin. "Uky!!" Inis na sigaw ko. "Oo na, ayaw mo na! High blood ah hahahaha!" Napapikit nalang ako dahil sa mga sinabi nya. Ilang minutong katahimikan dahil di nagsasalita si uky at hindi rin ako nagsasalita. Binuksan ko ang TV para manood, nasa kalagitnaan ako nang panonood ng pumasok si uky sa sala. May dala itong mangkok na may lamang ice cream. Umupo sya sa tabi ko at ipinatong ang mangkok sa magkadikit nyang hita. "Ano ba uky, sabing ayoko!" Inis na sabi ko sakanya. "Sinong nag sabing sayo to? Akin to no!" Inirapan nya ako at sumubo ng ice cream. "Hmm, sarap!" Panay sya sabi ng 'hmm sarap' pagkatapos nyang isubo ang ice cream. Hindi naman ako makapag focus sa pinapanood ko dahil sakanya. "Hmm sarap!" Nilakasan nya pa talaga ang pagkakasabi nyan kaya humarap ako sakanya at tinignan sya ng masama. "A-ano ba uky?!" "Ano?" Maang-maangang tanong nya. "Anong ano ka dyan?! Kumain ka nangalang hm sarap-hm sarap ka pa dyan." Bumaling na ulit ako sa pinapanood ko. Ilang minuto natahimik si uky kaya bumaling ako sakanya at nakitang kumakin parin ito. Nakita nyang nakatingin ako sakanya kaya inalok nya ulit ako ng ice cream na kinakain nya. Umiling ako at bumaling ulit sa pinapanood ko. Ilang minuto nanamang tahimik si uky, titignan ko sana ulit sya pero pag lingon ko,bmuka nya na agad ang nakita ko. Nahigit ko ang hininga ko ng ilapat nya ang labi nya sa labi ko. Natulala ako sa ginawa nya. Nakahiwalay na ang labi nya sa labi ko pero pigil ko parin ang hininga ko. "HAHAHAHA gulat ko no?" Nakatulala lang ako sa muka nya, hindi ako makapaniwala sa ginawa nya. "Risa?" Parang huminto yung mundo ko ng marinig ko yung boses na yun. Kinilabutan at bumilis ang t***k ng puso ko, nanigas ako sa kinauupuan ko. Nakita kong ganun din ang naging reakayon ni uky. Nagkatitigan pa kami. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si kuya na nakatayo sa pinto sa sala. "K-kuya?" Utal na sabi ko sakanya. "Risa, bakit ganyan itsura mo? Bakit ka namumutla?" Tanong ni kuya sakin. Nabigla naman ako sa sinabi nya. "K-kuya m-may nakita k-ka ba?" Utal na tanong ko ulit sakanya. "Oo." Sagot sakin ni kuya. "A-ano?" "Kiniss ka ni uky." Nakangiting sagot nya sakin. Bumaling ako kay uky, nakatingin na din sya kay kuya at nanlalaki ang mga mata. Bumaling ulit ako kay kuya, nakatingin na sya kay uky. "Uky, pwedi bang iluto mo tong sinigang? Pangtanghalian nating tatlo." Nakangiting sabi ni kuya kay uky at tinaas ang kamay nya, may hawak sya plastic. Naramdaman kong tumayo si uky kaya napatingin ako sakanya. Kinuha nya ang plastic na hawak ni kuya. "S-sa k-kusina lang p-po ako." Utal na sabi nya kay kuya habang nakayuko. Bumaling sakin si uky, nag-aalala ang mga mata nya. Naglakad na si uky papunta sa kusina, naiwan kaming dalawa ni kuya dito sa sala. Nakatayo parin sya sa pinto. "K-kuya sorr--" "Alam ko naman risa, tanggap kita, tanggap ka namin nila mama at papa kaya wag kang mag sorry, okay?" Nabigla ako sa sinabi ni kuya. Naglakad sya palapit sakin at umupo sa tabi ko. "K-kuya?" "Matagal na naming napapansin, matagal na naming alam, hinihintay lang namin na sabin mo nang kusa." Nangiti ako sa sinabi ni kuya kaya niyakap ko sya. Pagkahiwalay ko sa pagkakayap sakanya ay tumungi ako sa mukha nya. "Pano si ghio? Di'ba nanliligaw sayo yun?" Tanong nya sakin. Napaisip ako bigla sa sinabi ni kuya. Magagalit si ghio pag nalaman nyang may relasyon kami ni uky. Masasaktan ko si ghio. Ang mas kinababahala ko yung mag-away sila magkapatid. ---- Sorry matagal update HAHAHA naadik kase ako sa webtoon e. Yan medyo mabaha yung update ah. Sorry talaga. -Sorry kung maraming typo. -Pakisabi kung may mali. --- May tatanong ako sa inyo. Pag sinama ko ang story nila riki at Crystal dito, tatapusin ko na yung istorya ni uky at risa. Isasama ko pa din ba o ihihiwalay ko na? Pag hiniwalay ko ang title ay 'Perfect Disaster'. Hiwalay ko nalang ba o isasama ko pa dito? ----- Alam kong bago lang sa w*****d yung ibang nagbabasa nito. Try nyo basahin yung ibang story nung ibang author mas magaganda yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD