Uky's POV.
Alam ko naman yung dahilan kung bakit sikreto muna yung relasyon namin ni risa, okay lang naman pero may part parin sa puso ko na nasasaktan.
Naka-upo ako sa buhanginan habang pinapanood ko sila risa at iba pa naming kaibigan na nag lalaro ng volleyball. Medyo hapon na kaya di na masakit sa balat ang araw.
Ang baduy pero kada palo ni risa sa bola, kada takbo nya at kada hinahangin ang buhok nya, nag iislow sya sa paningin ko. Hindi ko maiwasang mapatitig at mapanga-nga sakanya.
Abala ako sa pag nanasa kay risa nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko, di ko na sana papansin pero napalingon ako ng bigla nya kong akbayan.
"Hi, uky." Nakangiting bati sakin ni Dindo.
Napangiwi naman ako dahil sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.
"Ah.. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang pilit na inaalis ng pagkaka-akbay nya sakin.
Nilapit nya pa ng bahagya ang mukha nya, tinagilid ko naman ang mukha ko at lumayo ng bahagya.
"P-pwedi bitiwan mo na ako, saka ilayo mo nga yung mukha mo!" Sabi ko sakanya habang pilit parin inaalis ang pagkaka-abay nya sakin.
"Bakit kinikilig ka ba?" Nakangising sabi nya.
Tumingin ako sa gawi nila risa para humingi ng tulong. Nakita kong pinalo ni risa ang bola papunta sa dereksyon namin, nagulat ako nang tumama sa muka ni dindo ang bola. Napabitaw sya sa pagkaka-akbay nya sakin at mabilis na hinawakan ang parte ng muka nya na tinamaan ng bola, napahiga din sya sa buhanginan.
"Argg! Ang sakit!" Sigaw ni dindo.
Nakatingin lang ako kay dindo dahil nagulat ako sa nangyari sakanya. Naramdaman kong may nagtatayo sakin mula sa pagkaka-upo ko sa buhanginan, tinignan ko kung sino yun at nakita ko si risa. Nang maitayo nya ako tinignan nya agad ako mula ulo hanggang paa.
"Okay ka lang?" Tanong nya sakin.
Tango lang ang tanging nasagot ko sakanya dahil hanggang ngayon gulat parin ako sa nangyari kay dindo.
Tumingin si risa kay dindo at nginisihan ito. "Sorry tinamaan ka, dyan ka kase pumwesto, e, may naglalaro dito."
Hindi ko na nagawang tignan si dindo dahil hinawakan agad ako ni risa sa kamay at hinila palayo kay doon. Napatingin ako sa iba pa namin kaibigan, kita sa mukha nila ang pag-kagulat
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa kwarto namin ni uky. Gulat parin ako dahil dun sa nangyari kay dindo.
"B*ullsh*t!" Sigaw ni risa kaya bumalik ang diwa ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong nya sakin habang hawak ako sa dalawang pisngi ko at tinitignan kung may kung ano sa muka ko. Kita ko sa mata nya ang pag-aalala at galit.
"Umaano ba dito yun?!" Sigaw nyang muli.
Hinawakan ko ang dalawang kamay nya na nasa pisngi ko at inalis yun saka ko sya niyakap. Nabigla sya sa ginawa ko pero ilang segundo lang ay niyakap nya na din ako.
"Okay ka lang ba?" Kalmadong tanong nya sakin habang hinahagod ang likod ko. tango lang ang sagot ko sakanya.
"Inaantok ako risa." Sabi ko sakanya.
"Tara dun sa kama, matulog ka muna." Hinatak nya ako papunta sa kama at pinahiga ako dun. Aalis na sana sya sa pagkaka-upo sa kama nang hatakin ko sya pabalik.
"Aano ka?" Tanong ko sakanya.
"May kukunin lang ako."
"Dito ka lang." Hinatal ko sya pahiga sa kama. Nang makahiga na sya nang maayos, saka ko hinilig ang ulo ko sa dib-dib nya. Naririnig ko ang pagtibok ng puso nya kaya napangiti ako.
"Dito ka lang muna." Huli kong sabi sakanya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
---
Nagising ako nang may maramdamang yumayakap sa ulo ko, dahan-dahan kong minulat ang mata ko. nakahiga parin ako sa dib-dib ni risa, ramdam ko yung malalim nyang pag hinga kaya alam kong tulog ito.
Dahan-dahan kong tinanggal ang pag-kakayakap ni risa ulo ko, nang maalis ko na, agad kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ang oras. 8:14 pm.
Nilapag ko yung cellphone ko sa lamesa sa gilid ng kama.
Bumaling ako kay risa para gisingin to, baka hinahanap na kami nung mga kaibigan namin, e.
Napatingin ako sa labi nya na medyo nakabuka, napakagat labi ako bigla. Bumaba yung tingin ko sa leeg nya papunta sa collarbone nya papunta sa balikat nya. Nakasando lang ito kaya ang yummy nya ngayon.
Kahit naman anong suot nya yummy parin sya.
Nakaisip agad ako ng kalokohan. Alam kong magugusyuhan nya din to.
Hinalikan ko ang balikat nya pababa sa collarbone nya, paakyat sa leeg nya. Pinupog ko muna ng halik ng leeg nya bago ako pumunta sa mukha nya at pinupog din ng halik yun. Naramdaman kong gumagalaw na sya kaya hininto ko ang paghalik sakanya at bumulong sa tenga nya.
"Gising na risa." Mapang-akit kong bulong sakanya.
"Pweding ituloy mo yung ginagawa mo kanina?" Sabi nya kaya napatigin ako sa mukha nya nakapikit pa din ito. Natawa naman ako sakanya kaya napadilat sya. "Tuloy mo na please?" Sinubsob nya ang mukha ko sa leeg nya, hindi na din ako nakapagreklamo. Hinalik-halikan ko muna ang leeg nya bago ako lumipat sa labi nya at mapusok na halikan ito.
Nasa ganun kaming sinaryo nang may biglang kumatok sa pinto. Hihiwalay na sana ako sa halikan namin ni risa pero hindi nya ako pinakawalan.
Tinatayo ko na ang katawan ko para humiwalay na sya sa halikan namin dalawa pero niyakap nya ang katawan ko kaya hindi ako makatayo. Kaya ang ginawa ko, kinagat ko ang labi nya para bumitaw sya.
"Ang sakit naman!" Reklamo nya.
"Ayaw mo kase akong pakawalan, e." Sumimangot naman sya kaya natawa ako. "May kumakatok, oh."
"Hayaan mo na abala lang yan." Sagot nya sakin habang hinihila ako pahiga ulit.
"Titignan ko lang muna kung sino yun." Tumayo ako sa kama at nagtungo sa may pinto, binuksan ko ito at nakita kong si ivan na naghihintay.
"Kakain na." Yun lang ang sinabi nya, tinalikuran na nya ako at naglakad palayo.
"Sige sunod nalang kami!" Sigaw ko sakanya.
Tumingin ako kay risa, nakita ko itong inaayos ang gilid ng kama."Risa kakain na daw."
"Mamaya na, tuloy mo muna ginagawa mo sakin, dali!"
"Mamaya ko nalang itutuloy."
"Ngayon na uky!"
"Nagugutom nako ay!"
"Minanyak manyak mo ako tapos di mo rin pala tutuloy?!"
"Ginigising lang naman kita!"
"Sarap mong mang gising ah, nakakalibog!" Sigaw nya sakin.
"Yyiiee! nagustuhan mo no?"
"Kaya nga ituloy mo na diba?!"
"Mamaya nalang gutom na ko, e." Lumabas na ako ng pintuan. Narinig kng sumigaw si risa kaya natawa ako.
"UKYYYY!!!!"