Harrisa's POV.
Nagising ako dahil sa init na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at nasilaw sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Nang igalaw ko ang ulo ko, agad na sumakit ito at napapikit akong muli.
Ayoko nang mag-inom!
Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko at naramdaman kong dumulas ang kumot sa balat ko. Agad akong napatingin sa katawan ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakahubad ako.
Naramdaman kong gumalaw ang kama kaya napabaling ako sa tabi ko. Nakita kong may babaeng walang damit, likod lang yung nakikita ko sakanya dahil natatakpan ng kumot ang iba pang parte ng katawan nya, pero kilala ko sya.
Oh no!
Biglang nag flashback yung mga nangyari kagabi.
Gumalaw pa sya at umikot pabaling sakin. Nakita kong nakapikit pa sya kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Dahan-dahan kong tinanggal ang kumot ko saka dahan-dahang ibinaba ang paa ko sa lapag para di magising ang nasa tabi ko. Nang maibaba ko na ang mga paa ko, bumaling muli ako sa katabi ko at nawindang ang buong pagkatao ng makitang nakadilat na sya at nakatingin sakin.
Nakita kong nanlaki ang mga mata nya dahil sa gulat at mabilis na napaupo sa kama, naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko at alam kong pulang-pula na ako.
Tinabing nya sa katawan nya ang kumot, ako naman ay kinuha ang malaking unan saka itinakip sa katawan ko.
"Ahhhhhhhh!!!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si uky.
"Uky, okay ka lang?!" Nagkatinginan kaming dalawa ni uky ng biglang kumatok si ghio sa pinto, sabay kaming tumingin sa pinto at nagkatinginan ulit kami.
"K-kuya okay lang ako, may nakita lang akong ipis!" Sagot ni uky na kinabigla ko.
"Papasukin mo ko, uky!" Sigaw ni ghio sa labas.
"Kuya naka h***d kam-, ay este ako kuya! Mag bibihis muna ako!" Sagot muli ni uky.
Bumaling sakin si uky at sinenyasan na magbihis na ako, agad ko namang pinulot ang mga damit ko at mabilis na sinuot iyon.
"Nakahubad?! Bakit ka nakahubad?!" Tanong ni ghio.
"A-ano kase magpapalit ako ng damit!" Palusot ni uky.
"Ahh sige, teka nandyan ba si risa?" Nagkatinginan ulit kami ni uky sa huling sinabi ni ghio.
"Ah k-kuya oo nandito sya, tulog pa nga e!" Sagot ni uky sa kuya nya.
"Ah sige, bilisan mo magbihis dyan, pakigising na rin si risa, mag almusal na tayo!"
"Sige kuya!" Sagot ni uky at narinig namin ang mga papalayong yabag.
Nang masiguro na wala na nga si ghio sa harap ng pintuan, agad akong humarap kay uky at medyo nabigla ng makita kong nakatingin na sya sa akin.
"S-sorry." Hingi ko ng paumanhin sakanya.
"Ano bang nangyari?" Tanong nya sakin. Kita ko sa muka nya na kinakabahan at naguguluhan sya dahil siguro sa mga nakita nya ngayon.
"May nangyari." Simpleng sagot ko.
Kita ko sa mukha nya na naguluhan sya sa sinabi ko at ilang saglit lang nakita kong lumungkot ang itsura nya.
"Di ko maalala." Tangigng sagot nya saakin.
Napakagat labi ako ng dumako ang paningin ko sa balikat nya.
"Hoy bakit ganyan itsura mo?" Nagulat ako ng batuhin ako ng unan ni uky.
"W-wala naman. Sorry." Nakakahiya!
"Sakit ng ulo ko, di ko maalala yung nangyari kagabi." Ungot ni uky sakin.
"Gusto mo ikwento ko sayo?" Tumingin ako deretso sa mata nya at pilyang ngumiti. "Yung detalyado?"
"Wag na nga!" Sigaw nya sakin.
"Kung pano mo pinasok yun ulo mo sa damit ko, kung pano mo sinubo yun--" naputol ang iba ko pang sasabihin ng sumigaw si uky.
"Ano ba! Lumabas kana nga magbibihis ako!"
"Ang unfair naman, ikaw nakita mo katawan ko nung nagbibihis ako tapos yung sayo di ko makikita? Ang unfair!" Pang-iinis ko pa sakanya.
"Isa!" Sigaw nyang muli.
"Ayoko!"
"Dalawa!" Nakita kong kinuha nya yung unan at inambang ibabato sakin!
"Fine, lalabas na ako!" Nakangusong ungot ko sakanya.
"Bilis!" Sigaw nya muli sa akin.
Binuksan ko na ang pinto pero bago ako lumabas, humarap muna ako sakanya para asarin sya ulit.
"Ayaw mo talagang ikwento ko sayo yung nangyari?" Pang-aasar ko.
Nakita kong ibabato nya yung unan sakin, kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at sinara ang pinto.
Hahahaha! Ang cute nya pag naiinis.
****
Uky's POV.
"Hoy uky, tulala ka?" Nagulat ako nang yugyugin ni kuya ang balikat ko. Hindi ko napansing nakatulala na pala ako. "Kumain kana uky." Utos ni kuya sakin.
Susubo na sana ako ng mapatingin ako kay risa na nakatingin din sakin. Nakakagat labi pa sya habang nilalaro ang kotsara sa plato nya. Tinignan ko sya ng masama pero nginisahan nya lang ako. Inirapan ko lang sya saka nag patuloy sa pagkain.
Susubo nanaman sana ako nang mapatingin nanaman ako sakanya, pero sa pagkakataong yon susubo din sya, di ko alam kung imagination ko lang o talagang inaakit nya ako.
Ilang beses nyang ginawa sakin yun pero iniirapan ko lang sya.
Napansin kong ubos na ang kanin kaya nag prisinta ako na kukuha ng kanin.
"Kukuha lang ako ng kanin ah."
"Ako na kukuha, umupo kana dyan." Agad na kinuha ni kuya ang lalagyan ng kanin saka sya na ang nag sandok.
"Uy uky, ayaw mo ba talagang?" Tawag sakin ni risa.
"Ano ba yun?" Inis na sagot ko sakanya.
"Yung ano nga."
"Ano nga yun?!" Impit na sigaw ko sakanya para di ako marinig ni kuya.
Huminga sya ng malalim saka ngumiti na pati gilagid nya kita. "Mamaya na nga lang." Sabay kagat ng labi nya.
Oh f**k!
Nang dumating si kuya, pinagpatuloy na namin ang pagkain naming tatlo nang tahimik.
Nang matapos kaming kumain, nag prisinta ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis nang may maramdaman akong labi na dumikit sa balikat ko. Nahigit ko ang hininga ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko, may naramdaman din ako sa katawan ko na di ko alam ang tawag.
"Hey uky, di ka pa tapos?" Lalo akong nanigas ng hawakan nya ang bewang ko at malaman kung sino ang gumawa nun.
"A-ano ba risa?!" Utal na bawal ko sakanya, inalis ko ang kamay nya sa bewang ko pero nilipat nya naman to sa kanang balikat ko at pinisil ito.
Tinabig ko ang kamay nya at minadali ang paglilinis ng mga plato. Agad akong lumayo sakanya ng matapos ko.
Pumunta ako sa ref. para kumuha ng ice cream para mawala ang kabang nararamdaman ko dahil sa ginawa ni risa.
Pumunta ako sa sala dala ang ice cream na kinuha ko at naupo ako sa malambot na sofa namin.
"Ako nalang kainin mo saka dilaan mo mag eenjoy ka pa." Muntik ko nang mabuga ang sinubo kong ice cream dahil sa may biglang nag salita sa likod ko.
Bumaling ako sakanya at masamang tingin ang pinukol sakanya.
Lumakad sya papunta sa harap ko at nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa ginawa nya. Gusto kong umatras pero hindi ko maigalaw ang katawan ko sa hindi malamang dahilan.
Nang ilang hibla nalang ang pagitan ng mukha namin kiniskis nya ang ilong nya sa ilong ko at tinitigan ako sa mga mata.
"Ikwe-kwento ko sayo yung nangyari satin kahit ayaw mo." Malambing nyang sabi sakin at agad na nilayo ang mukha nya at lumabas ng sala.
Nakahinga na ako ng ayos nang mawala na sya sa paningin ko.
Oh god, save me!
----
Pakisabi kung may mali
Salamat!