Bigla na lang kumalabog nang malakas ang puso ni Zeo nang may narinig siyang pagkalabog sa pangalawang palapag ng bahay. "Did you hear that sound?" Napakunot ang noo ng mga kaibigan niyang sina Wayne, Augie, Rough, Ken, Craig at Driego. Samantalang ang iba pa niyang mga kaibigan ay hindi niya pa alam kung saan ng sulok ng bahay ng mga magulang niya ang mga ito pumunta. "Wala naman kaming narinig na kung ano riyan kung hindi ang tiyan kong gutom na." Napaigtad na naman siya nang marinig naman niya ulit ang pagkalabog sa itaas. Kung kaya't mabilis niyang tinungo kung saan pumunta si Avery dahil kinakabahan siya sa kung anong nangyayari sa kasintahan. Hindi niya tiningnan sa likuran niya kung sino ang nakasunod sa kaniya dahil sa pagmamadali. Nagulantang na lang si Zeo noong binuksan niy

