Gusto ko ng matulog pero nakailang pabaling-baling na ako sa higaan gano'n pa rin.
Napakamulat ng isipan ko. Hindi rin ako nakakatagal pumikit dahil ibang imahe na ang nakikita ko sa isipan ko.
Putangina naman, Zamora. First time mo mahablot? Bakit di pa rin mawala sa isip mo?
Nakaukit pa rin sa isipan ko ang malapitang mukha ni Lourd kanina.
Hindi talaga maganda 'to. Bumangon ako paupo at tiningnan si Gracia na tulog na tulog. Nakakainggit!
Kinuha ko ang cellphone para tingnan kung anong oras. Alas onse na pala ng gabi. Jusko ayokong magpuyat dahil dito.
Ibabalik ko na ang cellphone nang may nag-text.
Takte, si Lourd.
Still awake?
Oo! At kasalanan mo!
Tumipa ako ng reply.
Oo, bakit?
Parang kaka-send ko pa lang pero nag-reply agad. Ang bilis naman.
Kahit ba signal, nangingilala na rin ng mayaman? Walang loading? Espesyal na serbisyo?
Bakit di ka pa natutulog?
“Malamang kasi gising pa ako,” sambit ko sa tinitipa kong reply sa kanya.
I can't sleep.
O—kay? Nagtanong ba ako? Hindi talaga ako sanay na may nagse-share sa akin ng mga bagay-bagay na hindi ko tinatanong. Parang naa-awkward ako.
Pero sige, pagbigyan natin ang isang 'to.
Bakit? reply ko.
I'm thinking of you.
“Putangina.” Isang malutong na bulong dahil sa gulat sa nabasa ko.
Hindi ko napaghandaan 'yon. Siya rin naman ang iniisip ko ah, bakit, sinabi ko ba?
Loko, tipid kong reply.
Can we meet again tomorrow?
Huh, ano 'to? May attendance check?
Hindi. Busy na ako...
Matagal kong tinitigan ang tinipa kong reply na hindi ko pa na-send.
“Ah mali...mali. Magtatanong lang ito ulit tungkol sa shop.”
Tsk. Nabaliktad na ang sitwasyon. Imbis na iwasan ko siya'y dapat nga akong magpakita para hindi niya ako tanungin at kulitin tungkol sa shop.
Binura ko ito at nag-type ng panibago.
Pwede naman.
Sige, para sa dalawang milyon na nakuha ko, lilibangin na muna kita.
Pupunta akong shooting range bukas. Come with me. I'll teach you to fire.
Ow, di na rin masama. Matututo pa ako.
Sure. Anong oras ba?
Early. 7am. I'll fetch you?
Putangina ano 'yang fetch? Bat kasi kahit sa text english pa.
Nag-type ako ng oo. Hindi ko kasi alam ibig sabihin eh.
Fetch. Kukurutin niya ako? Oras kasi pinag-uusapan namin. So, hihintayin niya ako ng alas syete?
Putragis naman kasi 'yan. Ano ba 'yan. Di ko na rin matanong si Gracia.
Ah! Bahala na nga siya. Edi i-fetch niya ako ng alas syete.
Kinaumagahan, nagising ako ng alas sais.
Tiningnan ko ang cellphone at may text pa pala si Lourd na hindi ko nabasa kagabi dahil nakatulog na ako.
Sam?
Tulog ka na?
Basta I'll be there at 7 tomorrow.
Saang there na naman? Doon na diretso sa kung saan ang shooting range?
Umunat-unat si Gracia sa tabi ko kaya ginising ko na rin.
“Gracia...”
“Hmm?” sagot niya na nakapikit pa rin ang mata.
“Anong ibig sabihin ng fetch?”
“Ano 'yan, ate kaaga-aga pini-pressure mo utak ko.”
“Eeh dali na, kagabi pa nga napiga utak ko dahil diyan.”
“Fetch? Hmm...parang kunin. Bakit, ano ba sabi?”
“Si Lourd...ito basahin mo.” Pinabasa ko sa kanya ang text namin kagabi.
“Ay, susunduin ka daw niya rito ng 7am,” aniya at muling nagtalukbong ng kumot pero bigla rin itong inalis ulit. “Huh? Sunduin ka niya? Dito sa bahay mismo?
“Uy hindi ah. Diyan lang sa labasan.”
Tumango-tango siya. “Edi dalian mo na ate, mag-aalas syete na oh.”
“Huh?”
Saka lang pumasok sa isipan ko ang pinag-uusapan namin ni Gracia.
Susunduin niya ako ng alas syete?! Hindi pa ako handa! Hindi pa nga ako nakabangon.
Putek naman ito oh. Mapapamura ka nalang sa umaga.
Nagmadali akong kumuha ng towel at naligo. Napakabilis ng ligo ko na hindi ko na nagawa ang ritwal ko sa umaga.
Matatagalan na naman ako sa pagbihis nito dahil sa pagpili ng damit.
Shooting range? Pwede bang mag-jogging pants lang do'n? Nakakatamad naman 'to.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang nawaldas ko kakapili ng damit.
Sa huli, sinuot ko 'yong itim kong cargo pants at itim din na crop top.
Tiningnan ko ang cellphone at malapit ng mag-alas syete y media.
Nag-text na nga siya.
Nandito na ako sa labasan. Saan banda ang bahay niyo?
Uhm, naku, wag na. Mabilis akong tumipa ng reply.
Bigyan mo akong 20 minutes please, lalabas na lang ako. Diyan ka na lang.
Dali-dali na akong naglagay ng mga pampaganda ko. Mabilisang liptint at pagsukaly ng buhok. At sa mga oras na ito, parang gusto ko ng putulin ang buhok ko. Ang haba!
Nagpaalam na ako sa kanila. Hindi man lang ako nakapagkape.
Palabas ako ng bahay ay nakasalubong ko si Redson.
“Oh, umagang-umaga madam, saan ka papunta?”
“Trabaho.”
“Naks, parang may sahuran ka na kada kinsenas ah sa araw-araw nagtatrabaho ka.”
“Nagmamadali ako, Pula. Wag kang ano riyan.”
“Palabas din ako. Halika na, ihahatid kita...”
“May motor ka na?”
“Ng paa ko. Dalian mo na, sasabayan kitang maglakad nang mabilis.”
Binatukan ko nga. Bakit ba ako umasa? Eh halos limang taon niya ng sinasabing sa susunod na taon, bibili na siyang motor. Nagkaanak na yata lahat ng kapitbahay namin wala pa rin ang motor na sinasabi niya. Tsk.
Talagang mabibilis ang hakbang namin palabas. Hinihingal na ako, nang-iinterview pa.
“Kay Lourd Patriarda pa rin ba 'yan?”
Tumango ako.
“Mag-ingat ka Za. Baka nabaliktad na ang sitwasyon na di mo nalalaman.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Na ikaw na ang ginagamit niya.”
Napakunot ang noo ko at hindi agad nakasagot kay Redson.
Pagkarating namin sa labasan ay hinanap ko ang sasakyan niya. Nakita ko naman agad ito sa gilid.
“Sige, mauna na ako. Nando'n siya oh.” Nginuso ko pa ang sasakyan nito.
“Talagang sinundo ka niya. Halika...”
“Huh?” Nagtaka ako nang hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyakap.
“Anong kadramahan ito Redson?”
“Ikwento mo sa akin mamaya kung anong unang bungad niya sa'yo mamaya,” bulong niya dahil nakayakap pa rin siya sa akin.
“Bakit?”
“Para malaman natin kung ano na ang sitwasyon,” aniya saka kumalas sa yakap. Hindi pa nakuntento. Hinimas pa ang buhok ko.
“Kapag una niyang bungad eh nagtanong kung sino ako, wag ka ng magpapakita ulit sa kanya. Kung binati ka naman niya ng good morning, ikaw na ang ginagamit niya.”
Wala akong naging reaksyon kundi ang patuloy lang na pagsalubong ng kilay ko dahil sa pagtataka.
“Mag-ingat ka ha,” mahina nitong turan. Hinahanap ko ang mapang-asar na Redson pero seryosong-seryoso ito.
“Teka nga, binangungot ka ba kagabi?”
“Hindi. Sige na, ingat,” aniya at nilayasan na ako patungo sa kabilang direksyon.
Napapailing akong tinungo ang sasakyan niya.
Lintek, umagang-umaga ano itong pinangsaksak ni Redson sa utak ko.
Binuksan ko ang pinto sa tabi niya.
“Hi, good morning, pasensya ka na natagalan. Medyo na-late na kasi ako ng gising.”
Tumango lang ito kaya pumasok na ako. Pinaandar niya na rin ang sasakyan at nagsimula ng nagmaneho.
Isang serye na naman ng pagtataka dahil parang nasa bad mood yata ito at parang ninakawan ng ngiti.
“Who's that?”
Agad na pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Redson. Lintek 'yon, tama nga siya.
“Ah si Red, kaibigan ko.”
Pero sabi niya, kapag 'yon ang tanong hindi na raw ako magpapakita dito. Bakit?
“You seem so sweet with your friend, are you usually like that?”
“Huh? Hindi naman. Mas madalas kaming mag-asaran at magbangayan.”
“Is he living around your neighborhood?”
“Alam mo...”
Sandali niya akong tiningnan bago binalik ang mata sa daan.
“Mas magkakaintindihan tayo kapag hindi ka nag-e-english.”
Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko nang ngumiti siya. Parang ayokong nakikita ang mahaba niyang mukha kanina dahil naba-badtrip din ako.
“Pasensya ka na, nasanay kasi sa bahay noon at sa opisina.”
“Noon?”
“Yes, noon. Sa condo ko na ako ngayon.”
Ah, oo nga pala. Iyong sinundan ko siya, sa condo niya 'yon.
Napansin kong kami lang dalawa at wala ang bodyguard niya.
“Wala si Drac?”
“He's just around.”
Huh? Nakakatakot naman 'to, bantay-sarado nang hindi mo alam.
Kung ano-ano pang napag-usapan namin sa biyahe at nawala na rin ang pagtatanong niya tungkol kay Redson.
Tsk. Ang dali talaga utuin nito. Kahit sa simpleng usapan kaya mong dalhin.
Pagkarating sa shooting range ay pinagsilbihan naman siya na parang VIP.
“Madalas ka rito?” tanong ko habang naghahanda siya.
“Hmm, yes. Why?”
“Kilalang-kilala ka na kasi nila.”
Ngumiti lang siya pero napatigil siya sa ginagawa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Anyway, you look hot.”
Pucha parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Damang-dama ko ang init ng pisngi ko.
Bakit kailangan sabihin 'yon ng harapan?
Lumabas na naman ang kita-gilagid niyang ngiti. “I'll go first,” aniya.
Shete, edi mauna ka! Nakakahiya baka ang pula ng mukha ko ngayon.
Nagsimula na siya at...ang galing niya. Sharp-shooter. Halos malapit sa gitna ang tinamaan niya, napaka-steady rin.
Tinanggal niya na iyong nilalagay sa tainga. Ano ba tawag no'n? 'Yong parang headset.
“Subukan mo.”
Talagang nag-adjust na siyang mag-tagalog. Dapat lang! Pinoy siya, hindi siya dayuhan.
“Galing mo, ayoko ng sumunod.”
“Naka-try ka na ba nito dati or is it your first time?”
“First time.”
“Don't worry. Turuan kita.”
Lumapit naman ako at pinosisyon ang sarili at kamay.
Nagulat ako nang maramdaman siya sa likuran ko na para bang nakayakap na sa akin.
“Your arms should be stretch straight like this.” Tinrace niya ang braso ko hanggang sa kamay para iposisyon ito.
Pero putek, nasa likod ko lang siya at ang lapit-lapit pa kaya damang-dama ko sa leeg ang hininga niya kanina noong nagsalita siya. Buti nalang at hindi ako masyadong kilitiin.
“Try to shoot.”
Hindi na ako umaasang matitira ko 'to nang maayos dahil sirang-sira na ang concentration ko.
Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak sa baril.
“Shoot.”
Napapitlag ako sa putok. Pero naramdaman ko naman ang hawak niya sa magkabilang balikat ko.
“Steady, try to shoot again.”
Hindi na ako nag-react pa at muling tumira.
Bago pa niya ako pasubok ulit, binaba ko na ang baril.
“Pumapasok ba?” tanong ko.
Hindi ko na siya nilingon dahil ayokong may bagong malapitang mukha niya na naman ang maipinta sa mukha ko.
Awtomatikong inilapit sa amin ang papel na tinitira.
Masyadong malayo sa gitna ang mga tira ko.
“Wala, wala talaga akong talent dito.”
“Ano ka ba, it's your first try. Actuall, it's better for first timer. Ang iba hindi man lang natatamaan ang board.”
“Madalas ka nga rito,” komento ko dahil alam na alam niya.
Nakailang try pa ako at salit-salitan kami. Habang tumatagal eh palapit na ng palapit sa target ang mga tira ko, syempre dahil sa tulong niya.
Wala nga akong maiuuwing alaala na mukha niya pero ang pakiramdam na sobrang lapit niya sa akin kanina na tila nakayakap na, ang namamahay na naman sa utak ko.
Gustong malaman ng utak ko kung ano ang magiging kahihinatnan kung hinarap ko siya kanina noong gano'n kalapit?
Ugh! Kailangan kong burahin ito sa isipan ko!
“Nag-enjoy ka ba?” tanong niya.
Nandito kami nagpapahinga at may inumin. May parang mini-bar pala rito.
Sa kabilang banda rin, eh may bowling pala.
“Hmm? Oo.”
“Gusto mo pa bang bumalik dito?”
“Pwede.”
Tsk. Sumama talaga ako rito dahil interesado ako sa shooting kaso ibang alaala ang madadala ko.
Bakit ba hindi ko naisip ang gano'ng eksena?
Sa nakikita ko kasi ngayon, kahit lalaki ang tinuturuan parang gano'n ang posisyon, hindi nga lang masyadong dikit. Pero bakit ramdam na ramdam ko siya kanina?
Ugh! Zamora!
Ni hindi na tuloy ako makatingin sa kanya ngayon.
Akmang magsasalita siya nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito mula sa bulsa.
“Excuse me,” aniya bago sinagot ito.
Gusto ko siyang tingnan at aralin dahil naalala ko ang sinasabi ni Redson kanina na baka bumaliktad na ang sitwasyon.
Ano namang gagamitin niya sa akin? Wala naman akong pera.
Naalala ko ang ginawa niya kanina at dahan-dahang napatingin sa kanya.
Tsansing? Napangiwi ako at biglang nandiri.
Shuta. Tama nga si Redson. Pagkatapos ng tanong na who's that, hindi na dapat ako muling magpakita sa kanya.
Baka katawan ko na ang kapalit ng dalawang milyon na hindi niya man lang kinakamusta.
------