Because of what happened at nakita pa nong obsessed na babae. Nagkaroon ng rumor about me and De Lara! Nakakainis lang!
Matatawag ko syang bossesed dahil nasabi sa akin ng bakla na noon pa lang may gusto yong babaeng yon kay De Lara! At balita pa! na sinundan ng babaeng yon si De Lara dito sa school natoh! Nagbayad pa ng malaking halaga para lang makapasok rito ng hindi nag entrance exam kaya na conclude ko talaga na obsessed sya.
"Hindi ako maka focus!" Gigil kong sabi at padarag na binatawan ang ballpen.
Nag-aaral kasi ako ngayon para sa quizz namin sa Understanding the self but sadly walang pumasok sa isip ko dahil sa rumor na yon!
Clearly, ginawa lang yon ni De Lara para tigilan na sya nong babae pero ako na naman ngayon ang ginugulo.
They said girlfriend daw ako ni De Lara, ang iba nililigawan, ang iba nilalandi ko raw, isa na naman sa mga fun girl ni De Lara at iba-iba pa! Nakakalito! Hindi naman totoo kaya nakakagalit!
Kinabukasan! Bagsak ako sa quizz dahil walang pumasok talaga sa isip ko nga lang! Reklamo ng reklamo ang bakla! Kesho raw, pinahiram nya ako ng libro pero bagsak pa rin kami.
"Iwan ko sayo! Sabi ko diba wag kang mag expect?" I remind him. Umirap lang sya sa akin.
"Nag expect pa rin ako!" Gigil nyang sabi. Hindi matanggap ang score nya. I sigh.
"Wala na tayong magagawa...Hindi na natin yon mababago" Baliwala kong sabi. Masama nya akong tinignan.
"Iwan ko sayong babae ka!" Inis na inis nyang sabi. Napatawa na lang ako.
"Salvador! Bili tayo ng pagkain!" Sabi bigla ni Santiago sa akin. I sigh.
Nagtitipid ako! Pero dahil gutom ako at hanggang 12:00 pa ang class ko. Sumama ako kay Santiago.
Iwan ko ba dito sa babaeng to! Simula nong nanalo ako nong election, feeling closed na sa akin. Sinasama na ako sa mga pupuntahan nya.
She's easy to be with naman, ang akin lang hindi ako comfortable dahil hindi ko sya ka vibes tapos ang akward ng atmosphere dahil siguro bago pa lang kami magkakilala.
"Matagal ko ng gustong itanong to! May something ba kayo nong De Lara?" Kinikilig nyang tanong. I sigh heavily.
"Wala" tipid kong sabi.
Ang swerte ko naman kung totoong may something kami. Ang gwapo kaya nong tao! Jusko!
"Asos! Sabihin mo na! Nahiya ka pa" she said in teasing tone.
"Wala nga. Iwan ko ba kung bakit kami na issue! Ni hindi nga kami nagpapansinan non" nakangiwi kong sabi.
"Sos! Baka ang peg nyo, stranger in public but lovers in private! Pero ang gwapo nong De Lara huh! s**t lang" kinikilig nyang sabi.
Napakamot na lang ako ng ulo. Ang kulit! Hindi nga kami! Mag dadasal pa ako ng matindi para maging kami at mukhang hindi pa tapos si Lord mag sulat ng Love story namin kaya wala pang development!
"Hindi nga kami promise" Ani ko at namili na ng kakainin ko, yong mura lang dahil nagtitipid ako.
"Bakit nakita kayo nong fan girl ni De Lara na naghahalikan sa pathway-"
"In Jesus name! Hindi kami naghahalikan no!" Putol ko talaga sa kanya at napa sign of the cross. She laughed.
"Napaka defensive mo gurl!" Natatawan nyang sabi. I sigh, hindi na lang sya pinansin at bumili lang ng pagkain.
"Nakapasa ka ba sa quizz kanina?" Pang-iiba ko ng topic.
"Malamang hindi! Hindi ko maintindihan ang sarili ko eh kaya bagsak talaga ang labas" pabiro nyang sabi. I laughed.
Oo nga naman! Course subject namin Understanding the self! Babagsak ka talaga kapag hindi mo naintindihan ang sarili mo...Kaya pala bagsak ako dahil nalilito na ako sa nararamdaman ko Don kay De Lara!
Tumikhim ako para matago ang ngiti ko sa naisip! Jusko! Mababaliw talaga ako don kay De Lara!
"Ms. Salvador! May meeting raw kayo doon sa SSG Office!" The P.I.O said na hinihingal pa.
I nod!
Naman! Gusto kong umuwi sa boarding house at matulog dahil may two hours pa bago ang sunod na klase, Tapos may ganito pa! Kasalanan talaga ng Santiago na toh! At mga nag vote sa akin!
"Didiritso na ako huh?" Paalam ko kay Santiago. She nod.
"Okay! Sasabihin ko na lang sa boyfie mo na nauna ka na..."
"Wala nga kaming something!" Madiin kong sabi but she just laughed and waved her hand. I sigh.
Ang hirap mag explain! Bahala sila basta alam ko hindi pa kami! 'PA' dahil naghahanap pa ako ng gayuma para maging akin yon.
Talagang hanggang sulyap lang ako sa kanya eh! Ma f-feel ko talaga na hindi kami bagay, hindi sya magkakagusto sa akin dahil ito lang ako tapos yon sya, samahan pa na maisip kong may girlfriend na ang tao! Nakakawalang gana.
Pero!kapag nag give up na ako, sya naman ang kusang lalapit at papansinin ako! Kaya babalik talaga ang admiration ko! Dagdagan pa na tinutukso kami dahil sa kagagawan nya.
At dahil sa kagagawan nyang yon! Parang mas lumala ang pag a-admire ko sa kanya parang nag level 2! Pero! Nong nakita kong parang wala lang sa kanya? Nag level one ulit tapos tinukso kami naging level 2 ulit! Nakakalito!
"Good morning" I greeted at hinanap ng mata si De Lara. Yon lang ang kakilala ko rito eh.
"Good morning bebe girl! Attendance ka muna" nakangiting sabi ni Ms. Secretary. I smile ang sign the attendance sheet.
"Saan yon kasama mo?" She asked.
"Paparating pa po siguro, nasa cafeteria kasi ako nang masabihan na may meeting" I said politely.
"Ah! Okay! Umupo ka na. Hinihintay pa natin ang iba" she said. I nod naman at umupo sa sulok at nag phone.
Ito ang mahirap sa walang kakilala! Ma f-feel mo talagang mag-isa ka at parang hindi belong dahil nasa isang tabi ka lang.
Na m-miss ko na tuloy sina Arsenia. Kumusta na kaya ang mga babaeng yon?
Dahil hindi pa nagsisimula. I chatted them.may GC naman kami, Gumawa si Jenia dahil uso raw.
Aloha: mga gaga! Kamusta kayo?
I sent and while waiting for their reply. Nag scroll scroll lang ako sa f*******: kong napaka boring. Wala man lang nag chat!
Nakaka pressure sa totoo lang kapag kasama yong mga friends ko na may mga boyfriend!
They will talked about how stupid their boy is, their arguments, their sweet moments tapos ikaw nasa gilid lang nakikinig, walang sasabihin dahil wala akong boyfriend.
Pero! Patience is virtue naman! Baka this year or next year, if God's grace baka magkaroon na ako at isa pa hindi pa ako ready pumasok sa relasyon! Ayoko sa commitment, Nakakatakot base sa nakita ko sa kaibagan ko.
Arsenia: Wala kang hiya Aloha! Ngayon ka lang nagparamdam!
Jenia: Fake Friends!
Reneya: May new friends na kasi kaya ngayon lang nagparamdam
I laughed because of their replay. Mga baliw talaga!
Aloha: Busy lang! Na elect ang friends nyo bilang representative!
Arsenia: hanapin mo paki namin?
Jenia: pinagpalit tayo sa duties! Wala toh!
Reneya: may boyfriend na yan kaya ganyan.
Aloha: mga baliw! Busy lang talaga.
"So let's start our meeting! Please settle down" The president said kaya napaayos ako ng upo at tinago ang phone ko.
"Oh? Nandyan ka na pala?" Gulat kong sabi nang nasulyapan ko si Zioniel na nasa tabi ko na pala.
He frowned. Hindi ako nilingon at sinagot kaya napanguso ako.
Kung hindi lang to gwapo talaga! Sinipa ko na toh palabas eh! Pasalamat sya!
I sigh at nag focus na lang sa meeting!
Napakasungit naman nitong katabi ko! Hindi nya ba alam na may utang na loob sya sa akin?...na dahil sa akin tinigilan sya nong babae? Buti na lang talaga hindi ko sya sinisisi na gumulo ang buhay ko dahil pinagagawa nya!
But! In the other hands! Mas na admire ako sa ginawa nya!
"So our team don't have enough funds, so any suggestions para magkapera tayo?" The president asked.
"Salvador has an idea" malamig na sabi ni De Lara kaya gulantang akong tumingin sa kanya.
"Wala ah!" Wala sa sarili kong sabi kaya nagtawanan ang lahat. Siraulong lalaking to!
"Oh! Our babies, sige let's hear her idea...Palakpakan para tumayo na!" Magiliw na sabi ng president.
Gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko sa kahihiyan!
Wala akong ideya! Wala akong alam! Ni hindi ko nga naisip na sasali ako sa ganito!
Siraulong Zioniel na toh ah!?
"Palakpakan ulit!" The president said it again dahil hindi talaga ako tumayo. I shook my head repeatedly.
"Let's celebrate entrepreneurial week, which is we can put a table as many as we can and the CBA Student will rent it, in that way we can earn money" biglang sabi ni Zioniel kaya natahimik ang lahat.
"That's a magnificent idea! Another?" The president asked again.
"Yon na lang"
"Tama!"
"Less hassle!"
"Anong less? Ako ang ma h-hassle!"
"Yon na lang press! Ako bahala sa kapayapaan!"
Agree nila habang ako ay nahihiya dahil sa kagagohan ni De Lara! May idea pala sya! Pinahiya pa ako!
Hindi ko na sya crush! Red flag! Red flag!
Masama ang loob ko nang lumabas ako sa office ng SSG! Nahihiya talaga ako dahil sa kagagawan ng tokmol na toh!
"Hey" biglang tawag nya sa akin.
Hindi ko sya pinansin!
Ang ayoko pa naman sa lahat yong pinapahamak ako! Nakakainis kaya yon!
"Hey! Sorry" He said in his hoarse voice pero hindi ako nagpapaapekto!
Bahala sya sa buhay nya! Napahiya ako, hindi na yon mabubura ng sorry nya.
He continue saying sorry, hindi talaga ako nagsalita! Dahil sa kahihiyan na nararamdaman.
Nang pumunta kami sa next class namin, patuloy pa rin syang bumuntot sa akin!
Pinagtitinginan na tuloy kami.
"Oy! Ano yan? Ano yan? Mamaya na ang bebe time! Study first muna" Ani ng bakla.
"Can I sit here?" He asked. Binaliwala ang sinabi ng bakla. I sigh heavily, kinuha na lang ang phone.
Hindi ko alam kung bakit ganito sya kung makapaghabol! Napakaliit naman nong kasalanan nya pero nairitah pa rin ako! Bahala pa rin sya!
Mamaya ko na patatawarin! Kapag umayos na ang pakiramdam ko!
"At bakit naman?" Mataray na sabi ng bakla.
"I just want to settle things"
"Abah! Abah! Kayo ba at may tampuhan ng nagaganap?" Malakas na sabi ng bakla dahilan nang naglingunan ang lahat.
"Ano yan?"
"Label reveal!"
"Label reveal! Label Reveal!"
"Label reveal! Label Reveal"
They chanted like a crazy animals kaya napapikit na lang ako ng mariin!
Bwesit talaga na De Lara! Palagi na lang sinisindihan ang apoy! Kaya kami na i-issue eh! Nakakainis!
"Ano? Label reveal daw para papayagan kitang tatabi dyan kay Salvador kahit bwesit ako sa babaeng yan dahil bagsak kami sa quizz kanina!" Madiin na sabi ng bakla. I sigh.
Bwesit talaga! Ako pa sinisi! Sinabihan ko na nga syang way mag expect!
"Nevermind" I heard him say.
Tumigil lang ang panunukso sa amin ng dumating ang prof.
Habang nag kaklase. I evaluate myself sa inakto kanina.
Paulit-ulit akong bumuntong hininga dahil na realized ko na masyado akong OA!
Bakit ba ako nag inarte ako ng ganon? Hindi naman ako maganda at naginarte ako sa poging kagaya nya!
Kaya nang nag-uwian! Dali-dali akong lumabas. Sobra-sobra na talaga ang kahihiyan ang ginawa ko ngayon araw!
"Hoy! Aloha!" Dinig ko pang tawag sa akin ng bakla pero hindi ako nakinig.
Nahihiya ako sa inasta ko! Nahihiya ako na tinukso kami, nahihiya ako kay De Lara! Puro na lang kahihiyan!
Nakahinga lang ako ng maluwag nang nakalabas ako ng school.
Ang malas ng araw na toh!
Sa kalagitnaan ng lakad ko patungog boarding house. May bumusinang sasakyan sa likod ko kaya inis ko yong tinignan.
I frowned when I saw a Mercedes-Benz!
Ano naman ang problema nito? Nasa pinakagilid na nga ako ng kalsada eh!
A car stop!
Mas kumunot ang noo ko. Hinanda ang sariling makipagtalo!nasa tama naman ako! Ang laki-laki ng kalsada eh.
Napasinghap ako nang niluwa si De Lara mula sa sasakyan. Tatalikod na sana ako dahil nahihiya sa inasta nang...
"Hey! I know your annoy on what I've done...I just wanted to say sorry" He said sincerely.
Para bawas-bawasan ang kahihiyan na naramdaman. I nod at him.
"Okay lang" plain kong sabi. He shook his head.
"I know your not okay!" He said. I sigh heavily.
"Okay lang talaga, wag mo na lang ulitin" walang paki kong sabi.
"Alright then...let me treat you out for a lunch" seryoso nyang sabi. Napakurap naman ako at parang nabingi sa sinabi nya.
Matagal akong nakasagot. Hindi alam ang sasabihin.
"Ano...May pagkain ako sa boarding house" tanggi ko. He nod.
"Okay...so let me drive then" he insisted.
"Doon lang ang boarding house ko...doon lang" turo ko talaga sa boarding house ko.
"Okay. I will deliver something then..." He said.
Pagkarating ko sa boarding house hindi ko alam ang gagawin! Kinakabahan ako na nanlalamig at hindi alam ang gagawin.
"Bakit ba ako nag inarte!" Paninisi ko sa sarili ko at inis na sinalpak ang sarili sa higaan.
"Ayoko na!" I said at binagsak ang sarili.
Ano ba tong katangahang ginawa ko!? Oo crush ko sya! Pero wala akong balak na ganito! Yong papansinin nya ako! Mag s-sorry sya na parang boyfriend ko sya! Ayoko ng ganon! Kinakabahan ako! Hindi ko alam ang gagawin ko!
Nang tinawag ako ng aking ka boardmate! Dahil may naghahanap sa baba. Sumigaw pa ako at dali-daling inayos ang sarili.
Malakas akong bumuntong hininga at pinakalma ang sarili.
"Kasalanan ko toh! Bahala na!" Inis kong sabi at bumubaba.
Hindi pa nga ako nakakalabas tanaw ko na si De Lara na nakasandal sa kotse nya at may dalang paper bag!
"Ang gwapo lang!" I mumbled and sigh heavily bago ko nilabas.
"Ano?..." Parang tanga kong panimula. Sige Aloha! Ipahiya mo pa ang sarili mo! Gawain mo yan eh.
"I don't know what food you want, so I bought you that...I hope you like it" matigas na English nyang sabi kaya natameme ako.
Anong sasabihin ko? Hindi ako mahusay magsalita ng English! Jusko naman.
"Ah! Gusto mo pumasok?...Ayy!ano pala..."
"Sure" he gladly said. Nanlaki naman ang mata ko.
Joke lang pala yong sinabi ko. Bwesit naman! Paano ako makakain nang maayos nyan?
Kapag ito umabot kina Kuya! Patay talaga ako eh!
"Ah...Oh...ano! Sige! Halika" labag sa loob kong sabi.
Nakakahiya naman kong sabihin kong wag na lang pala. Ang sarap ring e umpog ng sarili ko para hindi maging tanga eh!
Tahimik lang kami habang kumakain ako! Ako ka lang dahil sya busy ka mamasid sa paligid na dahilan na nakaramdam ako ng kahihiyan.
Base sa sasakyan na dala nya at sa mga gamit nya. Halatang mayaman sya! At sure akong hindi sya sanay sa ganito ka liit na lugar! Jusko naman! Kasalanan ko talaga toh!
"How many tenants are here?" Bigla nyang tanong kaya muntik na akong mabilaukan.
I reach the water and drink it. Lumunok pa ako bago sya sinagot.
"Ah...Hindi ko alam eh...Basta marami" walang kwenta kong sagot.
He looked at me kaya dali-dali kong iniwas ang paningin ko. Baka mabasa pa nya sa mata ko na crush ko sya! At mag level two na naman ang attraction ko sa kanya.
"Is it safe here?" He asked again. Para lang siguro may pag-uusapan kami. Nakakabingi ang katahimikan eh.
"Oo" Simple kong sagot.
Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil pinapatay ko kaaagad ang usapan! Ito talaga ang ayoko sa sarili ko! Hindi ko alam kung paano makipag-usap.
I sigh!
"Ex mo ba yong babae? Nong isang araw?" Panimula ko para naman may ambag ako rito! Hindi yong sya palagi yong naghahanap ng usapan!
He glance at me and shook his head.
"Just schoolmate before" he answered. Tumango naman ako. Naghahanap na naman ng itatanong.
"May gusto sayo?" I asked again. Sumandal sya sa upuan at pinag cross ang braso. Ngumuso naman ako.
Shit! Ang gwapo talaga!
"You think so?" He asked.
"Obvious naman" nakanguso kong sabi. Hindi na sya binalingan ng tingin! Ang gwapo nya sa posisyon nya! Nakakawala sa sarili!
"What makes you think that she likes me?" He asked again.
Ito na ba yong getting to know each other?
Hindi pa nga ako nakapagdasal, binigay na agad ni Lord? Wow!
"Ano nga ba!..." nag-iisip kong sabi.
Lord! Bakit kung makipag-usap ako parang closed na kami!? Napaka feeling closed ko talaga!
I looked at him, pinakunot ko pa ang noo ko habang pinagmasdan syang tumaas ang kilay.
Kung magiging akin tong lalaking toh! God! Pwede padaliin nyo na? Ang sarap sigurong yakapin nito! Hayst.
"Gwapo,Malinis tignan, your eyes is so expressive...Who wouldn't like you?" I said habang nanliliit ang mata.
"So you like me too?" Bigla nyang tanong na nakapagpawindang sa mundo ko.
"Huh?" Natatameme kung sabi.
He smirked at sya naman ang nanliliit ang mata sa akin.
"According to you, I'm Gwapo, Malinis tignan, my eyes is so expressive, who wouldn't like me?...So you like me too?" Nakangisi nyang sabi.
Dahil wala agad akong maisip na sagot, tinuro ko na lang yong bintana.
"Kita mo yon?" I asked. He playfully looked where I am pointing.
"Hmm?" Malambing nyang pagkakasabi kaya humataw ang tyan ko.
Oh my goodness! Ang landi pala ng lalaking toh!
"Lulusot ka talaga dyan nang wala sa oras dahil sa mga tanongan mong walang kwenta" mataray kong sabi.
Ang kapal! Kapal! Kapal ng mukha ko! Nagtataray sa gwapo? Jusko naman!
"You like me too?" Ulit nya na naman kaya dinampot ko na ang tinidor ko.
Dalagang Pilipina ako!ayokong maunang umamin at tyaka isa pa! Bawal pa akong magkaboyfriend! Papatayin talaga ako ng Kuya at parents ko.
"May kasalanan ka pa sa akin kaya umayos-ayos ka!" Gigil kong sabi. Humalakhak naman sya.
My goodness! Ang gwapo talaga! Ayoko na hindi ko na kaya!
"Your so cute when your mad" natatawa nyang sabi.
Namula naman ako sa sinabi nya! Kaya umiwas ako ng tingin.
Ayoko na! Ayoko na! Give up na ako! Hindi ko to kaya! Baka ma inlove ako bigla dito sa De Larang to!