Kabang-kaba ako habang nag l-load ang phone ko patungo sa portal kung saan makikita ang mga nakapasa nong entrance exam.
Sana lang talaga nakapasa ako or else doon talaga ang bagsak ko sa school ni Kuya!
I bite my nails habang nag scroll, hinahanap ang pangalan ko.
"Lord!" I mumbled nang naka dalawang table na ako, hindi ko pa rin nakikita ang pangalan ko.
Ayokong maging school mate si Kuya!
"Oh my goodness! Oh my goodness!" Sigaw ko nang nakita ang pangalan ko.
"Ma! Nakapasa ako! Kuya! Pa!" Sigaw ko at tumatalon na lumabas sa kwarto.
"Ma! Nakapasa ako sa entrance exam! Ma!" Sigaw ko talaga.
Ang saya-saya! Makakalaya na ako rito! Makakabukod na ako! I can finally do whatever I like without telling them!
"Anong nangyayari sayo Aloha?" Tanong ni Kuya na nanonood ng TV.
"Kuya nakapasa ako!" High pitch kong sabi at palundag na umupo sa tabi nya at halos e doldol na ang phone sa mukha nya kaya kinuha nya ito.
"Ano ba yan Aloha!" Inis nyang sabi kaya tumawa ako at niyogyog ang braso nya.
"Hah! 3rd to the last" natatawa nyang sabi kaya sinabunutan ko sya.
"Wala akong paki! Yong score ko sakto lang sa course na gusto ko! Akin na nga yan!" Inis kong sabi at hinablot ang phone sa kanya.
Sa sumunod na araw, busy na kami sa paghahanap ng boarding house! Napakasaya lang dahil umayon lahat sa plano ko!
"Wag dito ma! Ang dumi ng paligid" maarteng sabi ni Kuya nang bumisita kami sa isang bahay parentahan.
"Maglilinis pa naman atah sila!malayo pa naman ang klase" tanggol ko. Malapit lang kasi sa school, walking distance lang.
"Wag dito! May isa pa doon!" Ani ni Kuya.
Wala na kaming magawa sa kaartehan ni Kuya. So ang ending, ang gusto nya ang nasunod. Malapit pa rin naman sa school pero ang strict ng rules. May curfew at bawal magdala ng ibang kasama which is naayon sa gusto ni Kuya at ng parents ko pero ang saya pa rin.
On the other day, nakatanggap na ako ng email about sa COR ko kaya excited na excited na ako.
"Aloha! Kapag ikaw talaga gala ka ng gala doon! Lagot ka talaga sa akin" Banta ni Kuya habang naghahapunan kami. I rolled my eyes.
"May curfew nga eh tapos napaka loaded pa ng schedule ko!paano ako makakagala?" Nakangiwi kong sabi.
"Basta! Palagi kitang dadalawin doon kaya umayos ka" Ani ni Kuya.
"Kahit doon ka pa tumira" mayabang kong sabi.
Alam ko kasing may klase sya at hindi sya pweding mag stay doon dahil malayo.
"Mag t-transfer ako next semester doon" hindi magpapatalo nyang sabi kaya natawa ako.
"Go!" Pang-iinis ko kaya nabatukan ako.
"Ma! Si Kuya oh!" Parang bata kong sumbong kay Mama.
"Ma si Kuya oh" Kuya mocked me kaya sinapak ko ang braso.
"Ang sama ng ugali mo!" Inis kong sabi.
"Tumahimik nga kayong dalawa" saway ni Papa.
"Si Aloha kasi eh" paninisi ni Kuya.
"Anong ako? Si Anthony kaya-"
"Kuya!" Madiin nyang sabi kaya natawa ako.
"Edi Kuya! Ang arte!arte!kaya hindi ka nag kaka-dyowa eh" natatawa kong sabi. Umamba si Kuya na babatukan ako kaya kusa na akong lumayo.
Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw ng pasukan! Atat na atat na akong bumukod! Na i-imagine ko na nga ang mga gagawin ko eh!
"Aloha! Mag o-outing kami! Dapat sumama ka na sa amin! Hindi ka nga sumama nong nag beach kami kaya sumama ka ngayon!last bonding bago tayo pumasok ng college!" Ani ni Arsenia na pumunta talaga sa bahay.
"Hindi ako papayagan! Hanggang gabi ba yan?" Malungkot kong sabi.
"Hindi! Until 5:00pm lang! E hagatid naman kita pabalik" giit nya talaga.
"Hindi talaga pwede eh! Hindi ako papayagan. Alam mo naman ang parents ko, si Kuya pa" mahinahon kong paliwanag. She sigh.
"Edi ako ang magpapaalam" Ani nya at walangyang pumasok sa bahay.
"Hoy!" Pigil ko sa kanya.
"Tita! Pwede ba naming isama si Aloha? Mag o-outing lang kami...Bonding time Tita bago kami mag college!" Hyper na sabi ni Arsenia kaya napatampal na lang ako ng noo.
"Saan?" Walang emosyong sabi ni mama.
Expression pa lang, halatang ayaw na akong payagan! Siraulo kasi tong si Arsenia eh! Nakakainis!
"Doon lang kina Jenia Tita! Yong may fishpond!e hahatid naman namin si Aloha at hanggang 5:00 lang kami doon" nakangiting sagot ng gaga.
Mama looked at me kaya umiwas ako ng tingin.
Gusto kong sumama pero kapag ayaw nya edi dito na lang ako!-Mag babasa, manonood at kung anu-ano pa.
"Sinong mga kasama? May mga lalaki?" Striktang tanong ni mama.
Jusko! Kung makatanong ng ganyan parang ang ganda-ganda ng anak nya! Ni manliligaw wala nga ako eh!
"Wala po! Kami-kami lang po! Lahat kami babae" nakangiti nya talagang sabi.
Kasinungalingan!
Sila? hindi dadalhin ang mga boyfriend nila?...hindi ako naniniwala! Kahit nga break time sa school kasama nila eh! At ilang besis na akong na scam sa linyahang yan.
"Doon ka mapaalam sa Papa nya" sagot ni Mama.
Alam na alam ko na ang ganyan! Hindi ako papayagan! Sure akong sasabihin na naman ni Papa na tanongin si Mama.
"Saan po si Tito?" Excited na tanong ni Arsenia.
Hindi nya ba na s-sense na hindi ako papayagan? Expression pa lang ni Mama, halatang hindi na sang-ayon.
"Nasa labas" walang emosyong sabi ni Mama.
Dali-dali namang lumabas si Arsenia para hanapin si Papa. I sigh heavily.
Bakit ba ako pinuntahan ng babaeng to dito? Hindi ba sila makaka outing ng wala ako?
"Isama mo ang Kuya mo" ani ni Mama. Napatingin naman ako sa kanya.
Ano?
Parang tanga naman eh!
Hindi ba ako makakagala ng wala si Kuya? Hindi naman ako maliligaw!
Ito talaga ang ayaw ko eh! Hindi ako mag e-enjoy dahil may Kuya na nakabantay! Limited na limited ang kilos dahil takot na mapagalitan at baka rin mas lalo silang maging mahigpit sa akin kapag alam nila kung gaano ako kabnormal!
Ayoko na!
"Aloha! Payag ang Papa mo kaya bihis na! bihis na!" Sigaw ni Arsenia na para bang wala si Mama at hinatak pa ako patungo sa kwarto ko.
"E sasama ko raw si Kuya" nakasimangot kong sabi. Arsenia.
"Edi isama mo para may tagaluto" positive nyang sabi. Napapadyak na lang ako sa inis.
Ayokong isama si Kuya!
Nakasimangot ako habang pumunta sa kwarto ni Kuya! May chaperone na naman ako! Nakakainis!
"Kuya! Kuya!" Tawag ko sabay katok.
Buti na lang talaga nakapasa ako sa entrance exam! Gagala talaga ako hanggat gusto ko! yong tipong ako na lang ang magsasawa!
"Bakit?" Inis na sabi ni Kuya. Mukhang na estorbo sa tulog nya.
"Samahan mo raw ako!Punta ako kina Jenia" nakasimangot kong sabi.
"Ano?" Pasinghal nyang sabi at ginulo ang buhok nya. Umaliwalas naman ang mukha ko.
"Matulog ka na lang dyan Kuya!" Masaya kong sabi at bumaba.
"Ma! May ginagawa raw si Kuya!susunduin na lang daw nya ako mamaya!" Masaya kong sabi.
"Mag-ingat ka roon! Baka kung anu-anong gawin nyo! Lagot ka talaga sa akin" bilin ni Mama.
Napa yes naman ako at masayang lumabas sa bahay.
"Tara na!" Masaya kong sabi kay Arsenia na napailing na lang sa akin.
"Parang nakawala sa hawla ah? Nasaan Kuya mo?..."
"Aloha!" Tawag ni Kuya mula sa loob kaya napapadyak ako at inis syang nilingon.
"Bakit!?" Sigaw ko rin pabalik.
Nakakainis talaga!
"Ako na maghahatid sayo!baka mapano kayo sa daan! Hintayin mo ako!" Sigaw din nya pabalik.
Lumaylay naman ang balikat ko.
Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Gusto kong gumala ng ako lang! Bakit ba may motor kami? Yan tuloy hatid sundo ako na parang grade one!
"Anong mukha yan Aloha? Buti nga may Kuya kang ganyan eh! Yong iba nga dyan walang paki sa kapatid nya" natatawang sabi ni Arsenia. I roll my eyes.
"Wala akong paki!" Inis kong sabi.
Nakasimangot ako habang bumanyahe kami!
Bakit hindi na lang natulog si Kuya ng mahimbing? Ang alam ko kasi puyat to kagabi kaka-online games eh!
I sigh! Wala na eh! Ito na nahatid na ako! Sana lang talaga hindi mag stay si Kuya.
"Saan ba nakatira yong Jenia? Liblib na lugar na to ah? Baka hindi safe rito" dinig kong sabi ni Kuya.
I purse my lips at tumingin sa dinaanan namin na puros puno na lang at mabibilang na lang ang mga kabahayan.
"Safe naman dito Kuya! Doon kasi sila nakatira sa may fish pond" sagot ko sa kanya.
"Fishpond? Balita ko, maraming aswang dito-"
"Kuya!" Saway ko sa kanya. Nanakot pa eh. He laughed.
"Totoo naman! Kaya wag kang kumain ng kung anu-ano rito" bilin nya. I sigh.
Saan ba nya nakuha ang impormasyon na yan!? Ang engot lang.
"Ano naman kung kumain ako ng kung anu-ano? Ang iwan mo Kuya" iling-iling kong sabi.
"Anong, ano naman? Paano kung maging aswang ka? Paano kung yong pinapakain nila sayo ay tao-"
"Kuya!" Sigaw ko na talaga. He laughed.
"Fishpond yon diba? Mag s-stay na lang ako! Manghuhuli ako ng alimango" masaya nyang balita.
I sigh heavily.
Edi wow! May chaperone nga ako for to days escaped.
Bahala na nga!
"Ang kapal ng mukha mo Kuya! Mahiya ka naman" Ani ko na lang kahit hindi ko gusto ang ideya nya.
"Wala akong pakialam! Sila ang nagpapunta sa atin!" Natatawa nyang sabi.
"Ako lang ang pinapunta! Sabit ka lang" I said in the matter of fact tone.
"Hindi ka makakapunta rito kung hindi kita hinatid" pakikipagtalo nya.
"Makakapunta kaya! Sinundo ako ni Arsenia duh!" Mayabang kong sabi.
"Pero hindi ka papayagan ni Mama kapag wala ako. Duh!" Panggagaya nya. I scoffed.
Hindi talaga ako mananalo sa tokmol na to! Palaging may rason! Palaging may e babalik sa akin!
Pagkarating namin sa bahay ni Jenia! Nagsigawan sila dahil kay Kuya!
"Sa wakas nakakita rin ako ng gwapo! Jusko naman ang mga lalaki rito parang mga shokoy!" Ani ni Reneya.
"Walangya ka talagang gaga ka! Yong sinabi mong mga shokoy mapapakain ka na non!" Natatawang sabi ni Jenia.
Natampal ko na lang ang noo ko.
Ito pa ang isang rason kung bakit ayaw ko talagang isama si Kuya! Nakakahiya ang mga lumalabas sa bibig ng mga kaibigan ko.
"Pwede bang manghuli rito?" Pambabaliwala ni Kuya sa ingay nila at nagtingin-tingin lang sa Fishpond kahit walang nakikitang isda.
"Oo naman Kuya kung marunong ka!" Hyper na sabi ni Jenia.
"Madumihan pa si Kuya! Mahiya ka namang gaga ka!" Reneya said. I sigh.
"Wag kang magkunwari! Gusto mo ring makitang maghubad si Kuya!" Walang filter na Ani ni Jenia. Napapikit na lang ako ng mata.
Ang sakit sa ulo! Kaya ayaw nina mama sa kanila eh! Feeling kasi nina Mama, ma i-impluwesyahan ako sa mga babaeng to! Without knowing na ako ang leader nila! Behave lang talaga ako kapag nasa surroundings ang pamilya ko.
"Tumahimik nga kayo! At Kuya hindi ka marunong!" Inis kong sabi.
"Nandyan si Tatay! Sasabihin ko para maturan ka Kuya!" Excited na sabi ni Jenia.
"Para-paraan talaga!" Ani ni Reneya at humahalkhak.
"Pagpasensyahan mo na ang dalawang yan Kuya, kulang kasi yan sa aroga!" Dinig kong sabi ni Arsenia kay Kuya. Kuya laughed.
Whole day! Puro sakit sa ulo ang binigay ng kaibigan ko sa akin. Pinagpantasyahan nila ang Kuya kong enjoy na enjoy sa panghuhuli ng isda kahit hindi marunong.Na nakagat pa ng alimango sa paa dahil hindi marunong kung paano paano yon hawakan.
"Lagot ka talaga kay Mama!" Inis kong sabi habang ginagamot sya ni Tatay. Kuya laughed.
"Hindi naman ako mamatay sa kagat ng alimango! At ang dami kong huli-"
"Anong mamatay Kuya! Yang bibig mo talaga!" Inis kong sabi. He laughed.
"Linisan mo lang to at lagyan ng mainit na tubig iho, araw-araw" Ani ni Tatay.
Masamang-masama ang tingin ko kay Kuya.
Nagpapasikat kasi eh kahit hindi marunong!
"Napapala mo!" Inis kong sabi but he just laughed.
Pagkarating namin sa bahay, pareho kaming pinagalitan ni Kuya but Kuya is a treaker, binigay nya ang nahuli nyang isda at alimango kaya natahimik si Mama.
"Baka mapaano yang paa mo Anthony" Ani ni Papa na nakakunot ang noo na nakatingin sa paa ni Kuya na mamaga dahil sa kagat ng Alimango.
"Hindi pa! Sabi ni Tatay lagyan lang ng mainit na tubig" Ani ni Kuya. Napailing na lang ako.
Nang dumating ang araw na lilipat na ako sa boarding house. Parang may part sa akin na ayaw umalis, gusto kong nandito lang ako dahil na m-miss ko ang lahat-lahat rito.
Nakakalito! Parang kahapon lang atat na atat akong umalis ng bahay tapos ngayon na aalis na ako, ayaw ko ng umalis.
"Tara na?" Ani ni Kuya. I sigh heavily and nod.
Nakakaiyak! Ayoko ng umalis! Hindi ko kaya!
Mabigat ang loob ko habang bumabyahe kami patungong boarding house. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng ganito! Ako ang may gusto nito eh.
Pagkarating namin sa boarding house. Hindi ako umimik. Feeling ko kasi kapag magsasalita ako, tutulo ang luha ko.
"Aloha" tawag ni Kuya sa akin. I blink at humarap sa kanya.
"Kuya..." I gulped.
Ang hirap nito! Hindi ko pala kaya!natatakot pa akong tumira mag-isa!
"Kuya samahan mo muna ako rito! Please" pagmamakaawa ko. Tumaas naman ang kilay ni Kuya at natatawa akong tignan.
"Ano!?" Natatawa nyang sabi kaya napapadyak ako.
"Hanggang sa masanay lang ako! Mga 3days lang Kuya! Next week pa naman ang klase mo eh!" Nakanguso kong sabi. Kuya laughed kaya napakamot ako ng ulo.
"Ano ka bata?" Pang-aasar nya.
"3 days lang eh! Ano ba yan! Umuwi ka na nga!" Inis kong sabi. Nahihiya na.Kuya laughed at inipit ako sa braso nya kaya pinagsasapak ko ang tyan nya.
"Nanakit ka na ah!?" Tatawa-tawang sabi ni Kuya.
"Umuwi ka na lang! Wag mo na pala akong samahan!" Inis kong sabi.
But in the end! Kuya stay for 3 days! Sinamahan nya rin ako maghanap ng classroom ko sa first day of class.
"Kuya! Dito ka lang ah?" Ani ko na para bang mamatay ako na wala si Kuya.
"Pumasok ka na! Tandaan mo lang na ang sunod mong klase doon sa 4th floor, room 15...10:00am pa yon...Doon lang ako sa boarding house" Ani ni Kuya. I nod.
"Kuya chicken joy, uulamin ko mamaya" ani ko. Kuya sigh.
"Puro talaga pagkain nasa utak mo! Sige na" Ani ni Kuya. I nod at nakangusong pumasok.
Naghanap kaagad ako ng vacant sit, yong malayo sa teacher tapos kapag inaantok ako makakatulog agad ako.
"May nakaupo ba rito?" Nahihiya ko pang tanong sa babaeng nag p-phone.
"Yeah, my friend" Masungit nyang sabi.
I pursed my lips dahil nahiya sa sagot ng babae. I nod at naghanap na lang ng iba.
Ang sungit naman non! Mukha namang coloring book ang mukha! At dahil sa nangyari, basta na lang akong umupo.
Ang attitude ng mga tao dito!
"Excuse me, Can I sit here?" A baritone voice asked kaya agad akong napaangat ng tingin.
I blink when I saw how handsome he is and not just that! Sya yong nakabunggo sa akin nong entrance exam!
Oh my goodness!
"Bruh! Dito na tayo! Bruh Zioniel!" Tawag ng kung sino sa likod dahilan ng pagbaling nya doon.
"Fuckers!" He respond at nagtungo roon.
Mangha ko naman syang sinundan ng tingin.
Ang gwapo nya talaga! At hindi ko akalain na classmate ko sya! Oh my goodness!
"Good morning future intreprenuers! Welcome to IIT International University!" Masiglang bati ng guro kaya nag sitayuan kami at bumati pabalik sa kanya.
"So today! Hindi na muna tayo mag k-klase. Magpapakilala muna tayo sa isat-isa. I bet, hindi nyo pa kilala ang isat-isa? Tama?" Tanong ng guro. Nag sitanguan naman kami.
Boring! Pati college my introduce yourself pa rin! Pwede namang mag sulat lang sa papel tapos ipapasa sa kanya. Kalaunan naman makilala rin namin ang mga kaklase namin.
"But with a twist! Kakanta kayo bago nyo e state ang name nyo...okay Class?" Nakangiting sabi ng prof.
My eyes widen in fraction. No way! Hindi ako kakanta! Nakakahiya!
Everyone groan at isa-isa ng nagreklamo kaya natawa si ma'am.
"I know everyone has a talent in singing.... so let's start at the back!" Walang awang sabi ni ma'am.
Tuloy, kabang-kaba na ako dahil sa pinagagawa ni ma'am sa amin. Ni hindi na nga ako nakikinig dahil nag iisip ako ng kakantahin at pinapakalma ang sarili.
"Punyeta naman to! First day of school mapapahiya ako!" My sit mate mumbled kaya tumingin ako sa kanya na nakabusangot pala.
"Siguro marunong kang kumanta kaya tahimik ka lang?" Bigla nyang baling sa akin kaya napakurap ako.
"Ako?" Parang tanga kong respond. He laughed.
"Gurl! Lutang lang?" Maarte nyang sagot.
I pursed my lips. Bakla pala sya! Well, halata naman.
"Ah! Kinakabahan lang" nahihiya kong sabi. He rolled his eyes.
"Wag kang kabahan gurl! Hindi nga nahiya yong chaka!..." turo nya sa lalaking kumakanta ngayon sa harap. "Tapos sintonado pa kaya wag kang kabahan dyan!" Nakangiwi nyang sabi.
Napakurap naman ako at tumingin sa harapan.
I frowned when I saw the face of the boy na tinutukoy nya.
Kamukha nitong bakla eh. I looked at him na nakataas ang kilay sa akin.
"That's my twin! Then yong nasa likod na isa pang pangit! Yon oh..." turo nya sa likod kaya napatingin ako doon. "Yong parang tanga na naka shade..." I nod nang nakita ko ang tinutokoy nya. Katabi nong gwapo na nag tanong sa akin kanina.
"Yan! Cousin ko yan! At yang isa naman na iwan ko kung saan pinaglihi ni Tita! Cousin ko rin yan! Sa mother side" pakilala nya. I nod.
"Yong nasa left side? Cousin mo rin?" Tanong ko sa kanya.
"Ay yong pogi? No! Hindi ko kilala yan! At hindi pweding maging pamilya kami!" Kinikilig nyang sabi.
"Bakit naman?" Tanong ko at binalik ang tingin sa kanya dahil tumingin sa banda ko yong lalaking gwapo.
Oh my goodness! My heart!
"Te! Hindi ako fun ng i****t! Ayoko ng family stroke!future husband ko yan!" Kinikilig nya sabi.