"Ma! Masamang-masa ang pakiramdam ko...Hindi na muna ako papasok" paos kong sabi.
Dalawang araw na akong hindi pumasok. Hindi alam ni Zioniel na may sakit ako, ang tanging alam nya lang hindi ako pumasok kahapon dahil gusto kong magpahinga.
[ Uminom ka na ba ng gamot? Hindi ako makakapunta dyan anak...May delivery kami ng Papa mo...Kuya mo naman 8:00 pa ng gabi makakauwi ] Nag-aalalang sabi ni Mama.
"Tapos na po akong uminom...ano pong gagawin ko Ma para agad mawala tong lagnat ko ma?" tanong ko.
[ mag-init ka ng tubig...pwede naman sa rice cooker mo tapos e halo mo sa hindi mainit na tubig...tapos kumuha ka ng towel at ipunas mo sa katawan mo ] Ani ni mama.
"Okay ma"
[ Maglugaw ka na lang dyan...bukas pupunta ako dyan anak...pasensya ka na ] ani ni mama.
"Okay po ma" Ani ko.
Dahil nahihilo ako at ang sakit ng ulo ko. Nagtalokbong lang ako ng kumot.
Bakit ba ang layo nina Mama? Ang hirap hirap kapag ikaw lang mag-isa kapag nagkasakit! Walang mag-aalaga at walang mag c-check sayo from time to time.
My phone rang kaya nakapikit kong kinuha yon at sinagot.
"Ma! Wag na po kayong mag-aalala! Mawawala rin tong lagnat ko bukas..."
[ What?...Your what?... ] napadilat ako ng mata at tinignan kong sino ang tumawag.
"God!" I mumbled at pinatay ang tawag. Bakit hindi ko tinignan kong sino ang tumawag!?
Bumangon ako kahit masamang-masama ang pakiramdam ko.
Alam ko kasing pupuntahan kaagad ako ni Zioniel! Kaya ayaw kong ipaalam sa kanya na may sakit ako eh dahil a-absent sya!
"Tsk!" Reklamo ko dahil pagkatayo ko, parang masusuka ako kaya humiga ako pabalik at nagtalukbong ng kumot.
Bahala na ngang hindi makakapasok dito si Zioniel! Hindi talaga kaya ng katawan ko!
Maya-maya pa, I heard a car stop. Alam ko na agad na si Zioniel yon, I tried to stood up again pero parang masusuka talaga ako.
"Cooperate naman self" problemado kong sabi.
Maya-maya pa, may kumatok na sa pinto ko. Ayoko mang tumayo pero kailangan kong buksan ang pinto.
"Why you didn't tell me?" Agad na bungad ni De Lara sa akin.Nilagay nya ang kamay sa noo ko para damhin ang init ko.
"s**t!...Kailan pa toh?..." aniya and guided me to my bed.
"Okay lang ako" paos kong sabi. He glared at me.
"Your burning, ang putla mo pa...Then okay ka lang?" Iritado nyang sabi.
"Wag mo na akong pagalitan please" mahina kong sabi at humilata sa kama at tinalukbong ang kumot.
He sigh heavily at hinawi ang kumot.
"Uminom ka na ng gamot?" Malumanay nyang sabi. I nod.
"Oo" Ani ko.
"What kind of medicine?"
"Paracetamol"
Malakas syang bumuntong hininga.
"Kailan ka pa nilagnat?... Kahapon?... That's why hindi ka nakapasok?" Aniya at kinuha ang phone nya at nag pi-pindot doon.
Hindi ako nagsalita at tinalukbong na lang ang kumot ko.
"Yes and please bring some fruits here...Yeah, also that" I heard him say.
Pinikit ko na lang ang mata ko. Bahala sya dyan! Hindi ko nga sinabi sa kanya dahil alam kong ganito ang gagawin nya! Ayokong Maging abala sa kanya! He has a training, duty pa sa SSC, nag-aaral pa, dadagdag pa ba ako?
"Baby?" Tawag nya sa akin. Hindi ko na lang binuka ang mata ko.
He sigh at naramdaman ko ang pagtayo nya. Hindi ko alam ang pinagagawa nya. Pikit lang ang mata ko at dinaramdam ang init ng katawan ko.
Hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising na lang ako na may towel na sa noo ko.
"Oo bruh...She's sleeping...I will take care of her...I promise...Yes...Sabi nga nya, Can I...alright...I promise"
I groan at hinawakan ang towel..
"Hey...May masakit ba sayo?"
"Ang sakit ng ulo ko" ani ko at umupo.
"Kuya mo...I will prepare your medicine" aniya at binigay ang phone nya sa akin.
"Kuya..."
[ Okay ka lang ba dyan? Kamusta pakiramdam mo? Sorry hindi ko nasagot ang tawag mo kanina. Nag formation kami ] nag-aalala nyang sabi.
"Ang sama sama ng pakiramdam ko Kuya" paos kong sabi. Napatingin naman sa akin si Zioniel kaya natikom ko bibig ko.
[ Hanggang 8:00 pa ako ngayon! Gago!....Doon ka muna sa boyfriend mo...Walang mag-aalaga sayo mamayang gabi ] Alalang-alala na sabi ni Kuya.
"Okay lang-"
[ Aloha! Wala kami dyan kaya wag ng matigas ang ulo! ]
Wala na akong magawa kaya sumama na talaga ako kay Zioniel sa pad nya.
"Ang lamig" ani ko pagkapasok sa unit nya.
"Oh s**t! I'm sorry" aniya at tarantang hininaan ang aircon.
Pinakain nya muna ako at pinainom ng gamot bago hinayaang matulog.
He continue put a wet towel on my head. After 4 hours, ginigising nya ako para makainom ng gamot.Palagi ring nag m-monitor si Kuya sa akin. He instructed Zioniel what to do!
"I'm okay" Ani ko at umupo.
Guminhawa na ang pakiramdam ko pero nahihilo pa rin ako at masakit pa ang ulo.
"Your okay? But your action and your faced...hindi tugma" seryoso nyang sabi.
Bababa at taas ang lagnat ko kaya hindi na nakapunta ng school si Zioniel. Sya pa mismo ang nagluto ng dinner namin.
"Bakit puro veges..." mahina kong sabi.
"It's good for your health" aniya at sinubuan ako.
Dahil hindi tinaggap ng tyan ko. Sumuka talaga ako kaya agad nya akong binigyan ng plastic.
"Lugaw na lang please" naiiyak ko pang sabi.
"With sugar?" Mahinahon nyang sabi. I nod.
Kinabukasan, umayos-ayos na ang pakiramdam ko. Sinat na lang pagkagising ko kaya nakapag decide akong pumasok na.
"No! Your still have fever..." aniya at nag check ng temperature ko.
"Okay na ako...Kaya ko na" Ani ko kahit ramdam ko pa ang init sa loob ng katawan ko pero hindi na kagaya kahapon na nag-aapoy talaga ako sa lagnat.
"Kaya muna... sa ngayon then after an hour...sasakit na naman ang ulo mo at ang init mo na naman" aniya at umupo sa tabi ko habang nakatitig sa thermometer.
"Hindi yan!okay na ako" Ani ko. He glared at me kaya napanguso ako.
"Pupunta ang Kuya mo mamaya rito"
"Pati si Mama?" Nanlalaking mata kong tanong.
"Sya lang" aniya. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Thank you..." Ani ko at humiga sa hita nya. He look down at me at hinaplos ang buhok ko.
"Hmmmm?" Aniya.
"Thank you sa pag-aalalaga sa akin. Napuyat ka pa...thank you Love" malambing kong sabi.
Napatingil naman sya sa paghaplos at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"What did you just call me?" Nabibingi nyang sabi. I laughed.
"I love you love" nakangiti kong sabi.
"Damn...You...Woman!" Aniya nang nakitang natawa ako.
Pagkarating ni Kuya. Tulog ako dahil siguro sa mga gamot na ininom ko.
"I don't know what's the reason of her fever...Kung hindi pa ako tumawag kahapon hindi ko alam"
"Alalang-alala si Mama sa kanya....Alam kasi nya pag nagkasakit yan, hassle talaga...salamat talaga bro"
"No worries...Kapag tataas na naman ang lagnat nyan, dadalhin ko na sa hospital"
"Naku bro! Wag na...wala kaming pera ipangbabayad..."
"Ako na bahala...I rather spent a money than seeing her like this"
Hindi ko alam na nakatulog akong nakikinig sa kanila. Paggising ko, ang sama na naman ng pakiramdam ko kaya sinugod na ako nina Kuya at Zioniel sa hospital kahit paulit-ulit kong sinabi na okay lang ako.
I don't know what the doctor do to me, basta pagkagising ko nasa isang kwarto na ako at naka dextrose na ako.
"Okay ka na ba? May masakit ba sayo? Papunta na sina Mama rito" nag-aalalang sabi ni Kuya.
"Huh?" Gulantang kong sabi.
"Wag kang mag-alala, alam nina Mama tungkol kay Zioniel Storm...Laking pasalamat pa nga nya"
"Huh?" Tanging nasabi ko na lang dahil kumalabog ang puso ko.
"Oo...Sinundo nga ng boyfriend mo"
"Huh?" Hindi makapaniwala kong sabi.
"Yup! Sinabi ko kay Mama kaya hindi na sya nagabalang pumunta kahapon, I explained to her very carefully" nakangiting sabi ni Kuya.
"Kahapon?...Alam ni Mama?" Gulantang ko talagang sbi.
Natulog lang ako tapos ito na ang nangyayari!? Una, Kuya knows na boyfriend ko na si Zioniel! Ni hindi ko nabanggit yon dahil nakalimutan ko! Not just that! Alam na nina Mama na may boyfriend ako at sinundo pa ni De Lara! At nagising pa ako sa isang hospital na parang kwarto ang set up!
What's happening on the world?
Parang sumakit lalo ang ulo ko sa narinig! My family! Ayaw na ayaw nilang makipag relasyon ako then all of the sudden, sasabihin ni Kuya na naipaliwanag nya ng maigi?...Sinong tanga ang maniniwala?
"Pumayag sina Mama Kuya?" Stress kong sabi. Kuya laughed.
"Wala ng magagawa si Mama" aniya. I sigh heavily.
Bakit ba nila ako sinugod sa hospital? Bakit ba nagkasakit ako!?
Indeed, wala ngang secretong hindi mabubunyag, God will make a way para ma bunyag ang secreto mo.
Habang naghihintay sa pagdating nila. Nag-iisip na ako ng explanation kina Mama! Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Mama at anong sasabihin dahil never pa akong may pinakilalang lalaki sa kanila.
"Ma'am, inumin nyo na po tong gamot nyo" masuyong sabi ng nurse na hindi ko namalayang pumasok.
I nod at sinunod ang sinabi nya at bumalik na naman sa pag-iisip.
Kuya is now sleeping! Hindi ko alam kung nasaan ang phone ko kaya hindi ko matawagan o ma text si Zioniel.
"Bakit ba nila ako dinala sa hospital!?" I mumbled at dahan-dahang tumayo para makaupo sa sofa at makapanood ng TV.
"Ang mahal siguro ng kwarto na to" I mumbled.
Para na syang bahay talaga! May mini living area, may sariling CR! Ang Gara lang.
"Si Zioniel na naman siguro ang sasagot nito!" Nakanguso kong sabi.
Hiyang-hiya na ako sa tao! Palagi na nga akong libre sa pagkain! Gumastos pa sya ng malaking pera para sa simpleng lagnat lang!
Kung may makaalam na naman nito sa school! Sasabihan na naman ako panigurado na gold digger! Nakakairitah! Hindi naman ako nanghingi sa tao, ni hindi nga ako nag demand, kusa yong binibigay ng lalaki!
When the clock strike 11:00 am! I woke up na nasa patience bed na naman kaya nabalikwas ako nang naalala na hinihintay ko pala si Mama at Zioniel.
Nakakainis talaga yong mga gamot! Naghihintay ako eh!
Agad kong nakita si Zioniel na papalapit sa akin. I tried to find my parents pero wala akong nakita! Kahit si Kuya, wala.
Am I just dreaming? Wala si Kuya, wala si Mama at Papa! Si Zioniel lang ang nandito! But I am still in the hospital!
"Si...Kuya?" Maingat kong sabi.
"They're going to your school. Si Tita lang at Kuya mo ang nandito, they're going to excuse us, bukas ka pa makakalabas" mahinahon nyang sabi at nilagay ang kamay nya sa noo ko.
"Nandito talaga si Mama at Kuya?" Kinakabahan kong sabi. Zioniel nod.
Napapikit ako ng mariin! What am I gonna do? Anong sasabihin ko kay Mama? Paano kung magalit sya dahil may boyfriend ako? paano kung ma disappoint sya?
"Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Masakit ang ulo? I will call the doctor now..." Ani nya at umaakmang aalis nang hinawakan ko ang braso nya.
"Alam ni Mama na boyfriend kita?" Kinakabahan ko talagang sabi.
He frowned and slowly nod kaya napaface palm na lang ako.
"Anong sabi nya?" Nag-aalala ko talagang sabi.
"Just few advices..."
"Ano pa!?" Gulantang kong sabi.
" I introduce myself to her too. She asked me a lot of questions, your kuya help me as well so she accepted me..."
"Ano pa?" Atat kong sabi.
Gusto ko details! Kung ano ang tinanong ni mama, anong sagot nya para ma satisfy ako!
"She test me verbally and she's genuin on me after I answered her honestly" sabi nya habang naninimbang ang tingin sa akin.
"Si Papa?" Stress kong sabi.
"Your Papa delivered something, that's according to your mom so hindi sya nakasama, hindi ko rin naabotan sa bahay nyo."
"Doon ako lagot" nanghihina kong sabi.
Hinaplos ni Zioniel ang likod ko. His looking at me gently while I am so Stress.
I know how strict my father is when it comes to this! Paulit-ulit nyang sinabi noon kahit high school ako! He said na dapat mag-aral muna bago mag boyfriend! At kapag magkaboyfriend ako, titigil ako sa pag-aaral kaya natatakot talaga ako.
"Hey, don't worry about it okay? Your still sick...please don't stress your self" mahinahon nyang sabi.
I sigh. Okay relax, mama knows already at mukhang maaayos ang pag-uusap nila. Mamaya ko na lang siguro isipin kong nandito na sina Mama.
"Hindi ka pumasok?" Pag-iiba ko sa topic. He sigh at uupo na sana sa upuan nang hinatak ko sya at pinaupo sa higaan..
"Hmmmm" aniya and kissed my forehead.
"My parents...ayaw pa nilang magka boyfriend ako" I honestly said.
Ngayon pa lang ako sumaway sa kanila ng ganito kaya nakakaba talaga but if I continue to follow them...how about my happiness?
I love my family but I won't safrice him because of my family rules for me. I love them more than anything but that doesn't mean I will not break their rule.
"I will work about it...don't worry okay?" Aniya at hinaplos ang buhok ko.
I can't help but to worry. I know how painful my family's word is...And how damage it can cause to you.
Ayaw kong kong marinig at makaramdam si Zioniel noon dahil hindi ko kaya...Ayokong maramdaman at mapag-daanan nya ang nadaanan ko.
Pagkarating ni mama. Abot abot ang kaba na aking naramdaman. Ni hindi ko nga sya matignan dahil natatakot akong makakita ng galit sa mga mata nya.
"So...Tita-"
"Ma! Wag ka pong magalit please! Hindi ko naman po pinapabayaan ang pag-aaral ko! I balance...balance..." s**t! Anong sasabihin ko?
Hindi ako makapag-isip ng tama dahil ang naramdaman ko lang ngayon ay kaba na nakakapag-pawala ng mga ideya ko para hindi magalit si Mama.
I heared Kuya chuckled kaya masama ko syang tinignan.
Pinaliwanag daw nya ng maayos then all of the sudden ganito ang nangyari? Sira ba ang ulo nya!?
Mahabang katahimikan ang namayani...Gusto kong sikohin si Zioniel para magsalita pero natatakot akong gumalaw!
"Kamusta ang pakiramdam mo Aloha?" Basag ni Mama sa katahimikan kaya nahugot ko ang hininga ko.
"O-okay na po..." utal kong sabi.
Bakit ba ako nagkasakit? Ito tuloy ang nangyari!
Wala sa isip ko na ipakilala si Zioniel!...Wala pa talaga sa isip ko...But that doesn't mean na hindi ko sya ipakikilala...Gusto kong dahan-dahanin si Mama, yong may ideya na syang may boyfriend ako para atleast kapag sinabi ko na Hindi na sya mabibigla! Pero ito ang nangyari.
"Bakit sa Kuya mo lang sinabi namay boyfriend-"
"Hindi ko sinabi sa kanya! Nagulat na nga rin ako na may alam pala sya!" Defensive kung sabi. Hindi nag-iisip.
"Ako pa talaga ang balak mong paglihiman huh" mayabang na sabi ni Kuya ang smirk.
"Hindi naman sa ganon-"
"Payag ka non bro? Balak kang itago?...Kung ako sayo! Hihiwalayan ko na yan!" Walang kwentang sabi ng Kuya ko.
"Ang gago mo Kuya! Hindi ba pweding naghahanap lang ng tyempo!?" Inis kong sabi.
"Tumigil nga kayong dalawa! Ikaw Anthony! Itikom mo yang bibig mo! May kasalanan ka rin sa akin! Hindi mo sinabi na ganito ganyan na pala ang nangyayari sa kapatid mo!" Madiing sabi ni Mama.
I smirked. Yan! Bida bida kasi! Napapala nya. Kalalaking tao ang daldal.
"At ikaw naman Aloha!" Biglang baling ni Mama sa akin kaya napayuko ako.
Shit! Not infront of Zioniel please! Nakakahiya!
"Bakit sa Kuya mo lang pinaalam huh? Kung hindi pa nangyari ito hindi namin malalaman..." lintaya ni Mama.
Ngumuso ako at tumingin kay Zioniel na nakatingin pala sa akin, nakahalukipkip.
Wow! Ang dami ko ng kasalanan!
Bago pa lang naman kami! At hindi pa sumagi talaga sa isip ko na ipakilala sya! Pero ipapakilala ko sya...Yan ang sigurado.
"Hindi naman ma...Naging busy ako sa school kaya nawala sa isip ko...sorry po..." mahina kong sabi.
I heard Zioniel sigh. Patay talaga ako nito! Kung anu-ano kasing lumalabas sa bibig!
"From the very start tita...she already said to me na...I will meet you first bago nya ako sagutin...Na magpapaalam muna ako...Then I agree cause that's the best thing to do...and I really eager to do just to be with your daughter...Ma'am I know, you already heard this...I really I am inlove with your daughter" sincere na sabi bigla ni Zioniel.
My lips parted. Natahimik si Kuya at mama.
What he said...Parang hinaplos ang puso ko. I never thought na sa sinabi nya nawala ang takot ko na baka hindi pumayag si Mama, na baka ma disspoint sya sa akin dahil may boyfriend ako but base on what I heard from Zioniel...I will fight just to be with him...as well.
Tumikhim si Kuya pero agad na pinandilatan ni Mama. I pursed my lips to hide my smile.
"Sa akin lang...Okay lang naman sa akin. Mabuti kang bata, nakikita ko yon pero isa lang ang hihilingin ko...Tapusin nyo muna ang pag-aaral nyo, wala akong maibibigay na kahit ano dahil mahirap lang kami...Education lang ang hindi maagaw ng mundo sa inyo kaya mag-aral muna kayo ng mabuti" Ani ni Mama.
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Opo ma" mahina kong sabi.
"Pero...magpaalam kayo sa Papa mo. Alam mo naman yon" seryosong sabi ni Mama kaya napalunok ako.
Papa is so strict, hindi ko sya closed kaya natatakot ako. Sapat na atang alam ni Mama at Kuya? Hindi ko alam! Natatakot talaga akong ipaalam kay Papa.
"We will tita...I promise but not this week tita cause fun run is approaching...Maybe next weekend...E sasabay ko na lang po si Aloha" seryoso ring sabi ni Zioniel.
Napaka-confident nya huh? Hindi kasi nya alam ang ugali ni Papa; Magsasalita lang yon kapag hindi nya gusto ang nangyayari sa paligid o di kaya bwesit na sya. Minsan lang nakikisabay sa amin!
"M-ma..." utal ko talagang sabi, hindi ko na matago ang takot na nararamdaman.
Hinaplos ni Zioniel ang likod ko at hinawakan ang kamay ko kaya nailang ako dahil nakatingin sina Mama.
"Sabihin mo sa Papa mo kaysa sa ibang tao nya pa malaman" seryosong sabi ni Mama.