KABANATA 14

2957 Words
Masamang-masa ang tingin ko kay Kuya habang nagsasalita ng kung anu-ano kay Zioniel na seryosong-seryoso na nakikinig sa kanya. "Itong kapatid ko! Maldita, topakin, tamad, pilosopo at childish..." "Kuya!" Alma ko but he just glance at me. "Sure kang hindi mo yan iiwan?" Maangas nyang tanong. "I will never" seryosong sabi ni Zioniel. Napayuko ako para matago ang ngiti ko! s**t! Ang sarap pakinggan ng sagot nya! "Good pero bro! Aaminin ko, bawal pa talagang magka boyfriend yan! Lalo na kina Mama at Papa but I see to my sister na she's into you-" "Hoy Kuya!" Angal ko na naman. I heard Zioniel chuckled kaya masama ko syang tinitignan. "What?" Nakangiti nyang tanong. I rolled my eyes. "Pero bro...First time pa lang nya toh. Though maraming nagkakagusto sa kanya noon pero palagi kong hinaharangan dahil halatang naglalaro kaya kapag nagplano kang paglaruan ang kapatid ko...ako ang makakalaban mo" maangas na namang sabi ni Kuya na parang may apat na buhay kong makapag-angas! Isang suntok lang siguro toh ni Zioniel. Tulog na ito. "I really love your sister bruh...I will never ever hurt her. I love her and I will always love her" seryosong sabi ni Zioniel. Napatikhim ako at napatingin na lang sa phone kong ngayon ko lang nahawakan ulit. Wow! I never thought na inlove na inlove talaga sya sa akin. Now I prove na mahal nya talaga ako. "Bumili ka nga muna ng kape ko doon Aloha" epal na utos ni Kuya sa akin. Ang sarap pang pakinggan ang pinagsasabi ni Zioniel eh. "Kuya naman!" Reklamo ko. Ayokong umalis! Gusto kong makinig sa kanila at ayoko ring iwan si Zioniel dito! Baka kung anong gawin ni Kuya. Matalim akong tinignan ni Kuya kaya matalim ko rin syang tinignan. Bahala sya sa buhay nya! Hindi ko talaga iiwan si Zioniel dito kahit anong mangyari! "Hindi ko sya papatayin okay?" Pang-aasar ni Kuya. Napapikit ako ng mariin at padabog na umalis! Alam ko kasing aasarin nya ako ng paulit-ulit hanggang sa masunod ang gusto nya. Narinig ko pa syang tumawa bago ako nakalabas ng boarding house kaya mas nainis ako. Pag si De Lara may galos o pasa o di kaya hindi na namamansin, patay talaga sa akin si Kuya! Hilig na hilig talagang harangan ang kasiyahan ko sa buhay! Nakakainis! Mabilis lang akong bumili ng kape at agad bumalik sa boarding house dahil nag-aalala talaga ako sa mga lalabas sa bibig ni Kuya o sa mga posibleng mangyari! Bubuksan ko na sana ang pintuan nang... "Mahal na mahal ko yong kapatid ko na yon, I always treat her like a princess kaya ayaw ko talaga syang pumasok sa isang relasyon dahil alam ko na may posibledad na magbago sya. Ayokong mawala yong kapatid ko na... bubbly, sweet, pikon at mapang-asar pero sa nakikita ko sa kanya ngayon?...Ayaw ko mang payagan pero ayoko rin na ako ang maging dahilan na... masaktan sya" seryosong sabi ni Kuya. Napaawang ang labi ko sa narinig. "I truly love her. You know bro that when it comes to love, hindi maiiwasan ang tampuhan, sakitan at kung anu-ano pa but I promise that I will fixed it immediately and I will understand her no matter what..." Sagot naman ni Zioniel. "Anong nagustuhan mo sa kapatid ko? Sa totoo lang huh...Gwapo ka, mayaman...Maraming babaeng mas maganda, mayaman kaysa sa kapatid ko...Ni wala yong pakialam sa sarili nya, basta maka polbo lang yon okay na" Ani Kuya. Napangiwi na lang ako. Sinaraan pa talaga ako! Walanghiya talaga! I heard Zioniel Laughed kaya napakuyom ako ng kamo. Papatayin ko talaga si Kuya mamaya! "I don't know but...I just woke up that I miss her voice already, her presence, everything and I realize that I love her, her flaws...Everything...Nakikita-" "Bro! Alam mo ba na namatay yong kapitbahay namin dahil nakikinig sa usapan ng may usapan?" Putol ni Kuya sa sasabihin ni Zioniel kaya napakunot ang noo ko. Ano raw? Wala namang namatay na kapitbahay namin ah? "Oh really?" Sagot ni Zioniel. "Oo bro! Alam mo yon? May nag-uusap sa loob ng bahay tapos nakikinig sa labas? Kaya ayon! Patay kinabukasan bro!" Malakas akong bumuntong hininga nang nakuha ang punto ni Kuya. He knows na nasa labas na ako! Kaya hindi nya pinatapos si De Lara! Napaka epal talaga! Nakakainis! Nakasimangot kong binuksan ang pinto. Bumungad kaagad sa akin si Kuya at Zioniel na nakangisi! I rolled my eyes. "Malapit na ang klase ko. Bahala kayo dyan" malamig kong sabi at umakyat sa taas. Narinig ko namang nagtawanan ang dalawa kaya nagdadabog ako sa kwarto habang naghahanda. Pagkababa ko nagk-kwentuhan lang ang dalawa! Paano naging closed ang dalawa? Bakit parang okay lang kay Kuya? Hindi sya ganito sa mga Ibang nagkakagusto sa akin! Hindi ko sila pinansin. Deri-deritso lang akong lumabas pero malakas kong sinirado ang pinto. Nakakabwesit talaga kapag nandito si Kuya puro na lang stress ang binibigay sa akin! Letche. Bago pa ako makalagpas sa sasakyan ni Zioniel. Tinawag na ako ng tokmol kaya nakasimangot ko syang tinignan. "What?" Natatawa nyang sabi kaya inirapan ko lang sya. "Aloha!" Boses na naman ni Kuya kaya binilisan ko ang pag lalakad. Bahala sila dyan! Nakakainis na nakakahiya dahil alam nilang nakikinig ako! Hindi ko naman sinasadya! Timing lang talaga na ang pagdating ko seryoso na ang usapan nila. Natatawang sinundan ako ni Zioniel at marahan na hinatak patungo sa sasakyan nya. Hindi ko sya pinansin dahil nainis talaga ako kay Kuya at sa lalaking toh! Bahala sila sa buhay nya. "Hey" Natatawa nyang sabi. "Wag mo akong ma hey hey ngayon ah!" Inis kong sabi. He laughed kaya napasimangot ako. Nang dumating kami sa school. Hindi ko sya pinansin pero ang tokmol nangungulit lang sa akin at tumatawa kahit wala namang nakakatawa. "Magsama kayo ni kuya!" Inis kong sabi but he just laughed. Nang nag P.E na kami, tyaka ko lang sya pinansin dahil wala akong dalang gamit! Wala rin akong P.E uniform dahil hindi ako bumili at hindi ako nakadala ng jogging pants. "I will buy...Saglit lang ako, malapit lang naman yong mall rito" Ani ni Zioniel. Umiling naman ako dahil alam kong ang mahal ang bilihin doon. "Pahiram na lang please!" ani ko. "Fine and how about your t-shirt?" Ani nya. Ayokong umuwi sa boarding house dahil nandoon si Kuya! Naiinis pa ako don. "Pahiram na rin" pabebe kong sabi. He laughed. Kaya nang pumunta na kami sa gym, puro tukso ang natamo ko dahil ang sinuot ko ay ang jersey ni De Lara! "Ang futah! Hindi ako na inform na pati sa P.E by partner na at may pasuot-suot ng ganyan! Langya!" Angal ng bakla at hinatak ako para malayo kay De Lara. Tinawa ko na lang lahat ng panunukso nila. Wala rin naman kay De Lara dahil nakikipagkulitan lang sya sa kaibagan nya except kay David na lumalayo sa kanila at wala sa mood. "Ang instruction! Mag jogging pants at T-shirt or P.E hindi magsuot ng jersey ng jowa! Gaga ka ng taon!" Ani nya at pabiro akong sinabunotan. Nagkulitan kami ng nagkulitan hanggang dumating ang guro namin. "First, copy this 'My Physical fitness card'... 1/2 yellow paper na lang if walang index card" ani ng guro namin. Nagsikilusan naman kami para kumuha ng papel. "Baby..." tawag ni De Lara sa akin kaya nagsilunganan ang ibang kaklase naming nakarinig at impit na nagsigawan. "Bakit?" Ani ko at kumuha ng isang yellow pad. "Hati tayo" aniya. Natawa ako at tumango. "Abah! Sa amin ngayon sa Aloha kaya chupi ka Fafa De Lara! At ikaw namang malanding impakta ka! Dito ka! Nangggil ako sayo!" Ani ng bakla at hinatak na naman ako papalayo kay De Lara. "Kumuha ka na lang" Ani ko kay De Lara na napapailing sa kakulitan ng bakla. He smile kaya nilingon ko na ang bakla at tinampal ang kamay nya. "Ang OA mo! Nanghingi lang ng papel ang tao" reklamo ko sa kanya. He rolled his eyes at binitawan lang ako nang nasa pwesto na kami ni Santiago na tahimik na nagsusulat. "Abah teh! May pa 'baby baby' talaga? Tigilan ako!" Aniya. I just laughed at nagsulat na lang pero ang bakla kinukulit pa rin ako kaya kaming tatlo ni Santiago ang pinakahuling natapos. "At dahil kayo ang last...lead the warm up...10 minutes" Ani ni Sir. Nanlaki naman ang mata naming dalawa ni Santiago pero ang bakla game na game pumunta sa gitna kaya natampal ko na lang ang noo ko. "Umikot tayo, Tara! Ayokong mag lead hindi ako nag e-exercise" bulong ko kay Santiago. "Same! Tara" aniya. Umikot kami ni Santiago papalikod pero nakailang hakbang pa lang kami... "Hoy! Mga bruha kayo ng taon! Iniwan nyo pa talaga ako rito! Sir oh!" Sumbong nya kaya malakas akong napabuntong hininga. "Letche talagang bakla natoh! Napaka pabida!" Gigil na sabi ni Santiago. "Salvador and Santiago! Infront now" Ani ni Sir kaya wala na kaming magawa. "Peste ka!" Ani ni Santiago. "Kung hindi mo kami kinulit, hindi kami mapupunta rito" sisi ko rin sa bakla. "Abah! Damay damay na toh!" Mataray nyang sabi kaya napairap ako. Napangiwi na lang ako at umayos ng pwesto. Agad nagtagpo ang mata namin ni De Lara na natutuwa akong tinignan kaya ngumuso ako. He chuckled. "Okay! Para warm up talaga to the highest level! Sasayaw ang lahat! Okay ba yon sir?" Sipsip nya kay sir. "Hindi ako marunong sumayaw!" Ani ni Santiago. "Ako rin! Bahala ka dyan!" Ani ko pero pinagalitan lang kami ni sir kaya wala kaming magawa at sumayaw na lang. "Follow our step everyone!" Announce ng bakla at tumalikod sa kaklase namin kaya ganon din ang ginawa namin. Sumayaw kami sa gustong step ng bakla! Hindi kami pweding lalamya-lamya dahil nasa harap kami at tinignan ng lahat! Kaya nakakahiya kong pa chill chill ka lang. After 10 minutes. Binigyan kami ng break ni Sir dahil nag reklamo kaming pagod na pagod na. Tagaktak na rin ang pawis ko. "De Lara ka na pala ngayon Salvador?" Biglang tanong ni sir kaya natigil ako sa paglalakad patungog bag ko. Nagsigawan naman ang lahat kaya namula ng husto ang mukha ko. "Sagutin mo Salvador!" Walangyang sabi Angelo kaya nagtilian sya.Peste talaga kahit kailan. Masama ko syang tinignan pero ngumisi lang ang gago. "Oo bakit? Angal ka! angal?" Maangas kong sabi dahil nairatah kay Angelo. Everyone screamed kaya napatakip ako ng mukha. Nakakahiya! Siraulo ka rin Aloha! Pinapahiya mo talaga ang sarili mo! After the break! Nag exercise na kami para makuha ng result at malagay sa fitness card namin. "Peste! Nakakapagod!" Reklamo ng bakla pagkatapos. "Parang sasakit ang paa ko mamaya nito" Ani ni Santiago.Tahimik lang ako dahil sa pagod, wala na akong energy magsalita. Agad akong hinatak ng dalawang dahil gusto raw nila akong makasama ngayon. Ayaw akong ipahiram kay De Lara. Pagkarating namin sa classroom. Kanya-kanya kaming hilata sa sahig. May one hour pa naman bago ang sunod naming klase. "Doon tayo sa clinic humiga!" Maarteng sabi ng bakla dahil kumuha lang kami ng flywood ni Santiago para mahigaan. "Bahala ka sa buhay mo. Ang sakit na nga ng paa ko!" Tahimik lang akong humiga at pinikit ang mata dahil pagod na. Maya-maya pa, nagsihigaan rin ang mga kaklase namin kaya mukha na kaming mga sardinas kaya tumayo na lang ako. "Tumabi ka nga! Doon ka sa clinic mo!" Inis na sabi ni Santiago at inusog ang bakla na relax na relax dahil nakaunan sa lalaking kaklase namin. I sigh at nilibot ang mata para maghanap ng mahihigaam but I found De Lara na nakahalukipkip na nakatingin sa akin. "Come here" aniya. Ngumuso naman ako at pumunta sa pwesto nya. "Uwi ka sa boarding house mo?" Malambing nyang sabi. I shook my head. Ayoko! Nandoon si Kuya. Hindi ako makakapagpahinga. Sinandal ko ang ulo ko sa braso nya. Agad nya namang inalis yon at pianlibot ang braso nya sa bwaywang ko at inayos ang ulo ko sa dibdib nya. "Hindi ka ba pagod?" I asked habang nakapikit ang mata. "Nope. Hyper kasi...napapala mo?" Pang-aasar nya kaya hinampas ko ng mahina ang dibdib nya. "Nasaan si Salvador?" Dinig kong sabi ng bakla. I groan at binaon ang mukha sa dibdib ni De Lara. I heard him chuckled and caress my hair. "Huwag kang maingay dyan! May nagpapahinga oh!" "Peste! Maingay ka rin kaya tumahimik ka" "Clinic tayo? Gusto kong magpahinga" nakanguso kong sabi. He chuckled. "Why not sa boarding house mo?" Aniya at inayos ang buhok na nakatabon sa mukha ko. "Hindi ako makakapagpahinga roon, nandoon si Kuya" nakasimangot kong sabi. He nod. Akala ko pupunta talaga kami sa clinic pero lumabas ng campus ang tokmol! "Saan tayo pupunta? May klase pa tayo" Ani ko. "My place, babalik din tayo rito...I'm tired too" aniya. Tumango na lang ako sa kanya dahil gustong-gusto kong magpahinga. I'm so tired tapos ang ang gugulo pa ng bakla. Hindi talaga ako makalapagpahinga rito. Pagkarating namin sa condo nya. Humilata kaagad ako sa kanyang sofa. Sinaway nya pa ako dahil may kwarto naman daw, mas comfortable ako doon pero umiling ako. Ayokong pumasok sa kwarto dahil noon pa man, kapag narinig ko na nasa kwarto ang isang babae at boyfriend nya, iba na ang iniisip ng tao kaya dito lang ako. "Dito lang ako. Okay na ako rito" ani ko. Pero pagkagising ko. Nasa isang kwarto na ako at magkatabi na kaming dalawa! Nakayakap pa sya sa akin kaya nabalikwas ako sa pagkakahiga. "Oh my goodness!" Bulong ko at tinignan ang suot ko. I sigh nang nakita walang nagbago! Suot ko pa rin ang damit ko. "Zioniel! Ma l-late na tayo!" Gising ko na lang sa isa. He just groan and hold my hands, dinala pa nya ito sa dibdib nya. "Zioniel!" Ani ko at niyogyog sya. "Yeah, yeah..." aniya at bumangon na rin. Ginulo nya pa ang buhok nya bago ako tinignan. I stood up at lumabas sa kwarto. Paaano ako napunta doon? As far as I remember nasa sofa lang ako ah? But on the other hand,Wala naman kaming ginawa, natulog lang kaya dapat kumalma na ako. Habang naghihintay, inayos ko na lang ang sarili ko. It feels so weird! Hindi ako kailanman nagising sa tabi ng isang lalaki! Never in my life! Sa pamilya ko oo pero yong ibang tao? Ngayon lang talaga! Pero dibali na, wala naman kaming ginawang masama. Bahala na nga. Wala akong imik pagbalik namin sa school kaya nagtataka sa akin si Zioniel. "Tahimik mo" puna nya sa akin pagpasok namin sa campus. "Pagod lang to. Ganito talaga ako kapag pagod" pagsisinungaling ko. "Don't think so" aniya. I sigh heavily at hindi na lang nagsalita. Less talk, less mistake kaya ititikom ko na lang ang bibig ko kaysa magsinungaling ako ng masinungaling kahit wala ng kwenta dahil mahahalata rin naman nya. I sigh again. "Paano ako napunta sa room mo?" I asked. Bothered talaga. "Nilipit kita so that you can sleep comfortably...Shit!...I'm sorry" sincere nyang sabi nang narealize kung bakit ako ganito. Napanguso ako sa inasta nya. Basang-basa nya talaga ako...hindi ko alam kung paano ko na itatago ang ibang emosyon ko o mga iniisip ko kung ganyan sya. "I'm sorry. Did you feel uncomfortable?" Puno ng pag-aalala nyang tanong. I shook my head kahit yon ang nararamdaman ko kanina pa. "Nope" nakangiti kong sabi para hindi na sya ma bothered. Ang intention lang naman nya ay para maka tulog ako ng comfortable, wala ng iba kaya okay lang. Nakita nya siguro na nahihirapan ako sa sofa nya? O di kaya hindi sapat ang sofa sa akin. Kinulit nya ako ng kinulit para mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Which is nakatulong naman dahil na divert talaga ang atensyon ko. "De Lara. Pwede ba naming hiramin si Salvador? Magpapasama lang kami" paalam ni Santiago na hinarangan talaga ang dinaraanan namin. "Bakit ka pa nagpapaalam? Abah beh! Wag mong sakalin tong si Salvador! Kahit-" "Tara na! Tara na!" Pigil ko sa bakla dahil alam ko kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig nya. I looked at De Lara na tinanguan ako kaya hinatak ko na ang dalawa pabalik sa baba kahit hindi ko alam kung saan pupunta ang dalawang toh. "Gaga ka! Wag ka ngang sama ng sama doon kay De Lara! Kaya ang dami-dami ng issue sayo eh!" Madiing sabi ng bakla sa akin at binatukan ako. "Huh?" Gulat kong sabi dahil hindi ko alam ang sinasabi nya. "Oo friend kaya nga palagi ka naming pinapalayo. Yes, boyfriend mo sya pero alam mo yon? Iba ang iniisip ng mga tao" malungkot na sabi ni Santiago. "Bakit? Ano bang pinagsasabi?" Naguguluhan kong sabi. "Ganito kasi yong gaga ka! Diba ang daming fan girl nyang jowa mo?" Mataray nyang sabi. I nod. "Alam ko yon" Ani ko. "Oh! Alam mo pala kaya ayon, kung anu-ano ng pinagsasabi tungkol sayo! Na kesho raw gold digger ka, mayaman kasi kaya sama ka ng sama" "May isa pa! Pinaglalaruan ka lang daw ni De Lara. Kapag daw nakuha ka na, lalayuan ka na" "Ang katawan mo lang daw ang habol! Magaling ka raw siguro kaya palagi kang sinasamahan" "Teka! Teka!...Wala namang nangyayaring ganyan" lito kong sabi dahil sa naririnig. "Alam namin yon dahil nakikita naming baliw na baliw yong si De Lara sayo but how about sa mga fan girl nila? You know how insecurity do to the people" Ani ng bakla in a matter of fact tone. Napakurap naman ako. Bakit hindi ko napansin ang mga yan? All I think is...masaya ako kapag kasama ko si De Lara, nag-eenjoy kami at nararamdaman kong mahal nya ako. Ni hindi ko na napansin na ganyan na pala ang mga pananaw sa paligid namin. "Kaya ako sayo friend, wag palaging sama ng sama ah? Lowkey muna kayo, let De Lara prove to them na mahal ka nya talaga" malungkot na sabi ni Santiago kaya napabuntong hininga ako at tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD