Pag gising niya ay masakit ang katawan niya at halos di na niya maigalaw ang kanyang katawan. Nang maalala ang nangyari ay agad siyang bumangon lalo at mag isa nalang siya sa kama. Nag aalala siya na baka umuwe ang kapatid sa bahay at wala itong madatnan dun at baka biglang mag panic. Nagmamadali siyang bumaba sa kama tila hinahabol ng kabayo na naligo hinanap niya ang mga damit kagabi at mabilis na nagbihis alam niya may damit pa siya sa kabilang silid. Ngunit nagmamadali siya kaya naman kumuha siya ng t shirt ng lalaki. Total ay kasalanan naman nito kung bakit siya nakahubad. "Where are you going?" napaigtad siya ng makitang nasa gilid ng kama si Reeve at nakaupo bat di niya ito napansin kanina. "Ano, aalis na." sabi ko dito na di magkandatoto sa pag susuot ng panty niya. Ibinalik niy

