Tatlong araw ang nakalipas simula ng makalabas siya ng hospital at wala na ang sugat niya sa ulo. Ngunit kung alagaan siya ni Reeve ay dinaig niya pa ang napilay. "Reeve naman e, magaling na kaya ako." reklamo ko paano ba naman maski ang pagligo niya ay sumasama pa ito. Kung ang helicopter ang itatanong nyo, ayon nakalimutan na yata nito. Simula ng umuwi sila ay walang sign na may balak itong gawin yun. Maalaga parin naman ang asawa kaya di niya naiisip na may babae ito. Subokan lang nito at mayayari ito sa kanya. "No hindi kapa magaling, now be a good girl maliligo tayo ng sabay. May meeting ako ng eleven kaya halika na." pangungulit nito. "Pwede naman kasing ako nalang ang bahala sa sarili ko e. Kaya ko naman paligoan ang sarili ko e." sabi ko sa lalaki. Pero mukhang nagsasayang lang

