Bandang alas kwatro ng tuloyan silang nakapagpaalam sa mga ito. "Ito Sitty ipinagbalot kita ng mga ulam." Sabi ni Nanay Cora na may supot na dala dala nahiya naman siyang tanggapin lalo na ng makita ang naging reaksiyon ni Reeve. "Happy birthday po uli, thank you sa pa take out!" Nahihiya kung sabi dito. "Ano kabang bata ka e di ka na naman iba sa amin. Ingat kayo Sir salamat sa regalo nyo!" Masayang sabi ng ginang. Binuksan nito kaagad ang dala na regalo ni Reeve isang mamahalin na bag diyos ko po sabi ni Rio nasa thirty thousand ang halaga nun. Lalo at limited edition pa. Ang galante ng lolo ko diba saan kapa. "Ingat kayo Inday Sitty!" Kumaway kaway pa ang mga bakla sa kanila. Kung siya ang masusunod ayaw niyang mamigay ng ganun si Reeve at baka maabuso. Kaya lang syempre di naman si

