Naging abala sila ni Reeve ng mga sumunod na araw lalo na dahil nagkaroon ng malaking problema sa isang planta nila sa Guam. Gayunpaman ay pinilit nilang magkaroon ng sapat na oras para sa isat isa. "Baby, kailangan kong pumunta ng Guam bukas. They need my supervision there may mga nakapasok na palpak na investors and I need to check it myself." sabi ni Reeve habang yakap yakap siya sa kanyang beywang. "Sige, ingat ka dun a." sabi ko dito. Napag usapan na nila na pag out of the country ay maiiwan siya sa bahay ng pamilya nito o sa bahay nila. Malamang ay medyo magtatagal ang asawa dun sa Guam dahil palaki na ng palaki ang naging problema dun. "Ikaw ang mag iingat dito, ayoko sanang iwanan ka dito dahil mag isa kalang. Nasa out of the country trip din sila Mommy." sabi nito. Nasa Europe

