Dalawang araw ang lumipas at medyo iniiwasan nya na mapag solo sila gaya nalang ngayon, abala siya sa pag lilinis ng kwarto nito ng dumating ito. Di kasi nakapaglinis kahapon ang taga linis nito dahil nagkasakit. Kaya nagkusa na siya wala naman siyang gagawing iba. "Naglilinis pa po ako kamahalan baka pumasok kayo ng toilet. Nilagyan ko pa ng muriatic acid at di ko pa nababanlawan." pairap kung sabi dito hapon palang alas dos palang ng hapon. Kaya nakapagtataka na ang aga nito gayong office days nito walang out of town o country trips. May planner kasi na nakalagay sa may ref nila. Dati wala pa yun pero nung nakaraan meron na. Baka daw nahihiya lang ako magtanong para di daw ako nag iisip na nambabae siya. Nagpupunas siya ng mga display painting nang matapos ay nilagpasan ko ito at luma

