Michie's POV Nandito na pala ako sa Laguna. Nakatulog pala ako sa bus. Ito na daw ang last stop ng bus kaya bumaba ako. Mabuti nalang at nakapagpalit agad ako ng sim card. Nareformat ko na rin ang phone ko. Lahat ng social media accounts ko ay na-uninstall ko na. Sinubukan ko namang magdownload ng app para maghanap ng tutuluyan. Agad naman akong nakakita ng 6,000 pesos monthly. Hindi na masama. Mag-aadvance payment nalang ako ng 3 months para secured ang stay ko. Sumakay naman ako ng tricycle at sinabi kay manong kung saan ako ibababa. Mga 10 minutes ay nakarating na ako. Sakto na may sukling barya sa bus. Nabigay naman ako ng 50 pesos. Napansin ko sa map na may lalakarin pang unti. Eto ang napapala ng layas nang layas. Biglang mapapasubok kung saan tutuloy. May gulong ang maleta

