Prolouge

549 Words
Chasing Love May mga iilang tao na swerte sa pamilya. Samantalang mayroon din namang hindi pinalad. Kagaya na lamang isang babae na nagngangalang Quinn, na lumaki sa pamilyang umampon sa kanya. Mataga munal siya na namalagi noon sa kumbento, pero sinwerte na may pamilyang umampon sa kanya noong pitong taong gulang na siya. Pero swerte nga ba na matatawag ang pagkakaroon niya ng bagong pamilya kung buong buhay naman siyang minamanipula ng tinatawag niyang ina? At minamalditahan naman siya ng kinikilalang Ate niya? Lumaking masunurin si Quinn sa mga kinalakihan niyang magulang, pero nang makapagtrabaho na siya at nagsimulang makasalamuha sa iba, saka niya natutunan na dapat pala ay may sarili siyang desisyon sa buhay. Hindi pala dapat kinokontrol ang emosyon niya sa kung ano ba ang dapat niyang maramdaman sa isang bagay o pangyayari. Sa kung ano ba ang susunod na dapat niyang gawin. Dapat pala ang magulang ay umaalalay lang at gumagabay. Pero lumaki siya na nakaplano na ang kinabukasan niya. Hanggang sa pakiramdam niya ay nasasakal na siya. Takot siyang hindi na niya mapanindigan ang pagsunod sa mga gusto ng magulang niya.  Umalis siya nang walang paalam. Pilit niyang hinanap ang sarili sa malayong lugar. Pilit niyang hinubog ang tunay na pagkatao niya. Pero hindi niya akalain na habang hinahanap niya ang sarili ay may makikilala rin siyang lalaking magpapabago sa buhay niya. Bata pa lang ay maaga na siyang namulat na ang tao sa mundo ay may kanya-kanyang dapat kalagyan. Alam din niya na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Pero simula nang makilala at magustuhan niya si Troy, umasa siya na sana sa pagkakataong ito ay mapasakanya naman ang kaisa-isang tao na nagustuhan at minahal niya. Natakot siyang sumubok no'ng una, pero kung magiging duwag siya at palagi na lamang aatras, paano niya malalaman ang magiging resulta?  Naging masaya siya nang sundin at pakinggan niya ang sigaw ng puso niya, pero kaakibat din ng saya ay sakit at lungkot. Na minsan kahit pala ibigay mo na ang lahat, hindi pa rin pala sapat. Lalo na kung ang lalaking minahal mo, ay hindi pa rin nakakamove on sa first love niya na kaibigan nito.  Kung ikaw nga ang kasintahan, pero paulit-ulit naman sa'yong ipinaparamdam na second option ka lang? Susugal ka pa ba? Susuko? Tatalikuran mo na lang ba basta kahit mahal na mahal mo at hulog na hulog ka na? Ilang beses na nagpatawad at umunawa si Quinn. Umasa siya na makakamtam at maangkin niya nang buo ang puso ni Troy pero tila mahirap talagang kalabanin ang first love. Kaya sa bandang huli ay tuluyan na siyang nagpaubaya. Umalis siya at nagtago sa kabila ng katotohanang nagdadalang tao na pala siya.  Sa paglipas ng ilang taon, sa muling pagkikita nila ng lalaking minahal noon. Mapanindigan kaya niya na hindi na nga niya mahal ito? O muli na namang mag-aalab ang pag-ibig na matagal niya nang ibinaon sa limot? Ano ang gagawin niya kung muling makipagbalikan sa kanya ang lalaking ito? Hanggang ilang pagkakataon nga ba ang kaya niyang ibigay para sa kaisa-isang lalaking nagpatibok at nagdulot din ng sugat at kirot sa puso niya?               Hindi lang puso niya ngayon ang dapat niyang protektahan, kundi puso na rin ng kanyang anak na maari ring masaktan kung sakaling magkamali man siya ng maging desisyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD