Chapter Thirty Four Habang inaasikaso pa ang paglalagakan ng Mommy Thet ni Quinn ay pinakiusapan naman ni Troy si Quinn na magpahinga muna sa bahay. Pumayag naman ito at napasama niyang mapauwi sa bahay nila ni Travis. Pagkalinis pa lamang ni Quinn ng katawan at pagkapalit pa lamang nito ng damit ay nakatulog na kaagad ito sa kama ni Troy. Hindi na nga ito nakapagtaklob pa ng kumot. Marahil ay sobrang pagod at puyat nito sa loob ng ilang linggo. At dahil na rin sa kakaiyak nito mula nang mawala ang Mommy Thet nito. Hindi muna pinalapit ni Troy si Terrence sa ina nito dahil alam niyang hindi ito makakapagpahinga kung magkikita ang mag-ina. Saka na lamang niya sasabihin sa anak na umuwi saglit ang Mommy nito pagkagising na lamang ni Quinn. Para makabawi muna ito ng lakas kahit paano. Pina

