Chapter Thirty Two Nag-aalala na si Troy kay Quinn. Isang linggo ba itong nagbabantay sa ospital at alam niyang hindi ito nakakatulog nang maayos doon. Hindi rin ito gaanong nakakakain dahil nang minsan niya itong bisitahin mag-isa, habang pansamantala niyang iniwan kay Travis ang anak, hindi naman ito nakakaubos ng pagkain. Wala raw itong gana. Natatakot si Troy na baka ito naman ang magkasakit at ma-ospital. "Ayos nga lang ako. May mga iniisip lang ako nitong nakaraan kaya hindi ako makakain nang maayos. Pakiramdam ko busog ako palagi. Pero nakakatulog naman ako," tugon pa ni Quinn sa kanya. "Mahaba naman ba ang tulog mo?" Paniniguradong tanong pa ni Troy. "Sakto lang. Hindi naman ako pwedeng maging tulog mantika rito sa ospital. Siyempre, kailangan kong makiramdam sa paligid. Saka p

