A/N: Hindi po ako magaling na writer kaya pasensya na po sa mga sentence o sa grammar,hindi din po ako bihasa sa salitang italian kaya pagpasensyahan nyo na po.
Thank you so much
Disclaimer:this story is just a fiction and imagination of the writer only::::
Someone pov:
Sa mundo ng ginagalawan ng pamilya ni Zeus sa Italya ay kinailangan syang ilayo ng mga magulang nya.Pinadala sya sa Pilipinas ng sya ay walong taong gulang lang.
Kasama nya ang yaya nya ng pinatakas sila ng mga magulang nya.
Ayaw 'man iwan ni Zeus ang mga magulang pero wala syang magawa dahil bata pa sya at kulang ang kakayahan nyang kalabanin ang mga gustong umagaw ng trono ng mga magulang nya sa Mafia World.
"Mom, I don't want to leave." pagmamakaawa nya sa mommy nya.
"Anak makinig ka.You should leave ok kelangan mabuhay ka. "lumuluhang sabi ng mommy nya.
Pilipino ang mommy nya samantalang may lahing italyano naman ang daddy nya.
"But mom I'm scared!."umiiyak naman sagot ng batang si Zeus.
Niyakap sya ng mommy nya ng mahigpit nagbitaw sila ng pumasok ang daddy nya na humahangos.
"Celia you need to go now, bring my son in the Philippines."huminto ito at tinitigan ang anak."Please!take care of him. "malamlam ang mga matang sabi nito sa kausap.
"Yes!My Lord."magalang na sagot ng yaya ni Zeus sabay yuko.
Niyakap sya ng mga magulang nya ng mahigpit.Napabitaw sila ng umalingawngaw ang putok ng baril.
"Leave Celia!."sigaw ng daddy nya.
Ayaw 'man bumitaw ni Zeus sa mommy nya pero wala syang nagawa.
"I love you very much son, take care of your self ok"maluha luhang sabi ng mommy nya bago sya halikan sa noo.
"We promise son, we will go to Philippines too."nakangiting pangako naman ng daddy nya at hinalik sya sa noo bago balingan ng tingin si Celia.Agad tumango si Celia dito.
Walang nagawa si Zeus kundi umiyak sa mga panahon na yun at tignan ang mga magulang nya na unti unting nawawala sa paningin nya.
Sa likod sila ng mansion dumaan at doon nya nakita ang isang Ducati na motor.
"My Lord,get in on motorcycle faster!." nagmamadaling sabi ni Celia kaya agad na sinunod ni Zeus at inalalayan pa sya ni Celia kaya nakaupo sya agad.
"Wear this my Lord."tarantang sabi nito saka iniabot ang helmet.
Nang makita na ni Celia na maayos na ang amo nya ay agad nyang ini-star ang motor na gagamitin nila.
"Hold tight my Lord."sigaw nya naman. Napakapit ng mahigpit si Zeus dito sobrang bilis ng patakbo ni Celia ng motor.Mas lalo pa nyang binilisan ng makita nya sa peripheral vision nya na may sumusunod sa kanila.
Nang may makita si Celia na daan na makitid ay agad syang lumusot dito.
Kaya naman nailigaw nya ang mga ito. Nakahinga na sya ng maayos at bumagal na din ang takbo nila.
Naaawa sya sa alaga nya dahil sa murang edad nito nakaranas na ng ganito.
"Sabagay hindi na nya maiiwasan ito dahil isa syang anak ng mafia."sabi ni Celia sa isipan nya.
May nadaanan silang nagtitinda ng mga damit at sombrero kaya huminto sila doon.
Wala pa kasing tawag mula sa tauhan ng amo nya kung handa na ang eroplanong sasakyan nila papuntang pilipinas.
Hindi naman akalain ng pamilya grayer na ngayon sila lulusubin ng mga kalaban nila.
"Quanto per questo cappello i ecchiali? (magkano sa sombrero at salamin na ito?)."tanong ni Celia sa tindero.
"Centocinquanta."sagot ng tindero kaya agad kumuha si Celia ng pera saka iniabot dito.
"Grazie."ngiting sabi nya at isinuot kay Zeus na tahimik lang.
"Are you hungry my Lord?."mahinang tanong ni Celia dahil nasa Italy pa sila.
Umiling lang ito kaya bumuntong hininga nalang si Celia saka sumakay muli sa motor nya.Ngunit bago nya paandarin ang motor nya au narinig nyang nagring ang telepono nya.
"Hello?."bungad nya.
"Sige papunta na kami dyan kasama ko na si Lord Zeus. "sagot nya sa kabilang linya.Ibinaba na nya ang tawag at muling pinatakbo ang motorsiklo.
Ilang minuto din ang tinakbo nila hanggang sa nakarating sila sa isang airport at nagmamadaling pumasok doon.
"Lord Zeus this is your private plane we will board here to go to Philippines." paliwanag ni Celia habang papasok sila.
Agad naman tumango si Zeus.Bago sya sundan ni Celia ay kinausap nya muna si Matthias ang capo ng grayers clan.
"Matthias ikaw ng bahala dito kelangan na namin umalis. "seryosong sabi ni Celia.Tumango lang ito sa kanya saka sya umakyat sa eroplano at sinabihan na umalis na.
Tahimik lang na nakatingin sa papataas na eroplano si Zeus kaya hinayaan na ito ni celia.
Samantalang sa mansion naman ng mga Grayer ay nagkakagulo na.
"My Lord you need to escape we manage here!." sabi ng Consigleire nya na si William.Kasalukuyan silang nagtatago sa pader ng mansion nila.
"Has my son left?."imbis na sagutin ang tanong ni Matthias ay nagtanong sya.
"Yes my Lord.We need to hurry let's go!." nagmamadaling yaya nya sa boss nya.
Agad naman itong sinunod kasama ang asawa na nakikipag palitan ng barilan sa mga kalaban.
Bago pa makapasok ang lahat ng kalaban nila sa mansion ay nakalabas na sila sa secret pass na daanan palabas ng mansion.
"Activate the bomb William. "nanlilisik na sabi nito na sinunod din ni William saka nya kinuha ang laptop nya at kinalikot.
Kasalukuyan na silang nakaalis ng madinig nila ang malalakas na pagsabog gawa ng bombang nakatanim sa mansion na pinasadya nila para sa di inaasahan pangyayari.
Habang lulan sila ng kotse ay di maiwasan ng mag-asawang grayer na isipan ang anak.
"Sweetheart we need to keep Zeus away from us for his safety."malamlam ang mga matang sabi ni Mr.grayer sa asawa nya.
"But he is eight years old only, how can he survive his life?." lumuluhang tanong ng ginang.
Agad naman syang niyakap ng asawa upang maibsan ang pangamba nito.
"Don't worry Celia is with him."sagot nya saka tumingin sa asawa."I know that he won't let go and Celia already knows what she has to do when they arrive in the Philippines."dugtong ni Mr. Grayer.
Agad naman tumango si Mrs.Grayer at bahagyang ngumiti na di aabot sa mga mata bago sya yumakap ng mahigipit sa asawa nya.
"You know our son,i know that he will not give up and he will be even stronger. "sumilay ang munting ngiti sa labi nito bago nya gawaran ng magaan halik ang asawa sa labi nito na ikinangiti din ng ginang.
Kilala nya ang anak nya hindi ito basta basta sumusuko kaya tiwala sya na ihiwalay ito sa kanila.
Plano nya na hindi ipaalam sa anak nya na buhay pa sila para hindi matuntun ng mga kalaban nila sa mafia at gustong gustong kunin ang pwesto nila maging ari arian nila na buhay pa ang tagapagmana nila.
Hindi na bago sa kanya ang panganib dahil kaakibat na ito ng ipasa sa kanya ang pagiging Mafia boss ng mga Grayer na ang daddy nya ang namamahala ng ito ay nabubuhay pa.
Ayaw man nilang ipadanas sa anak ang panganib ngunit wala silang magagawa dahil nasa pamilya na nila ito.
Ang anak na lalaki ang magmamana ng clan kapag handa na itong pamunuan ang Grupo.
Sa ngayon ay kelangan muna nilang itago si Zeus para hindi ito mahanap ng mga taong gusto itong patayin para walang magmana ng clan nila.
Hindi sila umalis ng Italy dahil nandito ang mga negosyo nila.Lumipat sila sa isang lugar sa Verona ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa italya.
May mansion sila dito na pinalagyan na nya ng mga hi-tech na mga gamit.
Dito sila tutuloy habang pinagplaplanuhan ang mga grupong kumakalaban sa kanila.
"William"tawag nya sa kanang kamay nya.
"Yes my Lord."magalang na sagot nito saka bahagyang yumuko tanda ng paggalang.
"William have our men to monitor every move of Monroe's clan and reported me immediately what you find out. "matalim ang mga matang sabi nito sa Consigliere nya na si William.
"Yes my Lord."sagot naman nito na bahagyang yumuko at umalis.
Naiwan naman si Mr. Grayer na malalim ang iniisip.
Samantalang nakalapag naman ang eroplanong sinasakyan ni Zeus kasama ang yaya nito sa Pilipinas.
Agad silang sinalubong ng mga tauhan nila na nakatalaga doon.
"Ma'am Celia nakahanda na po ang kotse."magalang na sabi nito.
"Dumistansya kayo samin pagsakay ni Lord Zeus sa kotse ayoko na makakuha tayo ng atensyon naiintindihan nyo ba!?."saad ni Celia saka tinignan isa-isa ang mga tauhan na kasama nila.
"Kailangan mamuhay ni Zeus ng normal na tao para hindi sya paghinalaan ng iba. "sabi nya sa isipan nya.
Nang makasakay na sila ay si Celia na ang nag drive habang tahimik lang sa likuran si Zeus na nakatanaw sa labas.
Sinunod sya ng mga tauhan nila na dumistansya sa kanila.
Dederitcho sila sa mansion ni Mr. Chua na tatayong daddy nya dito sa pilipinas, naihanda na nya lahat ng kailangan nya na mga documents na nagpapatunay na anak sya si Mr.Chua para kung sakaling may makakilala sa kanya ay may ipapakita sya na katibayan na hindi yun totoo.Pagmamay ari na ito ng mga Grayer dahil na bili na nila kay Mr. Chua ang bahay at dahil sa laki ng utang nito ay ito ang kapalit sa bayaran nya.
Wala naman pamilya ni Mr. Chua kaya wala silang magiging problema dito.
Pag pasok nakita nila na naghihintay na ang mga ito sa labas ng mansion.
Pagkababa agad syang sinalubong ng medyo may katandaan lalake na nakasalamin at medyo kulubot na Ang mukha ngunit makikita mo pa ang kakisigan nitong taglay.
"Magandang hapon Miss Dizon." magalang na bati nito sa kanya at kinamayan sya.
"Alam mo na siguro ang dapat gawin ibibigay lahat sayo ng mga Grayer lahat ng hingiin mo kapalit ng pagtrato kay Lord Zeus ng tama."malamig na sabi ni Celia saka hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay ni Mr. Chua.
Napalunok naman ng sariling laway si Mr. Chua at alanganin ngumiti.
"O-oo naman at hanggang hukay ko babaunin lahat ng alam ko. "sagot nito na halatang kinakabahan dahil sa panginginig ng boses.
Agad nyang binalingan si Zeus na tahimik lang na nagmamasid sa kanila.
"Magandang hapon,Lord."magalang na bati nito at bahagyang yumuko.
"Sanayin mo na ang sarili mo na tawagin syang anak para masanay din sya na mamuhay ng simple."
singit naman ni Celia.
"You don't come with me?."biglang tanong ni Zeus kay Celia na malungkot ang mga mata.
"Hindi po pwede my Lord kasi kapag nakita nila ako madali ka nilang makikita, pero wag kang mag-alala nasa paligid mo lang ako lagi at hindi kita iiwan."sabi ni Celia na di napigilan maluha.
Napamahal na sya sa alaga nya kaya kahit mabigat sa dibdib nyang iwan ito ay ginawa nya para sa kaligtasan nito.
Niyakap nya ito ng mahigpit saka iniharap sa kanya.
"Iingatan mo ang sarili mo....at sikapin mo na mamuhay ng normal tatandaan mo din na ang pangalan mo ay ZEUS COLE CHUA wag na wag mo sasabihin isa kang Grayer ok ba yun my Lord" maluha-luhang bilin ni Celia dito.
Agad naman tumango si Zeus na may namumuong luha sa mga mata.
Hindi din nagtagal ay nagpaalam si Celia kay Mr. Chua.
"Kayo ng bahala kay Zeus at wag kang magkakamali dahil nasa paligid lang kami nakabantay sayo. "huling sabi ni Celia saka nya tinitigan ng matalim si Mr. Chua na ikinalunok nito kasabay ng pagtango nito.
Pagkaalis ni Celia at mga tauhan ng Grayer ay agad iginaya ni Mr. Chua si Zeus sa magiging silid nito.
"Ok lang ba tawagin kitang anak?."alanganin na tanong ni Mr. Chua.
"Yes, that's exactly what it should be, isn't?."balewalang sagot lang ni Zeus.
Hindi naman lingid sa kaalaman ni Zeus ang nangyayare sa paligid nya kaya kelangan syang itago sa ibang katauhan. Kelangan nya din masanay na itago ang tunay nyang damdamin at emosyon.
Ngumiti si Mr. Chua sa kanya saka nagpaalam pagtapos sya ihatid sa kwarto nito.
Umikot pa ang mata ni Zeus sa kabuuhan ng kwarto at humiga sa kama saka tumingala sa kisame.
"I promise mom, dad I will be successful and I.will.get.back to you." madiin bulong ni Zeus sa sarili nya habang nakatingin sa puting kisame.
Hindi kagaya ng silid nya ang kwartong tinutuluyan nya.May malaking kabinet sa gilid na kulay brown na may salamain tingin nya ay walking closet iyon.Sa kabila naman ay isang pinto na malamang ay banyo,sa gitna ay ang kamang hinihigaan nya na katamtaman lang ang laki kung baga family size,na may lamesa sa gilid kung san nakapatong ang lamp shade.Ok na din ang kulay dahil gray ang kulay ng paligid puti naman ang kisame na may ilaw.
Hindi kasing rangya ng buhay nya kagaya sa Italy pero masasabi nya na ayos na din para sa isang simpleng batang kagaya nya.
Nagpakawala sya ng malalim na buntong hininga,"Pero kelangan ko pa rin tumayo sa sarili kong mga paa dahil hindi ako matutulungan ng mga magulang ko dahil baka matuntun nila ako"sabi nya sa sarili nya pagtapos nya ilibot ang paningin sa kwarto na tutuluyan nya ng ilang taon.
Tingin naman ni Zeus ay hindi sya mahihirapan dahil matalino sya at advanced ang pag iisip nya kumpara sa ibang batang kasing edad nya.
Accelerate nga sya sa school nila dahil hindi simple ang mga alam na nya.
Hindi namalayan ni Zeus na nakatulog na sya sa kakaisip.