Itong yung araw na hindi ko maiintindihan ang naramdaman ko ....
Sumakay na agad ako kasi at pag upo ko harapa ay biglang na tapik nya ang selpon nya na nakalagay sa harap at na hulog ito sa paahan ko.
Kinuha nya ito sa ibaba ko.
At nang naabot nya na ito ay
di maiwasan na palapit ang mukha namin.
Nagulat ako ng makita ang mukha nya,
Parang huminto ang oras at parang ba nag slowmotion yung ganon.
Hinawakan ko ang mukha nya at hindi ko alam
Para bang gusto ko dumampi ang labi ko sa pula nyang labi at ayan na palapit na
Parang bang i used to do it yung ganun
Toooooottttttt bumisina ang sasakyan sa likod namin.
At sya naman ay biglang pa hawak sa monobela nya at pina andar nya at umalis na kami. Habang pinagmasdan ko sya para ko syang nakita na ehhh na parang hindi ko maalala.
Habang nakatitig ako sa kanya ay tumulo ang luha ko at sa hindi ko mapigil ang paghagul gol kong iyak
Iyak ng iyak ako sa kotse doc luke na para bang ang lungkot ko at parang nasasaktan ako Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko nuon nakita ko ang
Mukha nya,
ito yung naramdaman ko nuon nagising ako sa isang panaginip nuong high school pa ako bumalik ang sakit lungkot at lumbay.
Ang sikip sa dibdib ko at ang bigat na pakiramdam.
Hininto ni Doc luke ang kotse sa isang bakating loti.
" Luisa, bakit ka umiiyak ? Ano may sakit ba sayo? Sabihin mo?
Tanong nya at nag alala ang mukha nito
Hindi ko talaga mapigil lalo na at mapag abot ang aming mga mata.
Yung mga mata na parang may nangungusap.
" Hindi ko alam doc luke ang sikip ng dibdib ko gusto ko lang umiyak hindi ko alam kong bakit ganito naramdaman ko doc. Huhuhu"
Sabi ko sa kanya
Luisa, paano ba kita mapa tahan parang ako rin nahihirapan sa pag iyak mo ehh "
sabi ni doc luke
Pinahiran ni doc luke ang luha ko sa mukha at napatitig ako sa kanya, at sya rin nakatitig sa akin. Nag titigan kami Hanggang parang magnet na nag lapit ang mga labi namin at hinayaan namin ang sarili namin at naghalikan kami ni doc luke habang pumatak ang luha ko. At sya rin nakita kong lumuha sya.
Pagkatapos ay niyakap namin ang isat isa ...
Na tahan na ako sa pag hagulgol para akong na relieve sa yakap nya
pero sya ay lumuluha parin ang mata nya.
Doc luke ikaw rin umiiyak ? "
Tanong ko
" Luisa, hindi ko alam baka nadala ako sa iyak mo " sabi nito
" Okay kana Luisa ? " Tanong pa nito
At pina andar na nya ang kotse nya at umalis na kami papuntang ospital
At Dumating na din kami sa Ospital
at may nka schedule na palang surgery
si doc luke kaya pala madali sya pumasok at nag bihis na agad.
" Wala mo na akong assistant intern
Viewing lang mo na ang intern"
sabi ni doc sa head nurse
Pina tayo lang kaming apat na intern at nka observe lang muna.
Hanggang hapon ay wala kaming ginawa lahat observation lang. Inantok tuloy ako.
Minsan pa ay napatulala ako at naalala ko kami ni doc luke sa kotse nya kanina.
Hapon na at uwi an nadin .
At nag text si itay na nag antay na sya sa labas.
Kaya lumabas na agad ako. At sumakay na .
Kumusta ka anak? " Tanong ni tatay
" Okay lang tay, medyo na kaka pagud kasi wla kaming gingawa ngayon, nag observe lamg muna " sagot ko
Dumating na kami sa bahay at na upo na muna ako salas . Matagal tagal narin akong hindi na ka upo sa salas namin dahil from skol to kwarto ako. Matagal narin hindi kami nag kwentohan ng mga kapitid ko kaya
nag kwentohan kami at nag kumustahan
"Ate, ok ba ang nurse na kurso ?
Tanong ni lorry
" Ok naman , masarap sa pakiramdam na nka tulong ka sa may sakit lalo na ngayon na sa operating room ako na assign at ang galing ng doctor namin successful lahat ng surgery nya sabi ko
" Nay, kanina pag dating ko sa bahay may tao sa likod isang babae at lalaki nag usap tapos akala ko papunta dito sa bahay kaya lumabas ako at salubungin ko sana sila kaya lang nawala naman hindi ko alam kong saan sila dumaan."
Kwento ng kapatid ko
" Talaga ba, namukhaan mo ba anak?
Tanong ng nanay
"Hindi kasi malayo pa ako ehh, pero parang mayayaman dahil maganda kanilang pananamit"
" Baka na ligaw lang yun" sabi ni nanay.
Mag pa usok muna ako likod bahay.
Sabi pa nya.
Ako at si bunso nalamang ang na iwan kaya nag luto nalang kami para sa haponan.
Ate, malungkot kapa ba? Tanong nito
" Bakit bunso, mukha ba akong malungkot? Tanong ko
" Oo yung mata mo ate walang saya, di gaya nuon na..at natahimik ito.. at hindi tinuloy ang sinabi
"Bakit bunso, anong di gaya nuon?
Tanong ko
" Ay wala ate , ayy nku teka may assignment pa pala ako, " sabi pa neto parang umiiwas
At umakyat na ito sa kwarto at iniwan ako.
Hindi ko narin ma tanaw sila nanay,
Pati si tatay wala sa labas.
Hay nawawala na naman sila.
Kinabukasan
Kina Umagahan ay wala naman akong duty sa hospital at sa school lang ako mag pasa ng mga reports ko as intern.
Kaya right after umuwi na agad ako sa bahay mas masarap matulog dahil bukas busy nanaman kaya u uwi ako nalang bahay.
Nag lakad nalang ako dahil wala namang
jeep papunta sa bahay.
Papalapit na ako sa amin at nakita kong
Bukas yung gate namin kaya pumasok nalang ako at ng papasok ko na ay
may narinig akong nag usap oo si nanay may kausap .
ahh baka may bisita sya suki siguro nya sa palengke.
"Iyak ng iyak minsan ang mga bata hinahanap ang mama at papa nila , si haring lucas kasi ay narito sa lupa"
sabi ng babae narinig ko sa loob
Nahinto ako sa narinig ko, bigla sumakit ang dibdib ko, tumulo ang luha na hindi ko alam
" Bakit nandito si lucas?
Malulungkot ang mga apo ko! " Sabi ni nanay
Nanginig ang katawan ko sa narinig at nanghina ang tuhod ko sumikip ang dibdib ko para akong natumba at
Nabuksan ko ang pinto at hindi ko na maihakbang ang paa ko dahil ng hina ito napa upo ako sa sahig habang pa sa luha luha ang mga mata ko.
Hawak ko ang dibdib sa sikip at parang gusto kong sumigaw...
Nakita ako nila na napa upo sa pinto
" Luisa !!!!!! Sigaw ng nanay ko
" Naku !!! Paano na " sabi na isang babae
Nay!!!!!!!! Huhuhuu ano to !!!!!!
Sumigaw ako at umiyak hindi ko alam kung nanaman ang naramdaman ko.
At nawalan na ako ng malay.
Habang nka tulog ako
Nanaginip ako ng isang babae maganda sya pero galit2x na galit sya sa akin
" Dahil sa iyo hindi ako maalala ng anak ko!!!
At tinapon mo pa sya sa lupa !!!
Kung nagawa naming ikaw ay patayin, mapapatay Karin namin sa lupa, pero sa sitwasyon mo ngayon para ka narin unti unting pinapatay sa lungkot!!!!! Hahahahaah!!!
Nagising ako at agad akong bumangon
At bumaba para maka usap si nanay.
Alam ko may nangyari na hindi ko alam
Nay ! Nay !! Nasaan ka?
At lumabas si nanay sa kusina
Luisa, anak bakit? Tanong ni nanay
Nay, kailangan Sabihin mo sa akin
Anong nangyari sa akin nay? Sinong mga apo nyo? Sino si lucas at bakit nasa lupa nay?
Bakit saan ba dapat?
Nay ipaliwanag mo sa akin sino yung kausap mo? Alam ko may kakaiba nay,
nung narinig ko yun, sumakit ang dibdib at nasasaktan ako.
Sino ba si lucas bakit kinabahan ako sa pangalang nya lumulukso ang puso ko na parang sinuntok ang dibdib ko na parang mawawasak nay! . Maawa po kayo nay
sabihin mo po nay.
At ito pa nay, may babaing galit na galit sa akin dahil itinapon ko ang anak nya sa lupa.
Nay bakit lupa nanaman?
Kung napatay nya ako, ang kaya din akong patayin nya sa lupa, pero hindi nalang daw kasi para narin pinatay na ako sa lungkot !!!!
Yun ang sabi nya...
At oo totoo sinabi ng babae sa panaginip ko dahil lungkot ko ay hindi mapantayan, hindi ko rin naman alam bakit ganito ang naramdaman ko
Nay, maawa ka po sa akin, nag mamakaawa ako sa iyo sabihin mo na dahil gulong gulo na ako nay ! para na akong mamatay sa lungkot. Alam mo bayong may gusto ako pero hindi ko alam kung ano yun.
Nalulungkot ako pero hindi ko alam kung bakit.
Nay, please nay Sabihin mo na nay. Huhuhuhu
???
Nag mamakaawa ako kay nanay at si nanay
Iyak lang din ng iyak habang akoy umiiyak na nag makaawa.
"Luisa, patawarin mo kami anak
kung nahihirapan ka, kami rin naman hirap na hirap rin makita kang ganyan.
makinig ka !!!! Oo may alam ako !!!
Pero hindi ko alam anak kung saan ako mag uumpisa,
Nak, hindi ka pwedi doon dito kalang sa lupa."
Sabi ni nanay
" Ano yun nay? Saan doon bakit lupa nay?
Tanong ko
" Nak , tayo na at samahan mo ako hindi ko kaya to, hindi ko kaya magpaliwanag sa iyo halika ...
Hawak ni nanay ang kamay ko, at patungo kami sa likod bahay. Naglakad kami patungong puno ng mangga..
Pag dating namin nka harap si nanay sa puno
At may kinausap ito sa puno
" Kung sino man ang nakarinig dyan,
Palabasin nyo si lola pura o kung sino man
Ang nandyan!!!! Sigaw ni nanay sa puno
Hindi ko Alam, pero hinayaan kulang sya
May lumabas na parang isang firefly
At kinausap ni nanay hindi ko marinig ito pero si nanay naririnig nya kasi nag usap sila
" Mag hihintay kami ngayon kahit sino sa kanila, basta ipaliwanag nila sa anak ko"
sabi ni nanay sa firefly
Bumalik ito sa puno at mayamaya
Nagulat ako ng may lumabas na babae at kitang kita ko iyun.
Tumingin ito sa akin kinabahan ako napaatras ako sa kina tatayoan ko at napaupo sa gawang upoang kawayan ni tatay.
Isang magandang babae at maganda ang damit nito.
" Panahon na siguro ito na Malaman nya ang lahat " sabi ni inay sa babae
" Luisa, hindi ko ma isalaysay itong lahat" sabi nito
At napatingin lang ako sa kanya.
" Panahon na siguro na malaman mo ito,
Kaya ibabalik ko sa iyo ang iyong memorya na kinuha namin sa iyo para wala kang maalala at hindi ka mag pumilit bumalik pa sa kaharian
Sabi pa
" Ha?. kaharian? Sabi ko
" Ngayon din ikaw ay makaalala !!!"
Sabi ng babae
At naalala ko na, nag flash back sa ala ala ko
Ang nangyari sa aking sa bahaghari na ako na pana sa ulo ng isang malaking lalaki na may kasamang babae. Bumagsak ako !!!
" Lola pura !!!!!! Nay !!!!.
Huhuhuhu !!!!! Buhay ako !!
NaKita ko kung sino sila! Ang tumira sa akin !!!
Nag panic ako, marami akong naisip
Nay , Ang mga anak ko gusto kong makita,
at si lucas !!!
Bakit ngayon lang nyo sinabi to ilang taon na !!??
Naalala ko na lahat. Bakit ????
Bakit nyo nagawa kunin yun ?" Ang mga ala ala ko !!!!
Sabi ko sa kanila.
"Luisa, makinig ka muna kay lola pura mo anak"
Sabi ni nanay
" Luisa, namatay ka sa kaharian,. tinawag ni lucas ang Diosa at nag makaawa ito.
Na buhayin ka Pero dahil sa doon ka na putolan ng hininga sa bahaghari
wala itong Magagawa dahil ito ay hindi na sa kanya.
" Pero sinabi ng Mahal na Diosa ikaw ay ma bu buhay pa sa lupa kaya kailangan ibalik ang katawan mo sa lupa, kaya ka nandito at kinuha ang alala mo para hindi ka mag pumilit pa pumasok sa kaharian dahil kapag pumasok ka baka kalansay kana sa pagpasok mo pa lang sa portal o lagusan. "
At ng ilabas kana sana namin dumating ang diosang itim ng bahaghari,
Ikaw ay nka pitas ng bulaklak na itim sabi nito at nadala mo ito dahil hawak mo parin ang bulaklak at nailabas mo ito sa bahaghari.
Ang bulaklak na itim ay may kaakibat na isang hiling...babawiin ng Diosa itim ang bulaklak na itim kapalit ng isang hiling..
At si haring Lucas ang humiling nito.
At hiniling nya na ikaw ay mabubuhay uli sa kaharian"
Ito ay tinupad ng Diosa pero si haring lucas ay magkakaroon ng pagsubok.
Na kung gusto nyang mabuhay ikaw sa kaharian dapat
Sya ay pupunta sa lupa bilang isang ordinaryong tao,
At dapat wala rin syang maalala sa misyon nya.
Walang naalala si lucas kong ano sya luisa,
At kailangan sa limot nyang ala ala
dapat ay iibig sya sa iyo dito sa lupa.
Yun ang misyon ni haring lucas sa lupa, dapat iibig sya sa iyo, dapat sabihin nya ang katagang
" Mahal kita luisa "
" Si lucas !!!!! nakita ko sya!!, sya ang doctor sa hospital na ina assist ko !!!!
Natagpuan ko na sya nay !!lola pura !!!
Kung na pa ibig ko sya nuon gagawin ko rin ito ngayon !!! Determinadong sabi ko
" Lola pura, gusto ko makita ang mga anak ko at mayakap sila" sabi ko
" Anak alam mo bang parating pumunta sila dito ang mga anak mo .
hindi mo sila makikita minsan nga pag tulog ka minamasdan ka nila ta yumayakap sila sayo.
Mga mababait ang mga anak mo luisa, at dalaga na sila." Kwento ni nanay
Lalo akong na sabik sa kanila
" Sige babalik ako dito at isama ko sila ang kambal mo"
Kasi nagsasanay ang mga prinsesa mo sa kaharian luisa." Sabi ni lola pura
" Naku gusto kong mayakap na sila"
Sabi ko
" Luisa umaasa kami na maka balik ka sa kaharian ang lungkot na wala ang reyna at hari. Sa ngayon si amang hari at inang reyna ang namamahala sa kaharian ngayon"
Sabi ni lola pura
" Oo lola pura, gagawin ko ang lahat mapa ibig si lucas, may pa doc luke ka pa lucas ha ikaw pala yan. Bukas na bukas din kikilos na ako" sabi ko
Lola pura salamat talaga ha. Kayo na bahala sa mga anak ko doon.
E kumusta mo nalang ako sa amang hari at reyna at kay lolo andro at salem.
Miss na miss ko na sila"
Umalis na rin si lola pura, at bumalik kami ni nanay sa bahay.
Nay, salamat din sa lahat pasensya na at napasigaw ako kanina ang sakit na kasi sa dibdib nay at gulong gulo ako.
Sabi ko kay nanay
" Luisa, ngayon alam mo na, wag kang totong tong sa lagusan, baka kalansay kana babalik dito. Yan ang inawasan namin lahat dito.
Sabi ni nanay.
" Kaya pala siguro minsan nay, nawawala kayo dahil bumisita kayo sa kaharian nay ano?
Tanong ko
" Oo anak, minsan, miss na miss kasi namin ang kambal ang gaganda ng mga apo ko anak.
At ang mga lambing. Kaya itong si tatay mo hindi yan namamasada ng pagka hatid mo ay uuwi na yun at ayun parang ginawang tahanan nalang ang kaharian. Pati mga kapatid mo rin.
Kwento ni nanay.
Ahh kaya ala nawawala kayo ....
" Ngayon alam ko na ang lahat, gagawin ko lahat para ma buo ang pamilya namin ni lucas.
Naku nay !!! Ang ina ni alura at ama nya yun nakita ko sa bahaghari hari ! Sila ang nag plano at ng halina sa aking isip nuon na pumunta duon "
Sabi ko kay nanay
At na nag alala ako kung ano plano pa nila
" Oo luisa, alam na nila sa kaharian ,
nag tatago na sila anak ang alam ko ay wla na sila doon at sa kaharian nila sa kabila wla narin sila doon at hindi na sila maka pasok pa doon. Kaya wag kang mag alala." Sabi ni inay.
" Nay, wag mong sabihin sa mga kapatid ko ha na alam ko na, na naka alala na ako si tatay lang ang sabihan mo para hindi na malungkot si tatay.
Yung, mga kapatid, bibiruin ko yung dalawang yun !! Ang galing rin nila almost 5 yrs din tinago
Ang galing din umarti ah..haha.
Sabi ko
" Oo luisa parati kasi namin yung sinasabihan, kaya nga secreto binibigyan ni lola pura ng kwarta yan para iwas iwas at mag shopping na lamang baka may masabi yung dalawa sayo"
kwento ni nanay
" Hahaha ang galing din ha" sabi ko
Sige na nay at dadating na ang mga iyun.
At nay pupunta lang muna ako ng mall may bibilhin ako. Mag sha shopping ako ngayon !
sabi ko pa
" Aba ! Aba! Sa wakas mag mall kana,
Masaya ako sa iyo anak, hayaan mo at pasasaan rin ay maging masaya kana rin."
Sabi ni nanay at niyakap nya ako
" Kita ko sa mukha mo anak ang dating luisa, na positive lang at puno ng pag asa."
Sabi ni nanay
" Nay , wala akong pera alam mo nayun nay," sabi ko
"Anak, ito ang card para sa iyo talaga to
Bumili ka ng kahit anong gusto mo simula ngayon hindi na kami mag kunwaring walang pera, masagana naman ang negosyo natin. Tapos alam mo ba anak
Nuon graduation mo may binigay ang hari at reyna kaya lang hindi ko mabigay sa iyo dahil hindi namin alam kong paano.
Halika tingnan mo nasa kwarto namin yun tinago ni tatay mo.
Nasa ilalim ng kama namin.
Kinuha ni nanay ang isang plastic sa ilalim ng kama nila, at kinuha sa loob ang isang box.
Isang ginto box at may laman pa sa loob
" Heto Luisa regalo ng mga manugang mo sa iyo" inabot ito ni nanay sa akin
" at binuksan ko ito Mga dyamanti po ito nay! " Sabi ko
Baka bigay nila ito sa atin para may magagamit tayo, habang nandito ako.
" Ikaw na mag tago nyan anak kung ano gagawin mo dyan. May pera pa naman kami.
Naku si lola pura mo binigyan din kami." Sabi ni nanay
" Naku ananhin ko pa mga pera nay kong ang gusto ko naman talaga ay maka balik sa mga anak ko." Sabi ko
Pero sa ngayon kailangan ko ito nay.
Sabi ko pa
" Luisa, tayo na sa baba dumating na sila tatay mo at kapatid mo" sabi ni nanay
" Sige nay, at aalis narin ako,. papuntang mall.
Sabi ko
" Mano po tay, ah aalis mo na ako.may bibilhin ako sa mall" sabi ko
"May pera kaba anak?." Tanong ni tatay
" Oo tay binigyan na ako ni nanay" sabi ko
" Ate mag mo mall ka na !!!! Gusto mo samahan ka nami ? Sabi ng kapatid ko
" Wag na, pahinga nlang kayo dyan."sabi ko
" Nak ihatid nalang kita doon? Sabi ni itay
" Tay, ako nalang po. Matatagalan ako,
Gawin nyo nalang ang mga gagawin nyo dahil matagalan pa ako." Sabi ko at ngumiti ako sa kanilang lahat
Gulat na gulat ang mga mukha nila.
At umalis na ako.
Namili ako ng mga damit ko, dahil ang damit ko ay wala sa uso naka tshirt lang ako at pants. Kailangan kong sumakay sa uso dahil si lucas ay naki uso narin yung kotse nya ang gara. Tapos yung mag damit nya mamahalin tingnan simple lang sya pero ang gara nya tingnan sa bagay gwapo talaga ang mahal ko. at ang dami nagka gusto sa kanya sa hospital pati pasyenti nya ay naki landi narin.
Naku mag aalas 9 na at mag sasara na ang mall.. yung celpon ko nag ring
Si tatay pala.
" Hello tay ! Bakit po?
" Nak, nasa labas ako ng mall mag sasara na pahirapan na makasakay ngayon." Sabi ni itay
" Opo tay andyan na ako,!!!
Buti nalang ay tinulongan ako ng staff sa mall sa pag karga ng pinamili ko. Kumuha ito ng dalawang push cart.
Ayun si tatay! Kuya dito sa taxi ! Sa likod nlang ilagay ang iba kuya. Sabi ko
Salamat po kuya! At inabutan ko sya ng pera
Naku mam ang laki nito.! Sabi nya
" Sayo nayan, ibili mo ng regalo ang mama ko.
Sabi ko pa.
Pumasok na ako sa taxi ni tatay
" Nak, ang dami nya ahh ! Masaya ako anak at nag enjoy kana ! Sabi ni itay
" Tay, bukas may pupuntahan tayo ha. Puntahan nyo po ako sa hospital mga lunch time at tay gusto ko mag jeep kalang. Wag mo itong dalhin ang taxi ok ba sayo tay?
" Oo anak,.bakit saan ba tayo pupunta anak?
Bsta tay bukas nalang 1 hr lang yung break kaya kailangan tay nandoon kana tay.
Sabi ko
At nag text ako kay nanay
" Nay wag mo munang sabihin kay tatay pala dahil may surpresa ako sa kanya bukas."send!
Reply ni nanay " ok anak?"
Dumating na kami sa bahay at hindi pa pala tulog ang mga kapatid ko.
Lumabas ang ito at tinulongan pa ako labas sa pinamili ko.
" Naku pasensya na ha kasi hindi ako naka pamili para sa inyo ehh dahil sarado na mall" sabi ko
" Ate, no problem hindi na namin kailangan mamili ate, dahil marami pa naman kami bago at hindi pa na susuot ehh" sabi ni bunso
At kinurot ito ng isang kapatid ko
At natawa nalang ako, akala ng mga ito hindi ko alam ahh ehh obvious naman ang ganda ng mga selpon ng mga ito sabi ko sa sarili ko.
" Ate masaya ka ba? Nag enjoy kaba sa mall?
Tanong pa ng isa
" Medyo lang nalibang ng kunti, kailangan ko na kasi mamili dahil kailangan na kasi alam mo na yung mga damit ko napaglipasan na ng panahon at uso Para na akong manang.
Sabi ko hehe.
" Tingnan mo nga ito bunso yung relos ko, maganda ba? Gusto ko kasi kulay ginto ehh.
Sabi ko
" Magkano naman yan ate?
" Hindi ko alam, mag kano swipe lang naman to bayad ko ehh ang galing nga." Sabi ko pa
" Wow ate bumili karin ng bagong selpon?
Promax pa talaga ang galing mo rin pumili ate ahh !
" Ay naku, yan kasi phone ni doc. Bumili narin ako para match kami. Nakakahiya pala ano keypad yung fon ko hahahahha !!! Sabi ko
" Ate sino si doc? Bakit kailangan mag match kayo? Tanong ni bunso
" si doc luke crush ko yun, lalandiin ko bukas!"
Hahajajaj sabi ko
" Ha???? !!!! Ate !!!! Wag !!!
Naku at nag sabay pa ang mga kapatid ko at si tatay na sigaw
" Luisa !!! Hindi tama yan !!! Sabi ni itay
At tumawa ng tumawa si nanay
Hahahahah !! Ikaw talaga luisa hay nku!
Mga anak matulog na kayo at maaga pa kayo bukas. At si ate nyo rin may lalandiin payan bukas hahahah?. Birong sabi ni inay habang tawang tawang patungo sa kwarto nila tatay
" Hoy lorna !!! Natutuwa kapa ha !" Sabi ni tatay kay nanay
At sinundan ito sa kwarto habang inis na inis si tatay.
" Ate wag kang lalandi ha," malungkot na pag ka sabi ni bunso
" Ate oo nga dapat maging, behave ka lang. Sabi pa nang isa
Natatawa nlang talaga ako sa kanila.
At kinabukasan nag handa na ako.
Kunting make up pa bango.
At nag sabay kami lahat sa agahan.
" Wow ang ganda mo ate, ang sigla mo tingnan nyan.! "Sabi ni lorry
Talaga ba ! Sabi ko
"Tay, wag nyo nalang ako ihatid tay, basta yung sinabi ko sayo may pupuntahan tayo ha.
Oo sige anak. Wla pang alas dose nasa hospital na ako. Sabi ni tatay
Lumabas na ako kahit ma aga palakad lakad lang ako para makita ako ni doc luke lucas pala na mahal ko. Para sabay kaming papunta hospital.
Hay naku malapit na ako sa sakayan ng jeep at hindi pa dumaan nasaan kaya yun. Nag abang nalang ako ng taxi At sasakay nalang ako.
At nakita ko ang kotse ni lucas/ doc luke
At ayun sa wakas ay huminto narin si doc luke/ lucas
At ang saya ko at excited miss na miss ko nato ehh heheheh
Bulong ko sa sarili ko
At ibinaba ang bintana nito ng kotse
" Hi luisa !!!!! Sabay kana lang sa amin ni doc luke papunta naman kami ng hospital ehh"
Isang babae naka upo sa tabi ni doc luke/lucas
Si doc jane !!
Nagulat ko
Omg lumandi rin itong isa !
Sabi ko sa sarili
Hindi ako agad nka pag salita.
Si lucas nka sun glasses hindi ko makita ang mata nya.
Luisa, c'mon " sabi ni doc jane
" Doc jane thank you po, wag na kasi parating na tatay ko. Inantay ko lang sya dito." Sabi ko
At timing naman at si tatay at mga kapatid ko dumaan. Pumara ako sa kanila agad.
" Sige po doc ! Andyan na po sila" sabi ko
" Ok luisa sige bye !! " Paalam ni doc jane
Si doc jane ay mabait ring doctor sa hospital, bakit kaya sila mag kasabay at parang close na close sila. Naku patawarin mo ako doc jane.
Walang mka pag pigil sa akin.
" Nak, bakit nandoon kapa, akala ko nakasakay kana" sabi ni itay
" Ahh kasi tay gusto kong mag lakad lakad muna tay ehh "
sabi ko nalang
Dumating na ako sa hospital at nakita ko na naman silang dalawa.masayang nag usap habang nag lalakad.
" Oo ang sweet nila bagay talaga sila,
maganda rin naman si doc jane at mabait din.
Balita ko, kahapon lang naging sila dahil ito si doc jane ay matagal na palang gusto si doc luke.
Ito pa ha. Si doc jane ang nag tapat at ang sabi naman ni doc luke sige ehh wala naman akong girlfriend.
Kaya ayun iniwan ang kotse ni doc jane sa parking lot
at doon na sumabay kay doc luke. Hahaha malandi rin pala ito si doc jane iba din ang galawan hahaha!"
Nag shismisan ang mga nurse at rinig ko iyun.
Sila na pala ni luke.
Pero hindi ako patatalo ako ang asawa nya !!!!
Sabi ko sa sarili
Nag umpisa na ang duty ko at nag assist na ako kay doc luke sa operating room.
Pag katapos ng surgery. Ay lumabas na si doc luke.
Opportunity ko na to yayain ko na si do luke
" Doc like !!! saan ka po mag la lunch?"
Tanong ko
" Ahh luisa, baka tabing building lang". Sabi nya
Doc, samahan mo sa lunch kami ni tatay,"
Sabi kong walang pa kimi kimi talaga hehe
" Ha ehh bakit ako, ? Tanong nya
" Basta ikaw, samahan mo kami" demand ko
" Luisa, excuse me? Sabi pa nya
" Basta mag hintay si tatay mamaya dadating yun 12" at tinalikoran kuna sya bumalik sa operating room.
Alam kong hindi yun maka tanggi,
nakalimotan man nya ako pero hindi ng puso at katawan nya. Alam ko yun dahil ganun din ang naramdaman ko nuong hindi ko pa naalala sya.
Pero yung halik nya ayy may laman yun. Kailangan lang ay parati kaming mag kasama
Dahil may body language kami.
Alas dose na at lumabas na ako. Si tatay ayun nasa labas na.
Pupuntahan ko sya
" Tay, buti at nandito kana, " sabi ko
Si doc luke lumabas narin, palapit na sa amin
Si doc jane lumabas, parang tinawag si luke
Naku lucas dali nah.
At bumalik ang tingin sa amin si lucas/luke
" Tay, may pa kilala ako sayo si doc luke "
Sabi ko
Ayan tay palapit na sya
" Luisa, kasi si jane maki pag lunch sya,"
sabi nito
" Doc luke si tatay ko , tay sya si doc luke"
Pag pakilala ko
Na shock si tatay pag kita nya kay luke.
Niyakap nya si luke ...
At parang tuwang tuwa si tatay
" Hi po sir " sabi ni luke kay tatay
" Luke? Baka mo? Kumusta ka? Masayang masaya akong makilala ka doc.
Sabi ni tatay.
" Tayo, na doc may pupuntahan tayo. " sabi ko
"Luisa, kasi si" sabi nya at hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya
" Doc luke, gusto ko ikaw pumili sa kotse ni tatay, dahil magaling ka pumili," sabi ko
At dahil dyan eli libri kita doc luke ng lunch kahit saan. " Sabi ko
At agad kong tinungo ang parking lot kung sa naka park ang kotse nya
" Dali na kayo!!! Sabi ko sa kanila
Natatawa ako sa pinagagawa ko hahaha!
At si luke/ lucas sumunod lang talaga.
Yung mukha nya naka tingin kay doc jane habang palakad sumunod sa akin hahaha
Yun ang sabi kong body language.
Akin ang katawan at puso nya
kaya lang wla sa isip nya.
Heto na at pumasok na kami ni itay sa kotse nya.
Hahahaha.....
Habang nasa loob kami sa kotse ni luke ni tatay
Nakita ko si doc jane patungo sa amin at sinabihan ko si doc luke na umalis na agad dahil 1hr lang ang breaktime ko.
Kaya agad itong pina andar at mabilis kami naka labas hindi nya na nakita si doc jane na papalapit.
Sabihin ng masama ako, pero para sa mga anak ko to ta kailangan kung mabuo ulit aming pamilya at para sa kaharian ...
Dumating kami sa isang malaking kumpanya ng mga saksakyan, at bumaba narin kami.
" Anak luisa, bakit tayo narito? " Tanong ni tatay
" ito yun tay , Pipili tayo ng bago sasakyan tay, wag na kayong mag taxi hindi naman kayo pumasada ehhh..
inihatid nyo lang naman kami sa school" sabi ko
Nagulat si tatay sa sinabi ko , at ako medyo natawa haha. At hindi na sya nka pagsalita, parang nag dududa na sya akin
Hahahah???