Episode 4

5000 Words
Si reyna alura naman ay walang problema sabi ni Salem mabait daw ito at walang mga tanong . Umaalis alis rin din naman daw ang reyna hindi rin daw nila alam kung saan nag pupunta ito . Parang magkaibigan lang daw ang turingan nila ng hari nagkita kita lang sila tuwing kainan. 2 weeks na ako dito sa mundo ng mga engkanto pero ang bilis lumaki ng tyan ko pra manganganak na ako sa laki nito. Isang araw bigla nlang ako nakaramdam ng pananakit ng tyan. At nilagnat ako at giniginaw Walang magawa ang doctor sa kaharian, hindi tumatalab ang kapanyarihan nila dahil nga ito ay sumpa. Kaya nag pasyahan namin umuwi sa lupa. Sinabihan ko si lucas sa isip na dapat walang makakita sa aming pag labas 'Lucas, mahal ko hindi ko kakayanin ang sakit, kailangan ko ng mag pa ospital sa amin. Pupunta kami sa lupa ngayon na .." Mahal ko, ipag utos mo na walang guardya sa dadaanan namin para hindi kami makita mahal ko.." sabi ko kay lucas sa isip ko Kaya nag utos si haring lucas sa buong kaharian na lahat ay pumunta sa palasyo Kahit walang kwenta ang pag tipon2x ay ginawa nya para walang maka pansin sa amin. Nahirapan din akong Mag lakad kaya isinakay ako sa chariot yung bang may dalawa o apat na kabayo sa unahan. Biglaan ito kaya buti nalang at tahimik ang daanan namin At kaming lahat lumabas patungo sa lupa kasama namin si Salem, haring andro at lola pura at lamban bilang look out namin . Pag labas namin duon sa likod ng puno ng mangga kasama ang mga kabayo sa chariot. Narinig ko ang mga kapatid ko na gulat na gulat ang boses ng mga Ito ... " Nay nay !!! May kabayo ! " Sigaw ni bunso At Lumabas si lola pura sa chariot " Kami ito mga apo, nandito si luisa! " Sabi ni lola pura Lumabas narin sina Salem at haring andro " Anak ! Luisa !" Sigaw ni nanay Umiyak ng makita ako nakahiga sa loob " Luisa, anak ang payat mo" umiiyak nadin si tatay Kinarga ako ni tatay at ipinasok sa bahay namin hinang hina na ako. " Tay, masakit ang tiyan ko" sabi ko " Anak kailangan sa hospital nalang tayo" sabi ni tatay Agad pina andar ni tatay ang saksakyan nya Pumunta kami ng hospital kasi evry 10 minutes sumasakit na ito. Nagulat si tatay ng pag labas nya sa gate namin ay emergency hospital na kami.. Si lola pura ang gumawa nuon Hindi nalang nag isip si tatay at kinarga na ako palabas ng saksakyan " Anak, manganganak kana " sabi ni nanay " Hindi nay mag two weeks palang ang tyan ko" sabi ko " Anak, ano ba mag sampong buwan kana nawala dito." Sabi ni nanay " Oo luisa, iba ang oras natin sa lupa" sabi ni lola pura Eni ultrasound ang tiyan ko. Dahil sa napaka laki nito. " Kambal ang anak nyo po mrs." Sabi ng doctor Lahat kami naka tingin doctor dahil hindi namin inasahan ang sinabi neto Kambal pala ang maging anak ko Masaya na natakot ako kung paano ko sila ma ilabas na hindi manganib "Kaya, kailangan na ngayon operahan Dahil lumampas na sya sa due date nya, Cesarean po ito lalo na at kambal" Sabi ng doctor Pinasok na ako labor room dahil doon gawin ang operasyon. Pinalabas sila nanay at tatay lola pura salem at haring andro. Tinawag ko sa isip si lucas "Mahal ko, nandito na ako sa hospital at ilalabas ko na ang baby natin mahal, Mahal na mahal kita lucas, magkikita na tayo pagka labas ko" Pag pasok nila sa akin sa operating room at inumpisahan na nila at nakita ko nalang may nag inject sa akin At hindi ko na alam ang sumusunod na pangyayari... At sa hindi inaasahang pangyayari ay na Coma ako Oo natutulog ako ng dalawang taon, two weeks ako sa nanatili sa hospital at inuwi nila ako sa bahay. Pero kinuha ako ni lucas at doon ako naka higa sa tahanan ni haring andro sa loob ng dalawang taon. Si nanay at tatay ay pinapasok na sa kaharian upang madalaw ako. Minsan ang mga kapatid ko.. Pero secreto parin ito dumami narin ang lamban na pumanig sa amin at tumulong. Si lola pura at haring andro ang nag alaga sa anak namin ng dalawang taon .. pero tumutulong din naman si Salem at mga pamilya ko maraming na gigiliwan sa kambal naming mga babae. At isang araw nuon Nagising ako sa aking pag ka Coma na dalawang taon , Pikit pa ang mata ko, pero may naririnig na ako, Mga huni ng ibon, at na uhaw ako Dinilat ko ang mga mata at ang liwanag kaya dinahan dahan ko ulit sa pag dilat ang mga mata ko at tumayo ako sa higaan ng padahan dahan, may nakita ako tubig sa mesa kaya ininum ko ito ng mapawi ang uhaw ko . lumabas ako sa kwarto baka nasa salas lang sila Gusto ko ng makita ang mga anak ko Si lucas , at sina nanay at tatay mga kapatid ko Si salem ,Si lola pura at haring andro .. Lumabas ako sa tahanan at may narinig akong nagtawanan, parang ang saya saya Humakbang pa ako at sinundang ang mga tawa neto .... Nakita ko sila ang mga anak ko !!!! Naglalaro at nag takbo takbo sa berding berding damo at mga bulaklak nakipag laro sa mga lamban tutubi ... Ang saya saya ko , at hindi ko namalayan tumulo ang luha ko sa saya Ang laki na nila, !!! At Nakita ako ng mga anak ko !!!! At tela na surpresa ito . Tumakbo ang dalawa patungo saa akin " Mama !!! Mama!!!" At nka pag salita na pala sila Narinig ito nila at tumingin sila kung saan patungo ang kambal ko. " Si luisa !!!! Si luisa nagising na " sigaw ni Salem Nag sitakbo narin sila sa aking lahat nandoon rin dalawang kapatid ko si lola pura at haring andro. Naiyak ako sa nakita ko hindi nila pinabayaan ang mga anak ko at kitang kita ko giliw na giliw sila sa kambal alam ko mahal na mahal din nila ang mga anak ko. " Mama mama !!!" " Naku ang mga anak ko ,!!! mahal na mahal kayo ni mama mga anak, ang ganda ganda nyo manang mana kayo sa tatay nyo" niyakap ko silang dalawa " Luisa, masaya kami at sa wakas nagising kana " sabi ni haring andro " Luisa," yumakap sa akin si lola pura At si Salem " Ate , ate nag ala alala kami sayo, " yumakap nadin mga kapatid ko " Si nanay at tatay darating narin yun mamaya sinundo na sila ng mga lamban ate" sabi ng kapatid ko " Aba kaibigan nyo narin ang mga lamban " sabi ko . " Oo ate minsan nga nag lalaro kami dito o sa bahay natin " sabi pa nito " Oo luisa, dumami na kaming kaibigan mo dito," sabi ni Salem " Ay naku ang mga anak ko !, ang sarap ng yakap nyo mga anak" sabi ko at ayaw na bumitaw sa akin ng kambal Umopo ako habang kandong ang kambal ko. At pumikit ako " mahal ko nasaan ka"? Sabi ko sa isip ko " Mahal ko luisa, idilat mo mga mata mo" isang pamilyar na boses Pag dilat ko si lucas agad nya akong niyakap at hinalikan yakap namin ang aming kambal " Mahal ko lucas, ang ganda ng mga anak natin Mahal ko buti nalang ng mana sa iyo " Sabi ko " lucas mahal , Ano ba binigay mong pangalan nila mahal ko"? Tanong ko pa " Itong na isa ng brown ang mata, sya ay si lulu .... Itong isa na blue ang mata sya naman si lucia" Dba maganda ang mga pangalan nila mahal ? Kinuha ko yan sa combination ng mga pangalan nating dalawa." Sabi ni lucas " Naku ang galing mo mahal, ang ganda ng pangalan nila, lulu at lucia! Sabi ko " Mama !! mama !! " salita ng mga kambal " Papa papa " sabi din nito " Ay marunong nadin mag Papa ang mga kambal ! Tuwang tuwang sabi ni haring andro " Lolo !! lolo ando !" tawag ng mga kambal Tuwang tuwa ang lahat dahil tinawag sila ng mga ito. And daming tawa nila nuon. Giliw na giliw talaga kaming lahat. Hanggang na pagud ang kambal at nakatulog. Nag usap kami ni lucas Habang hina haplos haplos namin ang mga kambal habang natutulog. "Luisa, masayang masaya ako at nagising kana sa wakas, alam mo bang miss na miss kita " sabi ni lucas "Masaya rin ako mahal ko, lalo na at may mga anak na tayo at kambal pa. " Sabi ko "Kumusta sa palasyo? At Ang reyna mo? Tanong ko " Hindi kami nag kita isang buwan na, nasa kaharian sya sa mga magulang nya, pero sinabi ko sa mga magulang at taga palasyo na may ginawa sya sinabi ko rin na kaya ako wala dito dahil pinuntahan ko. Pero ang totoo hindi pa ako naka punta duon .. dito ako sa mga anak ko at sayo .. Laking pasalamat ko kay haring andro at tinuring nya kayong kapamilya nya mahal na mahal nila ang mga anak natin luisa gUsto ko na kayong makasama at maging pamilya tayo". Sabi ni lucas "Pero paano ang palasyo , ang reyna? Tanong ko " Hindi naman kami close, wla namagitan sa amin gaya ng sabi ko, iwan ko ba kung ano ginagawa nya sabi ng lamban ay nasa kanilang palasyo lang naman si alura. At ito pa mahal ko Sabi ng isang lamban ay lumalabas din pala si luisa sa lagusan nila sa lupa at nag anyong tao. May bahay sya sa lupa. Akala ng mga magulang nya ay nasa palasyo ko si alura pero ang totoo nasa lupa sya. At ito pa may trabaho sya sa lupa isang syang may ari ng malaking tindahan." Kwento ni lucas " Pero bakit pa sya nag negosyo doon eh mayaman naman na sya" sabi ko " Sa tingin ko may ibang rason pa ito" sabi ni lucas " Alam mo ba Luisa, sabi ni amang hari at inang reyna gusto na nilang mag ka apo .. alam mo bang gusto rin dalhin at ipasyal ni Salem ang pamangkin nya doon pero hindi ko pinayagan " Sabi pa nito " Oh bakit naman ? Ehh ok lang naman yun sasabihin lang ni salem na anak ito ni luisa okay lang yun mahal "sabi ko Mabuti narin yun at ma aliw ang mga magulang mo sa mga bata, eh apo naman talaga nila ito. Pero secreto lang muna ." Sabi ko Talaga mahal papayag ka? Tanong ni Lucas "Aba Oo naman, pag nagising tong kambal pupunta kami doon kasama si Salem" sabi ko " Edi kung ganon ay ma una na ako sa inyo at mag pa handa ako" masayang Sabi ni lucas at excited pa ito. Sinabihan ko na sila lahat na samahan kami ni Salem sa palasyo kasama ang kambal At nag handa narin si lola pura at haring andro dahil. ipakilala nya na si lola pura sa palasyo. Maya maya ay Nagising na ang mga kambal at nag handa na kami pa tungo sa palasyo. Na miss ko itong paglalakbay pa tungo sa palasyo ... At sa wakas nandito na kami sa palasyo na miss ko ang lugar kung saan ang daming kapilyahan ang ginawa ko dito dati Hehehe !!! Sabi ko lang sa isip ko At pumasok na kami at sinalubong kami ng amang hari at inang reyna At tumakbo ang mga kambal sa mga ito at niyakap sila. Tuwang tuwa ang mga ito. At kinarga ng amang hari ang kambal. Ang saya saya nilang tingnan. Naging masigla ang amang hari at saya ng palasyo sa dalawang bata na tumatawa at panay takbo2x. " Luisa ang ganda ng kambal mo" sabi ni inang reyna " Naalala ko si lucas nuon bata pa sya yung expression ng mukha nila" sabi ni amang hari At naku kinabahan ako sa sinabi nila " Talaga po mahal na hari" sabi ko At lumapit si haring andro at lula pura " Haring andro kasama kayo nila luisa?" Tanong ni amang hari " Oo mahal na hari, gusto ko sana ipa kilala sa inyo si pura kapamilya nya si luisa, at gusto kong bendisyonan mo kami na sya ay maging asawa ko" sabi nito " Oo, naman sige " Sa simula na araw na ito ikaw haring andro at pura ay mag asawa na! " Bendisyon ng amang hari sa kanila " Magandang bati sa bagong mag asawa!" Niyakap ko sa lola pura at kita ko ang saya saya nya Binati din sila ni Salem at sa mga nasa palasyo. At bumaba na si haring lucas sa hagdanan patungo sa amin "Magandang bati sa inyo haring andro at lola pura !!! Mabuhay ang bagong mag asawa!!!! Sabi ni lucas " Papa papa papa !!!!" Tumakbo ang mga kambal at niyakap ang ama nila. At nag pakarga pa ang mga ito " Papa papa" sigaw ng mga kambal Walang magawa si lucas dahil mga anak nya yun kinarga nya itong dalawa ta inupo sa upoan ng mesa. " Papa !! Papa !!" Sigaw ng sigaw ang kambal " Papa? Sabi ng ama hari " Naku anak mahal na hari nag pakamalan kang papa nila," sabi ni inang reyna naku ang walang alam ay pagkamalan talaga kayong mag ama dahil mag kamukha kayo" tuwang sabi ni inang reyna " Lulu lucia!!! Dali na kay mama" tawag ko sa mga kambal "Mama papa!! " Nag salita nanaman ang kambal " Kay gandang pangalan. Lulu at lucia" sabi ng amang hari " Naku ganito sana mga anak mo lucas kung agad mong binuntis ang reyna mo." Sabi ng amang hari Gusto ko na talaga sana maging apo ko nalang kayo, ang gagandang mga bata " sabi ni inang reyna habang yakap yakap si lulu at si lucia naman ay karga karga parin sa amang hari " gusto nyo apo nyo nalang sila ?" sabi ni lucas At nagulat kaming lahat sa sinabi nito bigla talaga akong kinabahan. " Naku kong totoo yan ay ang saya ko" Sabi ni inang reyna At may binulong si lucas sa inang reyna At lumukso ito " Talaga !!!! Totoo! !!!?" Ang saya say ng inang reyna ta niyakap ang mga kambal at hindi na ito binitiwan " Ano bang binulong mo sa inang reyna lucas" tanong ni amang hari "Gusto na nilang kumain" sabi ni inang reyna " Oo sige at magsi upoan na tayo oo nandyan na pala si reyna alura" sabi ng hari At lumingon ang lahat kai reyna alura at nag bigay galang ang lahat sa kanya Dumating si reyna alura at kabang kaba kami lahat maliban sa mga wala pang alam. At nag bigay galang kami sa at binati namin sya. " Ikaw pala si luisa ang kaibigan ni prinsesa Salem , kinagagalak kitang makilala luisa," sabi ni reyna alura " at ang kagandang mga bata, ang saya siguro mag karoon ng anak " sabi pa nito " Maupo na tayong lahat at sabay na tayong kumain" sabi haring lucas Dahil sa mga makulit din itong mga anak ko ay doon naupo sa tabi ng papa nila. Kinabahan na talaga ako. " Naku pa umanhin po sa inyo, halika kayo mga anak dito kayo sa tabi ko " sabi ko " Papa papa!!!" Salita ng mga bata " Hayaan mo na ang mga bata luisa, baka gusto talaga nila matabi ang hari " sabi ng inang reyna " Papa ang tawag nila sayo mahal na hari, parang gustong gusto kanang mga bata" sabi ni reyna Alura " Ganyan talaga ang mga bata mahal na Reyna alura, kung anong gusto yun talaga ang gagawin nila." Sabi ni inang reyna Kinabahan talaga ako sa ganap na iyun. Kaya pagkatapos din namin kumain ay nag paalam na kami. Hinagkan at niyakap talaga ng mahal na inang reyna ang mga bata. " Pwedi ba akong bumisita sa inyo ? Nasisiyahan ako sa mga bata" sabi ni inang reyna " Oo !! Opo mahal na inang reyna," sabi ko " Mahal na inang reyna sasamahan kita pag bumisita " sabi ni Salem " Abay magandang ideya yan anak prinsesa Salem" sabi ni ni inang reyna Nag pa alam narin kami Umalis na .. at talagang kinabahan ako dun. Parang may mali kay reyna alura Akala ko okay lang sya Pero iba pananalita nya at tingin nya sa akin yung mga mata nya ay parang nag salita Na sinasabing , ay naku basta , iba ang kutob ko sa kanya Napansin ko ang pagka inis nya. Hay nku ang dami kung na isip Sana ay mali lang ako sa inisip ko ... Dumating na kami sa tahanan ni haring andro at lola pura. " Congratulations po sa inyo lola pura legal na po kayo ni haring andro." Sabi ko " Naku masaya ako apo, hindi ko akalain na mangyayari pa ito sa amin sa tanda na naming ito ." Sabi ni lola pura " Lola pura alam naman nating edad lang ang tumatanda " sabi ko pa " Luisa, ngayon legal ko nang asawa ang lola pura mo mag lolo ka nalang sa akin, hindi naman ako hari na yang salita nila na haring andro ay bigay galang nalang dahil naging hari ako pero wala na iyon , dito sa loob ng tahanan natin kapamilya tayo kaya ako ang lolo dito?" sabi ni haring andro. " Naku hindi bagay po kasi bata pa po kayo" sabi ko " Eh bakit ba ako luisa tinawag mong lola , eh diba bata ako tingnan hindi ako tumatanda diba" sabi lola pura na tumawa " Eh kasi si nanay ehhh lola pura kasi yung tawag niya sa iyo heheheh" sabi ko " hahahahahahah Ayy joke lang yun, mag lola ka nalang nga" sabi ni lola pura " At pupunta tayo sa lupa para e celebrate ang pagiging official namin ni andro, isama natin si Salem " sabi ni haring andro ay ! Lolo andro pala? Pagkatapos ng aming kwentohan ay Nagpahinga na kami sa kwarto namin ng kambal ko. Pinikit ko mata at may sasabihin ako kay lucas. "Lucas mahal ko, nandito na kami at mag pahinga na ang mga anak natin ang ganda nilang pagmasdan habang natutulog. Alam mo ba mahal ko. Kinabahan ako kanina. Lalo nat dumating si reyna alura. Alam mo ba napansin ko. Nakita ko talaga sa mata nya inis na inis sya kanina. " Iba ang tingin nya sa akin, ramdam ko hindi ito maganda . Sana lang ay nagkamali ako ako sa iniisip ko. Pero kitang kita ko sa mata nya. Ay iwan ko ba mahal .... Eh ngayon mahal ko nandyan ba sya, nag usap ba kayo ngayon mahal? Cge mahal matutulog na ako ha Mahal ma mahal kita mahal ko... At napansin kong May isang lamban pumasok sa kwrto. " hi Luisa, ! ako si bela kung may kailangan kang ipag utos ay utosan mo lang ako ha" sabi nito " Talaga ! , Nku ang saya naman pero makapagtiwalaan kaba ? "" Tanong ko " Opo luisa, pwedi mo akong mapagkatiwalaan" Sabi pa nito " Eh kasi hindi ako maka tulog, pwedi mo bang tignan sa palasyo kung anong ginagawa ni haring lucas" pag uutos ko kay bela na isang lamban " Ngayon din po luisa " At lumipad na ito .... Mas madali nya magagawa ito at makita dahil maliit ito at nakakalipad ... Naka idlip ako ng may Gumising sa akin " Luisa ! Luisa !" Tawag ng maliit na tinig Si bela pala ang lamban " Luisa, galing na ako doon, nakita ko si haring lucas" sabi pa nito " Talaga? Eh ano ba ginagawa nya ngayon? tanong ko "Nasa veranda sila" sabi nito " Bakit sila bela? Ehh sino sila?" Tanong ko " Ang reyna alura at haring lucas, ang saya nila doon at may ini inum sila, kaya ako natagalan dahil nakinig muna ako sa kanila dahil ang lakas ng tawanan nilang dalawa, gusto kulang kasi malaman bakit sila nag tawanan ehh" sabi ni bela " Eh ano bang ini inum nila, pwedi e kwento mo nalang ang nakita mo at na dinig mo ? Sabi ko "Nakita ko pumasok si reyna alura sa silid ni haring lucas na may bitbit na buti at dalawang baso, patungo ito sa veranda (teres) sa silid ni haring lucas kasi nandoon kasi sya para nag antay sya sa reyna doon, ayun nilagyan ng inumin ni reyna alura ang baso at tag isa sila nito at nag kwentohan sila at ang saya saya nila. Hindi ko marinig ang usapan kaya lumapit ako para marinig sila at ito ang narining ko Ang sabi ni reyna "kung makakatikim kalang lucas, baka makalimutan mo na ang lahat." At tumawa silang dalawa at ang sabi naman ni haring lucas" wag mo akong subukan baka matigil nayan ang pa alis alis mo" at tumawa nanaman silang dalawa. At bigla naging seryoso ang kwentohan nila sabi reyna alura " Gusto kong mag ka anak na tayo para maging pamilya na tayo mahal na hari ko" yan ang sabi ni reyna alura At sinagot sya ng hari na " bakit ka biglang nag ka interest? Akala ko ba wala lang ito sayo, ginalang mo lang ang mga magulang mo kaya ka sumang ayun sa kasunduan na maging asawa at reyna ko Tanong ni haring lucas " Oo nuon yun haring lucas , pero napa isip ako asawa kita at akin ka at iyu ako oo may minahal ako dati pero nag asawa narin sya kaya hindi ko na sya inisip. Akala ko wala akong naramdaman sayo. Pero nung tawagin ka ng mga bata na papa, nasaktan ako. Akin kalang lucas dahil asawa mo ako. Ako ang reyna sa palasyo at reyna mo Kaya bigyan mo ako ng anak gusto ko nang magka anak sayo" yan sa ang sabi ni reyna alura at uminom ng uminon nalang ang hari at hindi naka pag salita na ubos na ang laman ng buti at parang na antok ang hari kaya inalalayan sya ng reyna patungo sa kama nito hiniga nya ito at hinalikan nya. At hindi ko na kinaya at nakita ko kaya umalis nalang ako." Kwento ni bela Nag alala ako sa narinig ko " Salamat bela sa kwento mo. Tatawagin kita kung may ipagawa ako sa iyo" sabi ko sa kanya Lumabas ako sa silid at buti nalang ay hindi pa natulog si lola pura "Lola pura, pwedi bang maka suyo sa inyo" sabi ko "Oo naman luisa, bakit ba anu iyun?" Tanong nya " Pwedi po bang samahan nyo po ang mga anak ko sa silid May titingnan lang po ako sa palasyo lola pura " sabi ko At umalis na ako dali dali ako lumabas at tinakbo ang palasyo. Gusto ko lang ma confirm kung totoo ang narinig ko kay bela. Nasa palasyo na ako at sa likod ako dumaan. Hindi na ako pinansin ng mga gwardya dahil alam naman nila ng matalik kung kaibigan si Salem. Umakyat ako at kumatok sa silid ni Salem. Pero walang bumukas kaya pumasok nalang ako at binuksan ang malaking cabinet sa secretong daan patungo sa silid ni lucas hinawi kung ang mga damit at binuksan ang pinto inakyat ko ang maliit na hagdan. At nasa library na ako sa silid ni lucas sisilipin ko muna sa pinto at may sinadyang butas naman ito ehh. Sumilip ako dito at nakita ko si lucas nakahiga sa kama at may kamay na naka yakap sa kanya Si reyna alura !!!! Nanginginig ako sa nakita ko parang nanghina ako at umatras ako pabalik secretong hagdan at tinalikod ko pabalik ang isang malaking lalagyanan ng libro at nasa hagdanan na ako at pag hakbang ko pababa nawala ng lakas ang tuhod ko hinang hina na ako. Kaya na pa upo ako sa hagdan at naka sandal nawalan ako ng malay hindi ko alam kung ilang oras akong ganun nakatulog ako doon. Nanaginip ako na tinawag ako mga anak ko " Mama mama mama!!!!" Nagising ako at naalala ko si lucas hindi nya tinupad ang pinangako nya sa akin. Hindi ko alam kong maniniwala pa ako sa kanya!! Pinikit ko ang mga mata kung tinawag ko sya " Lucas!!!! Hindi na ako maniniwala na sayo!!! Alam mo bang nakita ko kayo ni alura sa kama mag kayakap habang natutulog!!!! At umiiyak ako ng iyak Hanggang nahina na naman ako at naka tulog .. Ilang oras ulit at nagising na naman ako At lumabas na ako cabinet sa silid ni Salem. At nagulat si Salem dahil nakita nya ako lumabas doon. "Luisa !!! Kailan ka pa dyan ? Pumunta dito si lola pura at haring andro dahil hindi kapa daw umuwi nuon isang araw pa. Si haring lucas ay hinanap ka din. Ako ngayon lang ako bumalik dito sa palasyo dahil tumulong ako sa pag ikot. Umuwi lang ako dahil magbibihis". Kwento ni salem na labis ang pag alala " Ilang oras ba ako nawala salem?" Tanong ko Nuon isang gabi pa hindi kana bumalik kina lola pura at pumunta sila sa lupa sina lola pura at sinama ang bata." Ano ba ang nangyari sa iyo luisa? Tanong nya " Nawalan ako ng malay sa hagdanan at nyayon lang ako nagising, pasensya na luisa. sige luisa aalis na ako ma iwan na Kita" madali akong umalis sa palasyo at tumakbo ako sa lagusan uuwi na ako sa amin sa lupa. Narating ko na ang aming likod bahay " Nay, tay !! Lola pura !!!" Tawag ko " Luisa !!!! Luisa "sigaw ng nanay tatay lola pura " Ate anong nangyari sa iy0??? " Anak, saan ka galing alalang alala na kaming lahat. " Mama !!! Mama!!! Sigaw ng mga anak ko Niyakap ko sila at hindi ko mapigilan humagolgol sa iyak. Iyak ako ng iyak pati sila umiiyak narin. " Nawalan ako ng malay sa secretong hagdanan sa palasyo at walang nakakaalam na nandoon ako."kwento ko sa kanila " Lola pura, lolo andro salamat po sa inyo, hindi ko po mabayaran ang utang na loob ko sa inyo." sabi ko " Ano ba luisa hindi kana iba sa amin," sabi ni lola pura " Oo Luisa, mahal ka namin at ang mga anak mo" sabi lolo andro " Siguro ay dito lang muna kami ng mga anak ko po, kasi mag 4 yrs. Old na sila dito ipapasok ko pa sila sa nursery." Sabi ko " Oo sige pero dalaw dalawin ninyo kami, malulungkot kami tahimik na nman ang tahanan natin doon" sabi lola pura Lola pura may nakatira po ba sa bahay nyo? Tanong ko Wla naman luisa" bakit? Tanong nito Gusto ko munang lumayo" " At nay tay, nasasaktan na ako, tumalab na sa akin ang sakit sa dibdib, at ng hina ako sa nakita ko kaya ako nawalan ng malay. Nakita ko sila magkatabing natutulog sa kama ni lucas at nagyakapan pa, kaya please lang ihatid nyo kami sa bahay ni lola pura." Nag maka awa ako sa kanila dahil ayokong makita si lucas at alam ko anumang oras dadating yun . " Ok sige, tayo nah. " Sabi ni lola pura " Teka lang kong ganun sasamahan ka namin anak" sabi ni tatay " Aalis tayong lahat dito" " Oh sya sige ako ng bahala dito sa mga taniman nyo may mga taohan naman kayo ako bahala dito" sabi ni lola pura At agad lahat kami ay nasa bahay na ni lola pura dahil nga may kapanyarihan sya. Ang saya ng mga anak ko dahil maganda ang bahay ni lola pura at ang ganda ng paligid at maraming tanim. At ang ganda ng mga damo at bulaklak para rin namang nasa kaharian kami. Kaya lang may gabi sa lupa sa kaharian walang dilim puro liwanag sa kaharian. Alam ko sa mga oras na ito si lucas ay nasa bahay na namin. Hinahanap nya na ako. At alam na nya kung bakit ako lumayo. " Nay, tay pasensya napo kayo ha at pati kayo nadamay" sabi ko " Anak hindi ka namin pababayaan lalo na ang mga apo namin" sabi ni tatay " Oo nga na anak, kami at ang mga kapatid mo kahit ano handa kami at susuporta sa iyo" sabi ni inay "Oo nga ate kahit saan ka nandoon, doon don kami ni bunso " " Salamat sa inyo ha at mahal na mahal nyo pati mga anak ko" sabi ko "Mama, saan si papa?" Tanong ni lulu " Anak marunong kanang mag salita" sabi ko " Oo ate 4 yrs na sila kaya" sabi ng kapatid ko " Mama, dito naba Tayo titira? Tanong ni Lucia "Naku mga anak, oo dahil mag aaral kayo mag school na kayo dito , at may mga classmates na kayo at maraming kaibigan" kwento ko sa mga bata at para tuwang tuwa ito " Talaga mama !!! Maraming katulad namin Ni Lulu!? Tanong ni lucia " Oo katulad nyo kasing laki rin ninyo" Sabi ko " Gusto ko ng mag aral!!!" Sabi ni lulu " Oh sya sige at mag sha shopping na tayo !!" "Mama !! Ano yung shopping? " Tanong ng mga kambal " Anak ang ibig sabihin ng shopping ay mamimili tayo ng mga gamit ninyo, mga damit at gamit sa school " sabi ko " Ano yung mamili mama?" " Ito yung pera anak, ito ang ibigay ko para makuha ang gusto kong bagay" paliwanag ko pa At ang dami pang tanong ng mga anak ko na kailangan ko talagang sagutin at ipaliwanag dahil hindi talaga ako titigilan nito. Lahat kami nag mall nag shopping narin ang mga kapatid ko at sina tatay at nanay narin Namili narin kami ng celfon para may contact kami nila nanay at tatay kung aalis man dahil malayo talaga ang bahay ni lola pura ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD