Chapter 10

2321 Words
Ang liwanang ng sikat ng araw ang nakapag pagising sa akin mula sa pagkakatulog. May kaunting sakit ng ulo pa akong nararamdaman pero yung allergy ko parang humupa na. Nanghihina parin ako pero sinubukan kong bumangon na. Inabot ko ang ponytail na nasa side table at agad na tinali iyon sa buhok ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para hagilapin ang asawa ko pero wala akong makita. Saan sya nagpunta ng ganto kaaga? Agad nanariwa sa alaala ko ang mga nangyari kahapon. Sinuway ko si Jace kaya ako nagkasakit. At ang natatandaan ko, siya rin ang nag-alaga sa akin kagabi. Lihim akong napangiti at kinilig ng konti. Hehe,konti lang naman. Ang isipin na nag-aalala din pala kahit papano ang asawa ko sakin ay nakakataba na ng puso. Parang gusto ko na tuloy magkasakit lagi. Haha Masaya akong pumunta ng banyo at ginawa doon ang morning rituals ko. Paglabas ko ng kwarto ay saka ako pumunta ng closet kung saan andoon na lahat ng gamit ko kasama ng kay Jace. Hmmm. Pati paglagay ng gamit namin, inasikaso na rin niya. Ang sarap magkasakit pag magkakaganto lagi si Jace. Pangiti-ngiti ako habang nagpapalit ng isang off-shoulder na croptop at pinaresan iyon ng white high-waisted maong shorts. Nag-apply din ako ng light make up and light blush-on. To finish my look, nagsuot lang ako ng tsinelas para komportableng maglakad sa dalampasigan. Iwinagayway ko na lamang ang buhok ko para magmukhang simple lang tignan. Plano kong pumunta sa resto at doon na hanapin ang mga kaibigan ko. Abot-tenga naman ang ngiti ko ng masilayan sila sa isang pahabang mesa upang makita na tama nga ang hinala ko. I waved at them when they noticed me. Isa-isa ko silang bineso at ang huli ay si Froilan. "I'm sorry about uh-m y-yesterday." nakayukong pagpaumanhin ko dahil di ako makatingin sa kanya ng diretso. "Silly." simpleng tugon niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Kinunotan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya. And to my surprised, he pulled me in a warmth hug. "It should be me who's asking for apology. I'm sorry I didn't know about your allergy. How are you feeling? Okay ka na ba? Malala ba ang naging allergy mo?" sunud-sunod na tanong ang ibinato niya sa akin habang hawak-hawak ako sa magkabilang balikat. "Ahem..Gusto lang sana naming ipaalam na nandito din kami. At lahat din kami nag-aalala para kay Gail." panunukso ni Rojaina na bumasag sa seryosong mukha ni Froilan. Tumawa kaming lahat dahil dun. Napakamot naman sa ulo niya si Froilan dahil sa pagkahiya. "Thank you guys and I'm sorry if I made you all worry. I'm fine now and hindi naman masyadong malala ang pag-atake ng allergy ko--" "That's because of me. If ikaw lang, siguradong lumala yon." pinutol ako ng asawa ko at lahat kami gulat na napalingon sa kanya. Seryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin at sa mga kamay ni Froilan na nakaalalay sa siko ko. Pasimple kong hinawi ang kamay ni Froilan at awkward na ngumiti sa kanilang lahat. "Y-yeah. Thanks to Jace. Ah-ahm. He took good care of me last night before I realized that I was sick." nahihiyang pag-amin ko sa kanila. Kita ko ang mga mukha nilang parang hindi makapaniwala. Nginitian ko na lamang iyon. "So, dahil aware na kaming lahat na allergic ka dun, hindi na kami nag-order ng lahat ng pagkain na merong bangus." pagbasag ni Paula sa nakakailang naming sitwasyon. Thanks to her. Nabaling sa mga pagkain ang mga mata namin at tama nga siya, hindi tulad kahapon wala na yung relyenong bangus sa mesa kahit yung sinigang. Tahimik akong napangiti dahil sobrang swerte ko sa mga taong nandito ngayon. "Yeah. Wala na kaming inorder na may bangus. Meron pa ba? Saan kapa ba may allergy?" malumanay na tanong sakin ni Froilan. Nabalik naman ulit sa kanya ngayon ang atensyon ng lahat. Kita ko ang pag-iling nina Von, Romeo and Vicente samantalang sabay-sabay naman na nag-iwas ng tingin sina Rojaina, Paula at Alve. Tsk! Hindi ko alam kung kami lang ba ang nakakaramdam ng tensyon sa dalawang 'to at parang wala namang ideya si Froilan. "Allergic siya sa madaldal at maraming tanong. Come on, wife! Let's eat! Nandiyan na ang order." pabalang na sagot ni Jace sa kanya na ine-emphasize pa ang salitang wife. He then grabbed me on my waist and lead me to a seat next to him. Napailing-iling nalang ako sa inasta niya. Binigyan ko naman ng isang apologetic look si Froilan at ngumiti naman siya ng tipid at may pagkadismaya. "Wow! Nakakagutom ang foods. Come on guys, let's eat!" it's Rojaina trying to lighten up the atmosphere again. "Yeah, I agree. Balita ko specialty raw nila dito ang scallops. We must try their best sellers!" masiglang sinegundahan naman ito ni Alve hanggang sa magtuluy-tuloy na ang magaang usapan namin. Natapos ang breakfast na iyon ng mapayapa. Thankfully, hindi na nagkasagutan si Froilan at si Jace. Although parehas silang tahimik atleast hindi na sila nagkainitan pa. Nandito kami ngayon sa dalampasigan at naglalakad. Apat lang kaming babae dahil ang boys ay nagkasundo na mag set-up ng dinner namin mamaya. Gusto raw nilang mag bonfire sa dalampasigan. Sinadya din nilang agahan ang paghahanda para masiguradong ready ang lahat para mamaya. "Grabe teh! Ang ganda mo! Imagine, nagkakainitan ang dalawang papsie dahil sayo! " pag-oopen ni Rojaina ng topic habang tinutunton namin ang parteng likod ng Resort. "Oo nga eh! Akala ko nga talaga kanina magsusuntukan na sila. Kita ko kaya kung papano titigan ni Jace yung mga kamay ni Froilan na nakahawak sa siko mo! Gaaad besh akala ko mapuputulan na ng kamay si Froilan kanina eh!" sang-ayon naman ni Alve. "Haaay naku! Exaggerated naman kayo kung makapag-react. Hindi gagawin ni Jace yun, 'no!" sagot ko sa kanila na parang hindi rin naman nila pinakikinggan. "Tapos yung panghahawak niya sayo at sa bewang mo na parang pinapaalam niya sa lahat na asawa ka niya! Nakuuuu, kahit kinakabahan ako sa tensyon kanina ay hindi ko din mapigilang wag kiligin!" patiling komento naman ni Paula na nagpainit ng pisngi ko. Actually, ako rin beasht! Kinilig din ako. Waaaah! "Nakuuuu! H-hindi ah. Walang ibang ibig sabihin yon 'no! Pwede ba, tumigil na nga kayo." pagsaway ko sa kanila sabay upo sa isang malaking bato na nakaharap sa dagat. Ipinikit ko ang mga mata ko at ninamnam ang simoy ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Hinayaan ko ang paa kong maabot ng mga alon ng dagat. Ang sarap pakinggan ng payapang huni ng magkahalong tubig at hangin. Nakaka-relax ng sobra. "Asus! Parang di ka kinilig teh ah! Nakuu! Sa nararamdaman mong yan na patay na patay ka sa kanya eh kahit nga siguro tignan kalang niya, umiihi kana sa kilig yun pa kayang parang ipinagdadamot ka niya dun kanina?" panunukso ni Paula na sinang-ayunan nilang lahat. Maya-maya pa'y ginaya rin nila ako at sabay silang napaupo sa tabi ko. Sinundot-sundot pa ako ni Rojaina sa gilid ko at sabay-sabay silang naghiyawan pagkatapos. "Aiyeeee! Aminin mo na kasi! Kinikilig ka din." panunukso niya na lalong nagpaingay sa amin. Napailing nalang ako sa pagkantiyaw nila sa akin. "Tumigil na nga kayo baka mamaya eh may makarinig pa sa inyo." pananaway ko sa kanila. "Asus! Eh ano naman? Mag-asawa naman kayo, 'no! Umamin ka muna samin! Saka lang kami titigil." pangungumbinsi naman ni Alve. "Oo na, oo na! Kinilig na ako. Syempre sino ba namang hindi? And..alam niyo naman kung gaano ako ka loyal na asawa kay Jace. Kahit saktan pa nga siguro niya ako ng paulit-ulit, mamahalin ko pa din siya." pagsuko ko sa kanila. "Hoy, dzaii! Hindi na loyal ang tawag sa iyo. Masokista kanang asawa! Eh parang mas trip mo yatang sinasaktan ka pa ng paulit-ulit eh!" pambabara naman ni Rojaina na ikinatahimik ko. Yeah! Maybe she's right. Ilang minuto akong nanahimik dahil dun sa sinabi ni Rojaina. Parang napansin naman agad nila iyon kaya pare-parehas silang nanahimik. Hanggang sa inumpisahan kami ni Paula sa pangungulit. Binasa niya kami isa-isa kaya lahat kami napahiyaw sa gulat. "Hoy, andaya! Paula,my God ang chanel na tops ko!" kunyari'y pag-iinarte ni Alve. "Sana all my Chanel,haha! Hubarin mo na kasi yan at maligo nalang tayo hangga't di pa masyadong mainit." suhestiyon naman ni Rojaina na medyo naiilang pa dahil sa sinabi. "Oo nga, naman! Come on, guys! Sulitin na natin ang bakasyong 'to!" pagsang-ayon naman ni Paula. Hinila niya kami isa-isa hanggang sa mapatayo kaming lahat. "Whoa! Easy, Pau! Eto na maliligo na. Wag nang manghila." natatawang aniya ko sa kanya. Dahil dun, sabay-sabay naming hinubad ang mga damit namin at tinira nalang ang aming mga bikinis. Yeah, lahat kami nakabikini sa loob ng mga damit namin. I am wearing a black two-piece bikini na string strap. Nakabuhol iyon sa bandang likuran ko at sa batok. While Alve is wearing a tube red-two-piece bikini na lalong nagpatingkad ng pagka mestiza niya. Si Rojaina naman ay naka yellow na two-piece ngunit skirt yung pang-ilalim. Paula on the otherhand ay naka apple green na deep U-shape one-piece. Lahat kami ay may taglay na kagandahan ng katawan, hindi man sa pagmamayabang. Lahat kami ay masasabi kong sexy. Parehong malaman si Alve at Rojaina pero yung katamtaman lang. Tama lang sa height nila. Samantalang kami naman ni Paula ang medyo hindi nabiyayaan masyado sa usapang heights. Sabay-sabay kaming tumalon sa tubig nang magkakahawak ang mga kamay. Ang maiingay na pagtatampisaw namin sa tubig at mga halakhak ang pumuno sa parteng iyon ng resort. Nagkatuwaan kami ng mga kaibigan ko at nagtampisaw sa tubig na parang mga bata. Hindi alintana ang sikat ng araw at ang oras. Naghahabulan kami at kasalukuyang ako yung taya. Hinahabol ko si Paula dahil siya na lang ang hindi pa nagiging taya sa amin. "Hoy, Gail! Tama na yan! Balik na kayo dito ni Paula! Kami nalang habulin mo ditoooo!" sigaw ni Alve na hindi ko pinansin. Ayoko siyang lingunin dahil baka makaligtaan ko itong si Paula at matakasan ako. Malapit na kami sa mga malalaking bato at hula ko'y doon siya magtatago atsaka ako ililigaw. "Oo nga, Gail! Baka delikado na sa parteng yan! Bumalik na kayo dito. Magpapahuli na ako sayo!" segunda naman ni Rojaina na hindi ko pa din pinapansin. Itinuloy ko lang ang paglalangoy at hindi nga ako nagkamali. Sa mga bato niya planong pumunta. Mas lalo kong binilisan ang paglangoy ng makitang malapit na siya sa batohan. "Girls, nandito lang pala kayo! Tama na muna yan at kumain na muna tayo. Lunch is served." rinig kong boses ni Froilan. Medyo malayo kami sa kanila pero sapat na marinig ko ang boses nilang hindi naman kahinaan. Kumapit ako sa isang malaking bato bilang suporta sa pag-ahon ko. Hinihingal akong umupo doon at inirelax ang likod ko. Gaaad; Ngayon. pa lang ako nakakaramdam ng pagod.Haaaaysss! "Naku, buti nalang dumating ka! Ayun ang dalawa sa malalaking bato, naghahabulan pa rin." rinig kong sumbong ni Alve kay Froilan. "Gail?Paula? Balik na kayo dito! Kakain na." pagtawag sa amin ni Froilan. "Coming!" sigaw ko pabalik sa kanila. "Pau, come on! Balik na daw tayo!" pagtawag ko kay Paula na hindi ko alam kung saan nagtatago. "Gail,help! Pinupulikat ako." mangiyak-ngiyak na tawag sa akin ni Paula sa medyo mababang boses. "Ha? Where exactly are you? Pupuntahan kita. Kumalma ka lang. Hihingi tayo ng tulong sa kanila." kalmadong sagot ko sa kanya kahit ako mismo'y kinakabahan na. Medyo malayo-layo kami sa kinaroroonan nilang tatlo at kung hihintayin pa namin sila, baka hindi na umabot kaya dali-dali nalang akong lumusong ulit sa tubig upang hanapin ang kinaroroonan niya. "I'm...I'm h-here..s-sa likod ng pinakamalaking bato na makikita mo. Bilisan mo Gail, hindi k-ko na ka..ya.." pahina nang pahina ang boses na aniya. Mas lalo naman akong nataranta dahilan upang doblehin ang bilis ng paglangoy. Medyo malapit lang sa akin ang sinasabi niyang kinaroroonan niya. Nang sa wakas ay makalapit ako, agad kong nilibot ang paningin ko upang hanapin siya. Nakita ko siyang hirap na hirap na nakakapit sa tulis ng isang bato habang namimilipit sa sakit. Wala akong sinayang na oras at agad na lumapit na sa kanya. ”Pau!" tawag ko sa pansin niya. Tinignan niya ako at parang nakahinga siya ng maluwag nang makita ako. "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya ng makalapit. Inalalayan ko siyang makaupo sa pinakamalapit na batong pwede naming mapwestohan. Chineck ko rin ang mga paa niyang pinulikat dahilan upang mapa-aray siya. Agad ko siyang binigyan ng first aid since may alam naman ako dito. I'm underboard in Ob Gynecology kaya basic lang sa akin ito. I straighten her legs and I stretched it. Narinig ko ang mahihinang daing niya dahil dun. Pinagpatuloy ko ang ginagawa at pagtapos minasahe ko iyon para magrelax ang mga muscle niya and gumanda ulit ang flow ng dugo niya. Nang medyo naminimize na ang sakit, inalalayan ko si Pau upang makalangoy kami pabalik sa aming mga kasama. Ngunit hindi pa kami nakakalayo ay aksidente akong napunta sa medyo malalim na parte sa bandang iyon. Hindi ko iniexpect ang pangyayari at dahil na rin sa hindi namin kabisado parehas ang lugar kaya hindi agad ako nakabawi. Naramdaman iyon ni Pau dahil sa magkahawak naming mga kamay kaya niya ako nilingon. I forced a smile and signaled her to continue nang akmang babalikan niya ako. Nakita kong mas binilisan niya ang paglangoy pabalik sa dalampasigan upang makahingi siguro ng tulong. Unti-unti kong nararamdaman ang pagbigat ng katawan ko. Pinipilit kong iahon ang katawan ko pero parang lumulubog lang iyon lalo. I even tried my best to float but I failed. Hindi ko man lang magawang maiangat ang katawan ko. Rinig ko ang pagsigaw at paghingi ng tulong ni Pau sa mga kasama namin kaya hinayaan ko nalang ang sariling pumikit. They'll come to rescue me and I hope hindi pa ganun ka dami ang intake kong tubig dagat bago sila dumating. I finally close my eyes as I feel my heart beats so fast. Jace.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD