Nakasimangot ako habang sakay ng Audi ni Jace. Wala na kasi talaga pa akong nagawa nung sinabi niyang gusto niyang sumama.
Ayaw ko man, alam kong gagawa pa rin ng paraan ang gag*ng to para makasunod!
Parehas lang kaming dalawang tahimik habang nasa byahe. Lihim ko siyang pinanggigilan sa utak ko habang siya naman ay pakanta-kanta pa habang nagmamaneho.
“Justine..”
Naalimpungatan ako ng marinig ko ang mahinang pagtawag niya sa pangalan ko.
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at agad iyong nanlaki ng bumungad sa akin ang sobrang lapit na mukha ni Jace!!
Agad akong nag-iwas ng tingin at napapikit. Narinig ko naman ang malakas niyang tawa kaya napadilat din ako agad.
Kainis! Bakit kasi sumama pa,eh!
“Chill..Ginigising lang kita dahil nandito na tayo." sabi niya na halatang pinipigi padin ang pagtawa.
Nandito na pala kami. Hindi ko man lang namalayan ang malayong byahe.
Agad namang nadako ang tingin ko sa labas,at...
Wow! Sobrang ganda ng lugar! Parang ang sarap manirahan dito. Masyadong nakaka-relax ang ambiance.
Maraming punong niyog sa paligid. Nakahilira iyon mula sa entrance patungo sa hall. May iba't ibang desinyo ng cottages rin sa ilalim niyon na gawa sa kawayan. Parang bahay-kubo siya ngunit fully furnished ang lahat ng iyon.
Sa gitnang bahagi naman ay makikita mo agad ang isang resto na bumagay ang desinyo sa buong lugar. May pool din sa pinakamalayong gilid kapag ayaw mong maligo sa dagat.
Mabilis akong bumaba at hindi na hinintay pang pagbuksan ako ni Jace dahil hindi naman niya iyon ginagawa.
Mariin kong ipinikit ang nga mata ko at sinamsam ang simoy ng hangin. Sobrang sarap sa pakiramdam na makalabas at makapag-enjoy din kahit minsan.
Nang ma-satisfy ang sarili ay nagpasya na akong puntahan ang mga kaibigan.
Agad kong tinungo ang resto na nasa gitna at doon ko nakita ang mga kaibigan kong masasaya ng nag-uusap.
"Gail is here!" masiglang anunsyo ni Rojaina sa lahat.
Napalingon silang lahat sa kinaroroonan ko at mabilis na nagsitayuan upang salubungin ko. Isa-isa nila akong niyakap at binati.
"Yiiieeeee!" matunog na tuksohan ang tinamo namin ng si Froilan na ang naka-ambang yumakap sakin.
Napailing nalang kaming dalawa bago ko salubungin ang naka-ambang yakap mula sa kanya.
"Glad you showed up." He whispered into my ear.
"Yeah. Thanks for inviting me!" bulong ko din sa kanya.
"Ahh-mm." pekeng ubo ni Jace na nakapagpahiwalay sa amin ni Froilan.
Sabay-sabay kaming napalingon sa likod ko. Ganun na lamang ang gulat nila ng makita kung sino ang kasama ko. Ang mga nakakunot-noong mga mukha nila ay nakatuon sa akin na animo'y masasagot noon ang mga kaniya-kaniyang tanong sa isip nila.
I heaved out a sigh.
"Ahh-eeeh. Sorry nakalimutan ko nga palang uhm..sabihin na kasama ko pala si Jace. O-okay lang b-ba?" kamot ko ang ulo ko habanng nagpapaliwanag.
" Ahhhh.h-hehe. Sure! D-diba, guys?" pambabasag ni Rojaina sa katahimikan ng mapansing wala ni isa sa kanilang may balak na sumagot.
"Ah.o-oo n-naman! Hehe. T-tara, let's eat!" segunda naman ni Paula na nagpatiuna ng bumalik sa mesa.
Guilty is all over my face! Tsk! Alam kong barkada outing saana naman ito, pero heto ako at may nakabuntot na asawa!
Now, I think lahat sila ay naiinis na sa akin!
Tahimik kaming lahat habang kumakain. Si Froilan ang nag-order ng pagkain namin at karamihan sa mga iyon ay seafoods.
Katabi ko sa upuan ay si Froilan at Jace. Sa kaliwang bahagi ko nakaupo si Froilan while sa kanan naman si Jace. Katabi ni Froilan si Rojaina na katabi naman ni Vicente. Sa gilid naman ni Jace ay si Von na katabi naman si Pau. Sa harap namin ay si Alve at ang kanyang boyfriend na si Romeo.
Ramdam ko ang tensyon at seryosong ambiance sa mesa. I don't know how to break the silence kaya pinilit ko na lamang na mag-concentrate sa kinakain.
Si Froilan ay kanina ko pa napapansing panay ang lagay ng pagkain sa plato ko. Pinapakiramdaman ko naman si Jace sa tabi ko dahil hindi ko magawang lingunin ang reaksyon niya.
"Here! Try this." malambing na alok sa akin ni Froilan ng relyenong bangus.
Mabilis naman akong napasinghap ng harangan ni Jace ang akmang paglalagay ni Froilan sa plato ko kaya imbes na sa plato ko mailagay ay natapon iyon sa mesa.
Kita ko ang mga naalarmang mukha ng mga kaibigan ko. Naiilang ako sa sitwasyon at sa paraan ng pagtitigan ng dalawang lalake sa gilid ko. Nagsusukatan sila ngayon ng tingin na parehas ayaw magpatalo.
"What's your problem?" seryoso ngunit batid ang inis sa boses na ani Froilan.
"She's allergic with bangus." maiksi ngunit nakangising sagot ni Jace.
Natigilan naman saglit si Froilan sa narinig at agad ding nakabawi.
"I'm sorry, Gail.I don't know!" seryosong baling sa akin ni Froilan at isa-isang pinulot ang mga bangus na natapon.
"N-no, it's okay Froi.Hindi mo naman alam eh. And kunti lang naman." aligagang sagot ko sa kanya at mabilis na inagaw sa kanya ang hawak niya.
Mabilis ko iyong sinubo ng hindi na nag-iisip! Sa sobrang guilty ko, hindi ko na napag-isipan pa ang dapat gawin. Ang alam ko lang ay ayaw kong ma-disappoint pa lalo si Froilan at ang mga kaibigan ko. Huli na ng ma-realize ko ang ginawa ko ng tumilapon na ang kutsarang iyon sa kung saan.
"What are you doing, woman? Are you really out of your mind?!!" dumagundong ang galit na boses ni Jace sa buong restaurant.
"I-it's okay, Jace. Hindi naman alam ni Froilan atsaka konti lang naman. Pwede ba, babaan mo nga yang boses mo?" pananaway ko sa kanya at marahan siyang hinawakan sa braso dahil sa biglaang pagtayo niya.
He glared at me! Alam ko sa mga tingin niya pa lang na sobra ko siyang ginalit but it doesn't stop me for doing. Mabilis kong kinuha ang natitirang bangus sa plato ni Froilan bago iyon sinubo ng dire-diretso.
I don't know what's up to me. It's just that I don't want to disappoint him more. Alam kong kahit hindi nila sabihin sa akin, hindi sila komportable na andito ang asawa ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit siya nandito.
I heard Jace's heavy sigh na parang nauubusan na ng pasensya.
"It's okay, Gail. I'm sorry! Hindi ko talaga alam. Hindi mo naman na kailangang gawin yun. Ano ka ba?" malungkot na aniya ni Froilan at parang hindi makapaniwala sa ginawa ko.
I gave him a sad smile. I know he's been doing good for me. At hindi ko kayang idisappoint pa ulit siya kahit sa gantong kaliit na bagay man lang.
"I'm okay, really. That little amount won't do with my allergies so stop worrying, Froi." I said trying to calm him down.
Mabilis niya namang nakuha iyon bagaman parang hindi kumbinsido. Sinulyapan ako ni Jace ng masama bago niya ako hinila paalis dun.
Nagpupumiglas ako habang kaladkad niya ako papalayo sa resto ngunit sadyang malakas siya.
"Ano ba, Jace! Hindi pa ako tapos kumain! Let me go!" I shouted at him nung makalayo-layo na kami sa maraming tao.
Mabilis niya namang binitawan ang mga kamay ko atsaka ako nilingon. Kita ko ang galit sa mga mata niya pero binalewala ko iyon.
"Are you out of your mind? Really? You're not minding what might happen to you after you eat that thing just to satisfy him?" may diin ang bawat salitang binibitawan niya.
"I'm not doing this just to satisfy him, Jace! And please stop acting like a concerrned husband even if you're not! We're not in the front of your parents nor your colleagues to pretend like a perfect couple. We are here with my friends, so mind your own business and stop mending with mine!" mahabang litanya ko sa kanya bago ko siya tinalikuran.
Tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain. Inis akong dumiretso sa suite na nakalaan para sa amin.
Froilan reserved me a room at plano kong doon na dumiretso. And since hindi niya alam na kasama ko si Jace, I think magshe-share kami ng room na dalawa. I don't mind at all. Sa bahay naman magkasama naman kami sa iisang kama at kayang matulog ng parang wala ang isa't-isa.
Inis akong nagmartsa at nagtanong sa front desk kung saan ang nakalaang room para sa akin. Pagtapos kong magpakilala at makuha ang roomkeys ko ay dumiretso na ako sa room ko. Nauna na rito ang mga gamit ko dahil sinalubong agad iyon ng iilang staff kanina pagdating namin.
I found myself in a bath tub right after I entered my room. I didn't have the chance to checked the details dahil sa sobrang inis ko.
Ano bang nangyayari kay Jace? Nakakainis siya. Una, dahil sumama pa siya rito na ang plano ko'y makalayo muna sa kanya saglit. Pangalawa, yung pag-asta niyang parang isa akong sunud-sunoran na asawa na dapat lahat ng sasabihin niyang gusto niya ang masunod. At higit sa lahat, ang pagkukunwari niyang akala mo talaga ay concern siya sa akin kahit ang totoo naman ay hindi!
Ewan ko ba, pero mas nakakainis yung huli. He's giving me false hopes and I don't like it! Pinapaasa niya ako na parang totoo ang pag-aalala niya.
No, Gail! Pride niya lang iyon na nagmamalaki at para mainsulto si Froilan na alam niya ang lahat sa iyo. Remember Jace doesn't want to hurt his ego.
Tama, yun lang yun! Never nag-alala si Jace para sa akin.
Ang sakit!
Ang sakit isipin na wala siyang pakialam sa akin pero mas masakit pa rin pala kapag ipinapakita niyang nag-aalala siya kahit na hindi naman. Kahit matuwa ng konti ay hindi ko magawa dahil alam ko sa likod ng pag-aalala niyang iyon ay pagkukunwari lamang...
A small tear escape my eye. Nakakatawang isipin na parang kahapon lang, iniisip ko kung makakaya kong malayo sa kanya ng ilang araw, pero heto ako't kasama siya ngayon sa iisang kwarto at sa iisang resort.
Well, I guess wala talaga akong kawala sa kanya...at sa mga sakit na maidudulot niya.
---
"Open this d*mn door, Justine or I'll break this!!!" nagising ako sa malakas na sigaw ni Jace mula sa labas at ang pagkalabog niya ng pintuan.
Napatingin ako sa paligid ko at nandito pa rin pala ako sa bath tub at hindi ko namalayang nakaidlip pala ako sa sobrang pag-iisip.
Mabilis kong kinuha ang robang nakasabit at sinuot iyon. Ang sama ng pakiramdam ko. Para akong magkakasakit anumang oras. Siguro dahil sa pagbabad ko ng matagal sa tubig. Nanghihina ang katawan ko at parang gusto ko na lamang humiga sa kama at matulog.
Dahan-dahan akong naglakad at binuksan ang pintuan na walang tigil na kinakalampag ni Jace sa labas. Nagsalubong ang nga tingin namin ngunit agad ko iyong iniwasan. Hindi ko kayang makipagtalo sa kanya kahit makipagtitigan man lang.
Tahimik niya akong sinundan ng tingin at hindi ako inimik. Hindi ko alam kung nakikiramdam lang siya o nahalata niyang wala akong lakas para makipagtalo sa kanya.
Nanghihina akong umupo sa kama at kinuha ang blower sa drawer sa gilid ko. I immediately blowed my hair. Naramdaman ko ang paglapit ni Jace mula sa likod ko pero hindi ako lumingon. I continued what I was doing at ng makuntento ay isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng kama bago pumikit.
Aaaah! This is heaven!
Ang sarap sa pakiramdam. I didn't know na ganto kasarap ang magiging epekto niyon sa akin. Nanatili akong nakapikit at ninanamnam ang pagkakahiga.
"How are you feeling?" mahina ngunit sapat na uoang marinig ko na tanong ni Jace maya-maya.
Dahan-dahan kong minulat ang isa kong mata at hinanap ang kinaroroonan niya. Nasa harapan ko siya at nakatayo. He's in his usual crossed arms look.
He looked so d*mn hot!
Geeze! What am I thinking?
Pinilig ko ang ulo ko at muling pumikit.
"I'm fine. Thanks for asking!" mahinang sagot ko habang nakapikit pa rin ang nga mata.
"Here. Drink this." malumanay ang boses na sabi niya.
Marahan kong binuksan ang mga mata ko at mabilis na dumako ang tingin ko sa nga gamot na inaabot niya. Nakakunot-noo ko siyang tinignan.
"What? I said drink this and stop convincing me you're okay. Namumula ka." pagpapaliwanag niya ng mapansin ang nagtatanong kong tingin.
Mabilis akong napahawak sa mukha ko at ang init niyon. Ngayon ko lang din naramdaman ang pangangati ng sabihin iyon ni Jace.
Gaaad! It's my allergy! Pero kakaunti lang naman yung kinain ko. Tsk!
Kita ko naman ang pag-iling-iling niya dahil sa inakto ko na parang isang katangahan iyon.
"Stop with that questioning look and drink this!" bakas ang pinaghalong disappointment at autoridad sa boses niya.
Walang tanong-tanong kong inabot ang gamot mula sa kanya na hindi ko alam kung saan niya nakuha at ang isang baso ng tubig atsaka mabilis na ininom iyon. I feel so dizzy. Parang binabarena ang ulo ko at sobrang init ng pakiramdam ko.
Inabot niyang pabalik ang walang lamang baso at inilapag iyon sa bedside table at dahan-dahang bumalik sa harap ko. Mariin ko lang siyang pinagmamasdan dahil pakiramdam ko kahit na ang magsalita ay wala akong sapat na lakas upang magawa iyon.
Lumapit siya sa mga bagahe namin na nasa maleta pa din. Dumiretso siya sa mga gamit ko at naghanap ng isang pares ng nighties ko at undergarments. Iniabot niya iyon sa akin at naghintay na kunin ko iyon pero hindi ko ginawa.
He gave me a questioning look pero tanging iling lang ang nakaya kong isagot. He then heaved out a sigh.
May ibinulong siya pero hindi ko na narinig pa. Hindi ko magawang maigalaw ni isang parte ng katawan ko bukod sa mga mata ko. Sobra akong nanghihina at ngayon ko lang pinagsisihan ang katangahang ginawa ko kanina. And now, I'm suffering because of that.
Nanghihina kong ipinikit ang nga mata ko habang si Jace ay nakatayo parin sa harap ko at hindi alam ang gagawin. Ilang minuto kaming ganun hanggang sa maramdaman kong lumubog ang kabilang side ng kama.
I feel him taking off my robe. Mabilis kong iminulat ang mga mata ko dahil sa pagkabigla.
"What?" singhal niya.
"I'm going to dressed you! Maginaw ang aircon at baka lamigin ka at magkasakit lalo." pagpapaliwanag niya.
Nanghihina nalang akong tumango kesa magprotesta. Tama nga naman siya. Kanina hindi ko siya sinunod kaya ako nagkaganto kaya baka magalit pa siya lalo pag hindi na naman ako sumunod ngayon. Gusto kong sabihing ako nalang gawa ng pagkailang pero hindi ko na talaga kaya. Parang hinihila na ako ng antok dahil sa gamot na ininom ko.
"D*mn! I'd rather choose to have a hard time with this thing for a few minutes rather than having a hard time to stay awake for the whole d*mn night thinking you're on the same bed with me, without wearing anything inside your robe." that's the last thing I heard before I passed out.