Chapter 2

1791 Words
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw galing sa bintana ng kwarto namin. Papungas-pungas ako ng mga mata ko at mabilis na nilingon ang katabi ko. Napabuntung-hininga ako ng makitang wala na naman siya dun. Sabagay, bakit di pa ako nasanay. Mula nung ikasal kami, maaga na siyang umaalis. Tuwing gabi naman pag umuwi siya, it's either na lasing na lasing siya o di kaya'y may kasama siyang ibang babae. Di ko nga din alam kung bakit hindi ko pa din siya maiwan sa kabila ng lahat. Siguro dahil ganun ko siya kamahal para manatili dito. I badly want to have a happy marriage with him. Kaya gagawin at titiisin ko ang lahat para lang magwork tong marriage namin. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, magiging normal din ang pagsasama namin. Mabilis akong bumangon at ginawa ang morning rituals ko bago pa ako kainin ng mga negative thoughts ko. Mabilis akong nagprepare ng makakain ko. Nagluto ako ng fried rice at itlog dahil as usual, mag-isa lang naman akong kakain. Pagkatapos kumain, agad kong hinugasan ang pinagkainan ko bago nag-umpisa nang maglinis. Ganyan na ang nakasanayan ko sa halos araw-araw na mag-isa ako dito sa bahay. Sabi nga ng mga kaibigan ko, parang katulong na daw ako dito pero di ko nalang sila pinapansin. Naniniwala kasi akong responsibilidad ko na iyon bilang asawa ni Jace kahit na parang hindi naman ganun ang turing niya sa akin. -- Hindi ko namalayan ang oras at hapon na pala. Katatapos ko lang maglinis at maglaba kaya pagod na pagod ako. Tiningnan ko ang wall clock namin at hindi na ako nagulat ng makitang alas tres na pala ng hapon. Hindi pa ako nanananghalian pero tinatamad na akong magluto. Humiga ako sa sofa dito sa sala namin nang marinig kong nagriring ang phone ko. Agad ko namang sinagot iyon ng makita kong si Rojaina ang tumatawag. "Hello beh. Bakit napatawag ka? Anong problema?" walang-ganang sabi ko sa kanya. "Bakit ganyan katamlay ang boses mo? Wait, huhulaan ko. Ay, parang di ko na pala kailangan pang hulaan yun dahil sigurado naman na akong pagod ka jan sa responsibilidad mo bilang asawa niya." I heard sarcasm in her voice. Napapikit ako sa sinabi niya. Tama naman kasi si Rojaina eh. Kaya mabilis kong iniba nalang ang usapan. "Bakit ka ba kasi napatawag?" pilit kong pinormal ang boses. "Hayy naku, ewan ko nalang sayong babae ka at hindi ka nakikinig sa akin. Oh, siyanga pala. Punta tayo sa bar ni Pau. Aasahan ka namin dun." Magsasalita pa sana ako ng agad niya na akong inunahan. "Hep, bawal humindi at talagang magtatampo na kami sayo nyan. Ngayon pa naman ang dating nung isang yun." Mabilis naman akong napabangon dahil sa sinabi niya. "Si pau? Dumating na ba siya? Sh*t ! Nakalimutan kong ngayon pala ang dating niya." Napamura ako nang marealize kung anong petsa na ngayon. "Ayan kasi. Masyado ka kasing busy jan sa pagiging dakilang asawa mo. Sige na, mag-ayos ka na at ako na ang susundo sa kanya. Tatawagan ko na rin si Alve Jean at Froilan. Dun na kayo dumiretso. Hintayin nyo nalang kami dun." Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto pagkatapos kong pakinggan ang lahat ng instructions niya bago ko siya binabaan ng phone. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako. Isang high waist short shorts at crop top na off-shoulder nalang ang sinuot ko. Hindi naman kasi uso ang bastos sa bar ni Pau kasi puro high profiled and professionals ang mga customers ng bar na iyon kaya ang lakas ng guts ko na magsuot nito. Naglagay din ako ng light make-up and blush on atsaka light pink na lipstick. Samantalang bahagya ko namang kinulot ang lagpas balikat na buhok ko. Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay bumaba na ako at tinungo ang garahe. Dadalhin ko ang porsche ko ngayon dahil siguradong mahihirapan na akong maghanap ng masasakyan mamaya. Di ko paman din sigurado kung anong oras kami makakauwi. Mabilis kong inilock ang bahay at gate bago tuluyang tinahak ang daan papunta sa bar ni Pau. Nagsosoundtrip pa ako sa loob ng sasakyan ko habang sinasabayan ang music. Pagkarating ko sa bar ay ipinark ko kaagad ang sasakyan ko. Pagkababa ko'y pumasok na agad ako at agad naman akong binati ni Sherwin, ang Manager ng bar habang wala si Pau. "Hello Gail. It's nice to see you again and by the way, ...you look h-hot." Nginitian ko naman siya atsaka pabirong hinampas sa balikat dahil sa huling sinabi niya. "Timang! Wag mo akong nilalandi Sherwin. Kilalang-kilala na kita." Sabi ko sa kanya dahilan upang mapakamot siya sa kanyang batok. "Anyway, nakita mo ba si Alve Jean?" Pag-iiba ko ng usapan para hindi kami ma-awkward. Crush kasi ako neto at pinipilit na manligaw sakin kahit naman na ayoko. Hindi niya alam ang pagiging kasal ko kay Jace dahil bukod sa close friends and close relatives namin, wala nang ibang nakakaalam sa pagiging Mrs. Franco ko. "Yes andun na siya sa VVIP room niyo. Kadarating lang din niya. Actually, magkasunod lang kayo. Puntahan ko nalang kayo dun." Sabi niya bago nagpaalam at kumindat sakin. Napailing nalang ako sa inasta niya bago dumiretso na sa reserved room na para sa amin. "Kyaaaaah. Imissyou sooo much bi." Hyper na bungad ni Alve Jean sakin bago ako bineso. "Loka ka talaga! Pero namiss din kita bi. Namimiss ko na yung pagiging clumsy at pabebe mo. Haha" sabi ko nang natatawa at pabirong hinampas sa balikat niya dahilan upang mapanguso siya. "Eeeeeeehhh! Sadyang baby nyo nemen keshe ako dibuh bi?" Pagpapalambing niya habang naka-pout. Natawa na ako sa ini-akto niya. Isip-bata talaga ang isang to. Parang hindi halatang 22yrs. old na siya. "Oo na, ikaw na ang baby ng grupo kaya pwede bang tumigil kana sa pabebe mo jan dahil hindi bagay sa edad mo." Natatawa paring saad ko sa kanya kaya naman mas lalong humaba ang nguso niya. Marami-rami pa kaming napag-kwentuhan ni Alve Jean at catch-up moments bago dumating sina Froilan, Rojaina at Pau. At ayon.. Talagang nagkagulo na!Haha. Mga baliw kasi tung mga bestfriend ko. "Grabe, pumuti ka dun sa U.S beasht ah. Hahah. Buti nga yan para hindi ka iwanan ni Von. Haha" Pang-aasar ko kay Pau na agad naman akong sinimangutan. 2yrs. na ding kasal si Von kay Pau. May tatlong anak na siyang sina Bhur,Ada at Gelo. Naiinggit nga ako minsan sa kanya eh. Masaya kasi talaga silang pamilya. "Hoy! Anong ine-emote mo jan beh? Nakuu, wag mong dalhin ang kadramahan mo dito dahil bawal yan." Untag sakin ni Rojaina na napansin yata ang biglaang pagkalungkot ko. Mabilis kong iwinaksi ang mga iniisip kahit hindi ko maiwasan ang pagkainggit. Kami kaya ni Jace? Kelan kami magiging masaya? Nahagip ng tingin ko sina Pau at Alve Jean na nakikipag-usap na sa waiter at umoorder na. "Wala lang tu beh. Atsaka wag kang mag-alala nandito ako para mag-enjoy." Baling ko sa kanya at pinilit ngumiti. "Aba! Dapat lang no? Mapepektusan na talaga kita 'pag hanggang dito eh magdadrama kapa." Pagbabanta pa niya. "Oo na, oo na! Hirap na baka mayari pa ako sayo at madaganan mo pa ako. Hahah." Pang-iinis ko sa kanya para pasiglahin ang atmosphere naming dalawa. "Eto kasing si Vicente eh, nakakainis. Ayaw akong pumayat. Nami-miss ko na tuloy yung mga panahong sexy pa ako." Pagmamaktol niya na mas lalong ikinatawa ko. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin. "Oh, bakit nakabusangot yang mukha mo beh?" Puna ni Pau kay Rojaina na di namin namalayang tapos na pala sa pag-oorder. "Busy kasi kayo dyan kaya hindi nyo narinig ang pang-aasar sakin ng isang to." Nakapout na sumbong naman niya sa dalawa. "Oh, bakit? Hindi mo ba kaya yang elementary na yan? Haha. Sa laki mong yan, hindi mo makaya ang nag-iisang bata sa atin?" Pakikisali ni Alve Jean sa asaran. Elementary kasi kadalasan na asar nila sakin dahil ako yung pinakapandak sa grupo. Si Rojaina naman yung medyo malaman samin samantalang si Pau naman yung morena at si Alve Jean yung flat-chested at pinakapayatot sa grupo. Hahah "Hoy ikaw na pader ka, wag kang sumali jan. Baka nakakalimutan mong baby ka padin." Sabi ko naman sa kanya na ikinangisi niya. "Eh sa baby pa nemen telege ako diba beasht?" Baling niya kay Pau na naka-pout at animo'y nagpapalambing. "Oo, baby ka pa naman talaga dahil hindi pa naman kasi nagdadalaga yang dede mo." pangbabara naman ni Pau sa kanya na ikinatawa naming lahat. Mas lalo namang humaba ang nguso ni Alve Jean. Haha "Grabe talaga kayo sakin. Di nyo na ako lab. Tampo na ako sa inyo. Di nyo na lab yung baby nyo." Sabi ulit niya na parang bata na tinawanan lang namin. "Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Mabilis na nakisali samin ni Froilan pagkatapos nyang makipag catch-up sa mga highschool friends nya sa kabilang kwarto. "Eto kasi silang lahat, pinagtutulungan nila ako, Father Fro." Pabebeng sumbong na naman ni Alve Jean sa kanya. "Hahha bakit inaano kaba ng mga yan? Atsaka wag mo nga akong tinatawag na Father Froi, nagmumukha kitang anak eh. Dadalawa na nga anak ko, dadagdag kapa. Hahahah" Pabirong pagbabara niya kay Alve Jean na agad ikinasimangot niya. Nagkakulitan pa kami at uminom hanggang sa hindi namin namalayan ang oras. Basta kasi nako-kompleto kami eh hindi na namin napapansin ang oras at ala una na pala ng madaling araw. Medyo tipsy na rin kaming lahat at as usual, si Alve Jean nagbe-baby talk na sa kalasingan. Kaya naman napagpasyahan naming magsi-uwi na. "Nilashing kashi ako ninyo eh. Bhebe ako ninyo pewo lashing ako ninyo." Pagiwang-giwang na sabi ni Alve Jean na ikinatawa na naman namin. Kahit kelan talaga siya yung pinaka nalalasing sa amin. Hahah Nagpaalaman na kaming apat. Si Pau at Von na ang naghatid kay Alve Jean dahil sa kalasingan nito. Wala namang kasu iyon kay Von na siyang sumundo sa asawa. Si Rojaina naman ay nagdrive na rin para umuwi dahil naghihintay daw sa kanya yung boyfriend nyang si Vicente na biglaang umuwi galing sa isang business trip. Pinakiramdaman ko naman ang sarili ko. Medyo nahihilo na rin ako pero alam kong kaya ko pa namang magmaneho pauwi. Agad kong ipinasok sa garahe ang Porsche ko pagkarating ko sa bahay. Nahihilo kong kinuha ang spare key ko at pagiwang-giwang na pumasok sa loob. Nakadim na ang lights sa sala namin at hindi ko alam kung nandito naba ang asawa ko o umuwi na ba siya. "San ka na naman naglandi at inabot ka ng ala una ng madaling araw?" Napapitlag ako sa galit nyang boses bago pa ako tuluyang makaakyat sa hagdan. Nararamdaman ko ang mabilis na pamumuo ng mga luha ko pero pinigilan ko iyon. So iniisip niyang naglandi na naman ako? Hindi ko alam pero ramdam ko ang pagkirot ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD