“Anyare sayo?” tanong ko kay Abi dahil umuwi ito na nanghihina.
“Wala dahil lang sa retdem namin kanina” tinaas ko ang manggas ng uniform niya at napansin ko na medyo namamaga ang braso ni Abi at tiningnan ko pa yung iba.
“Ano itong bilog na ‘to?” takang tanong ko.
“Ahh intradermal yan ito yung titingnan yung pasyente kung may allergies siya sa mga gamot na tinuturok sa kanya” paliwanag niya.
“Ganun pero parang binugbog ka ah” saad ko.
“Oo binugbog ako ng mabigat na kamay” sabi niya.
“Sino? Si Megan ba?” tanong ko.
“Oo siya nga, wala naman iba akong magiging partner kung di siya lang” sagot niya.
“Pero nakabawi naman siya sa akin kanina dahil nilibre niya ako sa Sweet Café” nakangiti niyang tugon.
“Sus, yun lang pala ang pangwala mo ng sama ng loob ah” sabi ko.
“Grabe ka naman she insist noh kaya ginrab ko na” saad niya.
“Siya magpahinga ka na muna at ako na ang magluluto ng hapunan” tumango naman ito at umakyat na sa kwarto niya.
Sumapit ang hating-gabi ay inaapoy ng lagnat si Abi dahil sa pananakit ng braso nito kaya pinainom ko ng gamot at nakamonitor ang kanyang temperature.
Kinabukasan ay nagpagawa ng excuse letter si Abi at nagsabi na ibigay ito kay Megan. Pagkalabas ko at pagkababa ko ay naabutan ko si Abi na nakasandal sa sofa at nanghihina pa.
“Pagkauwi ko bibilhan kita ng lugaw” sabi ko.
“Saka may iniwan akong pagkain sa lamesa and please lang uminom ka ng gamot sa lunes ka pa pwedeng pumasok ibibigay ko na lang ito kay Megan” tumango siya.
“Pagsasabihan ko na rin na wag na siyang pumunta sa cafeteria at pumunta na lang dun sa sweet cafe” dugtong ko pa.
“Thanks” ngumiti naman ako at nagpaalam na pumasok.
Pagkarating ko sa school ay nagpasama muna ako sa dalawa para ibigay ito kay Megan.
“Megan pakibigay na lang ito sa mga teacher natin” sabi ko.
“Okay sige, kamusta na pala siya?” tanong niya.
“Ayun, nanakit yung kalamnan niya at sa monday pa siya pwedeng pumasok” sagot ko.
“Dapat dinahan dahan ko na lang siya muna” bigla itong yumuko dahil sa konsensya.
“Ano ka ba wala naman may gusto sa nangyari at isa pa nabigla lang yung katawan niya kaya ganun yung nangyari sa kanya” saad ko.
“Oo nga pala after ng class mo punta ka doon sa Sweet Café at wag ka na munang magstay sa cafeteria baka may makakita sayo” sabi ko.
“Oo doon naman ako pupunta mamaya” saad niya.
“Sige mauuna na kami” tumango ito at umalis na kami para pumasok na sa klase.
***
“Ano bang purpose at binawal niyo siya magstay si Megan dito?” tanong niya.
“Alam mo naman may gusto si Megan kay Jervy di ba” tumango sila.
“Impossible din kasi may nakakakita sa kanila sa unang banggaan nung dalawa at sinabi kina Leila edi warla ang mangyayari” saad ni Yam.
“Kailan kaya matatauhan si Jervy?” tanong ni Jessa.
“Ewan, malay natin malapit na dahil kabila’t kabila ang awayan nung magjowa dahil sa pagiging praning at selosa ni Leila” saad ni Yam. Di na lang ako nagkomento sa sinasabi nila.
Pagkauwi ko ng bahay at may dalang lugaw para kay Abi ay naabutan ko ito na nanonood pa rin ng Sailor Moon old version.
“Di ka ba nagsasawa diyan sa kapapanood niyan?” tanong ko. Binaba ko ang lugaw na binili ko sa lamesa at binaba ang mga gamit ko sa upuan.
“Hindi naman kasi nakakakilig kasi sila Mamo Chan at si Usagi” saad niya kaya binalik na lamang niya ang paningin niya sa pinapanood. Mahilig siya sa mga classic cartoon dahil ngayon lang naman din niya napapanood ang mga yun dahil di naman niya naranasan manood nung bata pa siya dahil di naman niya naenjoy ang pagiging bata niya noon.
“Baka mamaya iba naman mapanood mo ah” saad ko.
“Oo iba naman” napailing na lang ako sa kanya.
“Gusto mo bang kumain ng solid food?” tanong ko.
“Di ko pa kasi kayang lumunok dahil nasuka ako kanina” sagot niya.
“O sige eto munang lugaw ang kainin mo” sabi ko.
“Baka sinabi mo kay Tita yung kalagayan ko ah” umiling ako.
“Hindi noh at isa pa ayokong istorbohin yung ligawan moments nila ni Tito Kyron” saad ko.
“Huh? Nanliligaw na siya?” tanong niya.
“Ewan lang dahil nasa isip ko lang naman yun” sagot ko.
“Akala ko pa naman nanliligaw na siya” saad niya.
“Bakit ayaw mo bang ligawan ni Tito si Tita Maris?” tanong ko.
“Di naman sa ayaw ko dahil di naman natin alam kung talagang nanliligaw na siya” sagot niya.
“Hayaan mo makikichismis ako sa kasambahay namin doon sa bahay” sabi ko.
“Maiwan muna kita rito magpapalit lang ako ng damit at magluluto na ako ng ulam” paalam ko kaya umakyat na ako sa taas para magpalit.
***
“Buti half day tayo tara kain tayo sa sizzling house” aya ni Yam.
“Sige tatawagin ko na rin si Abi” sabi ko.
“May lunch break ba kayo?” tanong ko.
“Wala pero wala kaming klase ng ala-una” saad niya.
“Sige punta kayo sa sizzling house para doon magtanghalian” sabi ko.
“Okay sige pupunta na lang kami ni Megan” binaba ko na ang tawag at naglakad na kami para pumunta sa sizzling house.
“Buti na lang wala kaming klase hanggang alas dos dahil nagkaroon ng emergency ang finance subject namin” sabi ni Jessa.
“At kami naman ay half-day talaga dahil siya na lang ang teacher namin ngayon hapon” tugon ni Yam.
“Mukhang nandito na sila” saad ko.
“Hi!” umupo sa tabi ko si Abi at katabi naman niya si Megan.
“Hmm… amoy palang masarap na” saad ni Jessa.
“Gutom na gutom ka na ba Jessa?” tanong ni Yam.
“Kanina pa ako gutom noh alangan pumunta ako sa cafeteria edi nangkotong na naman ako nung mga alipores ni Leila” lumingon naman si Abi sa akin.
“Kotong mean kinukahanan kayo ng pera” tumango siya. Di niya alam ibig sabihin ng kotong dahil di naman ito pala-labas dati at takot sa mga tao lalo na sa amin.
“Aba’y ano sila pulis para mangotong” singhal ni Megan.
“Kaya nga pumupunta kami sa mga coffee shop sa likod para makaiwas sila. Di sila uubra dun dahil nandun yung mga frat members dahil ayaw dun yung mga mayayabang at mga siga doon” paliwanag ko.
“Ay may fraternity pala dito ah” saad ni Megan.
“Pero mababait naman sila may mga fraternity lang na hindi like sa UST di mababait ang mga yun at laging sila ang catch of attention dahil sa ginagawa nilang gulo” sabi ko pa.
“Eto na po yung order niyo” kinuha na namin ang mga order namin.
“Kanino yung pork sisig?” tinaas ni Abi ang kamay niya.
“Buti naman di puro taba” saad niya.
“Ang sarap” sumubo na rin ako at masasabi ko na masarap nga. Madalang lang kasi magbenta ng sisig si Aling Bebang may time na may kasama itong tokwa kaya di kami bumibili ng sisig.
“Parang gusto ko nang magtanghalian rito” biro ni Jessa.
“Wag na teh baka magkahigh blood ka niyan tingnan mo nga yung init ng panahon oh” turo niya sa panahon ngayon.
“At least may student nurse tayong kasama” turo sa kanilang dalawa.
“Wag lang kayo magpapatusok dahil diretso hospital kayo nun” sinamaan naman ako ng tingin ni Abi at tumawa lamang ako ng mahina.
“Ay! Yung ba ang dahilan kung bakit di mo kasama yung couz mo?” Tumango ako.
“Oo nabugbog yung katawan niya dahil napagpraktisan siya” parinig ko kay Megan. Tumawa naman ng mahina si Abi at pagtingin ko ay nakasimangot na si Megan sa akin.