Ilang days na rin ang lumipas matapos ang nangyari, medyo nakaka get over naman na 'ko. Ayoko nalang ng lumalabas mag-isa tuwing gabi. Nanatiling lihim sa'min 'yon ni Wayne. Walang sino mang ibang nakaka-alam bukod sa'ming dalawa. Mas mabuti na rin 'yon, para wala nang masabi pa 'yung ibang tao. Pauwi na 'ko ngayon. Puta lang kasi naiwan ko 'yung payong ko kung kailan ang lakas-lakas ng ulan. Sabi na nga ba hindi ako pwede sa girl scout. 'Yung tungkol kay Austin, undecided pa rin ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang bigyan ng chance. Deserve niya naman, pero wala talaga 'kong ibang nararamdaman for him. Nasa gilid ako ng gate ngayon. Nag- hihintay na humina 'yung ulan. Rain rain go away come again another day. Tss! Wrong timing ka kasi! "Stacy!" My heart got alive when I heard

