Nandito ako ngayon sa garden. Pinag-mamasdang mag-laro ng manika si Ella. Ella 'yung pangalan nung batang sumigaw kanina. Nag-paiwan na 'ko dito habang nakikipag usap si Austin kay mother. "Ang ganda naman po ng kwintas niyo." Napatingin ako sa kwintas na suot ko. "Ah eto ba? Gusto mo? Sa'yo nalang oh." Inalis ko 'yung kwintas na suot ko. "Ah hindi na po. Nakakahiya naman po." Ngumiti ako. Sigurado natuturuan sila ng tama dito. "Hindi okay lang. Sa'yo nalang 'to. Talikod ka." Sinuot ko sa kanya 'yung kwintas. Humarap siya sa'kin. "'Yan ang ganda. Bagay sa'yo." Hinawakan niya 'yung kwintas. Niyakap niya ko. "Salamat po." Niyakap ko siya pabalik. Kumalas siya sa pag-kakayakap at tinitigan ang mukha ko. "Ang ganda-ganda niyo naman po. Para kayong barb

