Nasa condo ako ngayon ni Wayne. Pinapunta niya 'ko. Miss niya na raw ako. Pa'no ba naman, nitong mga nakaraang araw si Juliet laging kasama niya, buti nga't naalala niya pa 'ko eh. Naka upo ako sa couch habang hinihintay siya. May kukunin lang daw siya sandali. "Stacy!" Grabe naman kung makasigaw. "What?" Papalapit siya sa'kin. May hinarap siya sa mukha ko nang makalapit siya sa'kin. "Look what I've got." Natuwa ako sa nakita ko. 'Yung bagong album ng BTS na may signature nila. Oh My God! Agad ko 'yung kinuha sa kamay niya. "Oh my god! Is this for me?" Tanong ko habang hawak 'yung album. Oh my god! Pina plano ko palang 'tong bilhin eh. Tumango tango siya. "Yes. Dagdag gift ko 'yan para sa debut mo, super late na nga eh." "Oh my god! Okay lang thank you." Niyak

