Chapter 2

1000 Words
Mag-isa nalang ako sa classroom. Inaayos ko na 'yung gamit ko. Habang patuloy pa ring nag-iisip tungkol sa mangyayari ngayon.   Ngayon niya na dadalhin si Juliet sa mini park at kinakabahan ako sa magiging resulta. Hindi ko alam kung bakit.   Natatakot ba 'ko na mag level up 'yung relationship nila? Nag-seselos? Hindi. Natatakot lang ako na baka ma reject si Wayne. Poor bestie.   "Hoy!"   "Ay palaka!" Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko.   "Grabe. Palaka talaga."   Nag-patuloy ako sa pag-aayos ng gamit ko at hindi siya muling tinignan. Ewan ko ba. Hindi ko alam. Nalilito ako!   "Anong kailangan mo?" Mahinang tanong ko habang nag-papasok ng libro sa bag.   "Ikaw." Sagot naman niya. Ako? Psh!   Humarap ako sa kanya pag-katapos kong maisara ang bag.   And yeah he's too close. Naamoy ko na 'yung pabango niya. Nice. Bat ba ang bango niya lagi?   Bigla akong nailang nang mag-tama ang mata namin kaya agad ko akong nag-iba ng pwesto at umiwas malapit sa kanya.   "Ano?" Tanong kong muli.   "Sungit mo ngayon ha. May period?"   Inirapan ko siya. "Alam mo kung wala kang matinong sasabihin mabuti pa mauna na 'ko."   Tinalikuran ko na siya, pero agad niya akong pinigilan. "Wait. I need your help."   Napairap ako at walang ganang tumingin sa kanya. "Ano pong maitutulong ko sa inyo mahal na prinsipe?"   Bigla naman siyang ngumuti. "Maari bang ikaw ang sumundo sa aking mahal na Prinsesa papunta sa aking sorpresa para sa kanya?"   Nag-poker face ako. Ano ba 'tong lokong 'to? Bat ako?   "Gano'n? Alipin mo 'ko? Alalay? Utos- utosan?" Nakataas kilay kong tanong.   Tinignan niya 'ko nang masama.   "Eto naman. Request lang naman eh. Ngayon kung ayaw mo, okay lang. Mag-hahanap nalang ako ng iba." Para siyang lantang nag salita at lantang tumalikod sa'kin.   Tss! Grabe rin 'to mag-paawa eh.   "Fine! Fine.. Fine. Nasa'n ba siya?"   Agad naman siyang humarap ulit sa'kin nang may abot taingang ngiti.  "Really?"   "Oo nga. Dalian mo, bago mag-bago isip ko."   Masaya siyang lumapit sa'kin at yinakap ako nang sandali. His smell! Ugh! Ano ba Wayne?!   "Yes thanks. Maaasahan talaga kita." Nakangiting sabi niya.   "Yeah. Sa friendship na 'to ikaw lang naman nag be-benefit, so yeah."   Tinignan niya 'ko ng masama. "Grabe ka, para namang wala akong naitulong sa'yo ha."   "Meron ba?" Tanong ko nang nakataas ang isang kilay. Actually meron naman, inaasar ko lang talaga siya. Well he makes me smile. Ano ba 'tong iniisip ko? Ugh Stacy!   "Meron, by the way, ganto 'yon. Susunduin mo siya diba? Nasa cafeteria siya ngayon. Prank muna natin siya. Umarte kang nag pa-panic tapos sabihin mo na, na aksidente ako. Then wag mo na siyang pag-salitain, basta hatakin mo nalang siyang bigla papunta sa park. Ayos ba?"   Wala akong emosyon na tumingin sa kanya, pero hindi ko napigilan ang pag- ngiti.   "Corny mo noh!" Komento ko.   "Lol. Magiging corny ka rin pag na in love ka, pero hindi pa ngayon bata ka pa."   Hinampas ko siya. "Ayos ka ha! Ikaw pwede ako hindi? Ulol."   "'Wag mo 'kong inu ulol-ulol diyan ha. Tirisin ko 'yang tigyawat mo eh. Syempre iba na yung dating sa'yo. Babae ka, lalake ako."   Tinignan ko siya nang masama. Sobrang sama talaga ng lalakeng 'to. "Ba't pati  tigyawat ko dinamay mo? Kaasar ka ha. Eh bakit si Juliet? Ka-age rin naman natin siya ha, so pag-sinagot ka niya, edi na in love na rin siya. Pwede siya, bawal ako. Unfair."   "Eh hindi ko naman siya sasaktan. Ikaw? Pa'no pag na in love ka sa taong sasaktan ka lang pala? Hindi pwede 'yon." Sus, if I knew, bahagi ng love ang sakit!   "Mas matured pa nga ako mag-isip sa'yo eh. Duh! Part sa pagiging in love ang masaktan."   Binatukan niya 'ko. "Syempre alam ko. Ayaw lang kitang masaktan. Lagot ako kay Tita Flor pag-nagkataon."   Bakit ba lahat ng sinasabi niya pakiramdam ko may double meaning? Nakakainis! Napaka!   "Yeah yeah fine. Susunduin ko na siya sa cafeteria." Sambit ko nang matapos na 'tong usapan na 'to.   "Okay sige galingan mo ha. 'Yung pang FAMAS. Bye!" After no'n tumakbo na siya palabas ng classroom. Muli akong napa-irap habang tanaw siyang tumatakbo.   Huminga muna ako nang malalim at bored na nag-lakad papuntang cafeteria.   For Wayne. Ya!   Nasa labas na 'ko ng cafeteria. Huminga muna ulit ako at nag-sign of the cross.   Ang hirap kayang umarte noh! Pa'no pag epic?   Natanaw ko na si Juliet sa 'di kalayuan.   Nakangiti siya. Ano bang mayron siya nawala ako? Parehas naman kaming maganda, maputi. Hindi naman ako panget? Bakit gano'n?   Okay stop thinking. You have a task to do.   Okay.   "Oh my god! Oh my god! Juliet. May kailangan kang makita. Si Wayne naaksidente." Okay. Pwede na. Sana umeffect. Grabe feeling ko para akong tanga.   Nanlaki agad ang mata niya. "What?" Tanong niya, pero hindi ko na siya sinagot agad ko siyang hinatak palabas ng cafeteria.   "Hey! What's happening? Anong nangyari kay Wayne?" Di na 'ko sumagot hanggang sa makarating kami sa mini park.   Agad napahinto si Juliet at nilibot ang paningin niya.   "What is this?" Tanong niya nang may pag-tataka.   Nilibot ko 'yung paningin ko. Nakita 'ko si Wayne na may hawak na bouquet of roses.   Tinignan 'ko 'yung reaction ni Juliet. Para siyang gulat at hindi alam 'yung ire-react.   Bigla siyang tumakbo papalapit kay Wayne at hinampas ito sa dibdib. "Walang'ya ka! Akala ko kung na pa'no ka na. Pinag-alala mo 'ko."   Para akong tangang nakatayo lang dito. Nanunuod ng isang palabas.   Bumilis ang t***k ng puso ko. Nababaliw na ba 'ko? Nahihibang?!   "I just want to surprise you." Nakangiti si Wayne, habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Juliet. Mas maganda naman mata ko kay Juliet ah!   "Well you really did."   Hinawakan ni Wayne ang isang kamay ni Juliet na lalong nag-pasikip sa dibdib ko.   "I like you. Gusto kita and I want to court you. Can I?"   This is not romantic as what I am expecting it to be. Pero bakit gano'n? Bakit ang sakit-sakit pa rin.   Bakit gan'to 'yung nararamdaman ko?   Ang tanga 'ko! Ang tanga tanga 'ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD