24

980 Words
Simula no’ng bumalik si Monica, mas madalas nang tahimik si Lily. Hindi na siya palaging nakaabang sa kusina kapag umaga, hindi na siya agad lumalapit para magkwento ng kung anu-ano. Madalas, nasa gilid lang siya at makikinig o nakatingin. Hapon no’ng araw na ’yon nang makita ko silang magkasama sa garden. Si Monica, nakaupo sa upuang bakal, elegante pa rin kahit nasa ilalim ng araw. Habang si Lily, nakatayo sa harap niya, hawak ang maliit niyang bag. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. Pero malinaw ang boses ni Monica ang pagiging kontrolado, mahinahon, na parang walang bahid ng galit. “Miss mo ba ako?” tanong niya. Hindi agad sumagot si Lily. “Lily,” ulit ni Monica, mas malambing. “I’m your mom.” Tahimik akong nanatili sa pintuan. Ayokong makialam. Pero gusto ko ring malaman ang pinaguusapan nila. “Oo,” mahina niyang sagot. Ngumiti si Monica. “See? I knew it.” Lumuhod ito sa harap ng bata. “You know, baby, puwede tayong magsama ulit. Just you and me. Like before.” “Before?” tanong ni Lily. “Before everything got… complicated.” “Masaya ka ba rito?” tanong ni Monica, kunwaring inosente. Hindi agad sumagot si Lily. Tumingin siya sa loob ng bahay at sa direksyon ko. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil do'n. Lagi nya akong tinitingnan kapag kausap nya si Monica, na parang namimili sya sa aming dalawa. “Okay lang,” sabi ni Monica, hinahaplos ang buhok niya. “You don’t have to answer now. Just remember, kahit anong mangyari, I'm your mom.” Tumayo si Lily. Hindi siya ngumiti. “Pwede na po ba akong pumasok?” tanong niya. Parang may bahid ng pagkainip sa mata ni Monica, pero tinago niya agad. “Of course.” Pagdaan ni Lily sa akin, hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit iyon pero hindi ko alam ang ibig sabihin. Hindi niya ako tinignan, pero alam kong nagugulohan sya. Kinagabihan, dumating si Monica sa sala kung saan nandoon kaming lahat. Si Kerill, ang kambal, si Erica, at ako. “Kerill,” sabi ni Monica. “I want to talk to Lily.” Nagkibit-balikat lang si Kerill. “She’s right here.” Lumapit si Monica kay Lily na nakaupo sa tabi ko. “Baby, I was thinking… maybe this weekend, you can stay with me.” Tahimik ang buong sala. Nakikiramdam lang ako sa paligid. Pero nabigla ako, pati na rin si Monica nang biglang umatras si Lily. Umusog ito lalo sa tabi ko. “Lily?” gulat na sabi ni Monica. Hinawakan ni Lily ang damit ko kaya napalingon ako kay Monica. “Hindi po,” mahina niyang sabi. Natahimik si Monica at nakita ko ka agad ang matalim nitong titig sa akin. “What do you mean, hindi?” tanong ni Monica, pilit pa ring kalmado. “Gusto ko po dito,” sabi ni Lily. Nanginginig ang boses niya, pero diretso ang tingin sa mommy nito. “Gusto ko po kay Tita Charlene.” Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko 'yon inaasahan. At mukhang hindi lang kami ang nagulat dahil naramdaman ko rin na napalingon sa akin si Erica at ang kambal. Kahit na si Kerill ay umangat rin ang tingin sa amin. “Lily,” sabi ni Monica, mas madiin na ang tono ng boses. “I’m your mother.” “Yes,” sagot niya. “But... She's the one who was there when i am alone at night." Napasinghap ako. “Siya ang nagtuturo sa'kin sa mga assignment ko,” dugtong niya. “Siya po ang yumayakap sa’kin kapag umiiyak ako.” "Lily--" "I love you, Mommy. But I don't want to go with you. Dito lang ako," sabi nito. Hinawakan ko ang kamay nyang nanginginig na. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o ano. Biglang tumayo si Monica. Parang inis na inis na ito. “So that’s it?” tanong niya, nakatingin sa akin ngayon. “You turned my daughter against me?” Napaatras ako. “Hindi--” “You had no right,” singhal niya. “You’re nothing but--” “Enough,” malamig na sabi ni Kerill. Napatingin siya rito na parang nagmamakaawa at humihingi ng kakampi. “She’s manipulating them.” “Stop,” ulit ni Kerill. “Lily made her choice.” "This is unbelievable!" Bigla itong sumigaw kaya napayapak nang mahigpit sa akin si Lily. "Mom, stop. Please..." Si Ericka na ang nagsalita. Doon lang tumigil si Monica sa kakasigaw sa harapan namin. "Ericka, dear--" "You should go, Mom," Putol nito sa sasabihin ng Mommy nya. Natigilan si Monica at pilit na ngumiti. "No. Hindi ako aalis hanggang hindi kayo sasama sa akin. Wency, Wyl, baby let's go. Sumama kayo kay Mommy." Nilapitan nito ang kambal pero hindi sila sumagot. "Let's go home, sweethearts. Please?" Akmang hahawakan nya ang mga kamay nito pero bigla silang lumayo. Nandito lang ako nakatingin sa pagmamakaawa nya sa mga anak nya at kahit alam kung hindi maganda ang ugali nito ay naaawa pa rin ako sa kanya. Alam kung sobrang sakit na hindi na piliin ng sarili mong mga anak. Nasasaktan ako para sa kanya pero wala akong magagawa. Alam nya at nararamdaman nyang hindi na nya mapipilit ang mga bata kaya tumayo na ito at inayos ang sarili. "Kukunin ko kayo. Promise 'yan ni Mommy," sabi nya sa mga bata at huli akong binalingan ng masamang tingin bago naglakad palabas ng pintuan. Uuwi na ba sya? Gusto ko man, pero kasi gabi na. At baka may mangyaring masama sa kanya sa daan. Mukhang pareho kami ng iniisip ni Kerill dahil nang makalabas si Monica ay tinawag nito si Edgar tsaka sinabing ihatid si Monica pauwi. Doon ko napagtantong may pake-alam pa rin ito sa asawa nya. Kahit galit sya alam kung deep inside may pagmamahal pa rin doon. Pero bakit...bakit hindi ko iyon nagugustohan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD