"Good morning buntis!. ,ipinikit pikit ko pa ang aking mata,nasilaw kasi ako sa sinag ng araw hawak kasi ni Ashley ang remote na panghawi ng kurtina. "Inaantok pa ako,Ashley!. ,ibinaon ko pa ang aking mukha sa unan. "Obvious naman!...,Magpapaalam lang kasi ako sa iyo,ako na munang bahala sa opisina at ikaw magpahinga ka. Babalik ako dito mamaya ha,dito na muna ako titira sa iyo. ,hinaplos haplos pa niya ang aking buhok. Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Medyo nawala ang aking antok. "Oh,huwag ka ng kumontra,buntis!. ,malamlam ang kanyang matang tumingin siya sa akin." Aalagaan kita,Stephie. . ,aalagaan ko kayo ni baby!. ,nangingilid ang luhang utas niya." Alam ko wala ka pang matinong plano ngayon maliban sa pag-aalaga ng baby sa tiyan mo kaya hayaan mong alagaa

