Chapter 14

1140 Words
Kagat kagat ko ang aking labi habang pinagmamasdan ko si Amiel na natutulog. Dahan dahan kong hinaplos ang kanyang ilong. In love talaga ako sa kanyang ilong,ang tangos kasi. Tiningnan ko ang oras sa alarm clock na nasa bedside table. Alas-singko y medya na pala. ,napangiti ako ng maalala ko kung anong oras na kami natulog. ,I think 3 am na kami nakatulog,panay pa kasi ang hirit niya at ako naman hindi makatanggi. Dahan dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa aking bewang. Gusto ko kasing magluto ng aming almusal panay na lang kasing siya ang nagluluto. I decided to cook fried rice at saka ham and cheese omelette,may nakita naman akong talong kaya nagtorta na rin ako ng apat na piraso lang. Alam ko kasi gusto niya ang heavy breakfast. Wala ditong coffee maker kaya nag-iinit na pa ako ng tubig para sa aming kape. Nakangiti kong pinagmasdan ang mesa na maayos nang nakahain ang pagkain. Alam ko maya maya lang magigising na siya tamang tama lang kasi nakapagtimpla na ako ng kape. I was busy washing my hands when two strong arms gripped my waist. "Hhhmm! Morning,sweetie!. ,inamoy amoy niya ang aking leeg. Napatawa ako. ,"Morning too. ,humarap ako sa kanya at mabilis siyang binigyan ng halik. ,"halika na,mag-breakfast na tayo. ,marahan ko siyang hinila sa mesa. Napatili ako ng hilahin niya ako at paupuin sa kanyang lap. Nakangisi niyang pinupog ng halik ang aking leeg. "Kakain tayo! Ano ka ba?. ,saway ko sa kanya. ,akma akong tatayo sana mula sa kanyang kandungan ng higpitan naman niya ang yakap sa aking bewang. "Sweetie,dito ka na lang. ,please!. ,mapungay ang matang sabi niya,nakanguso pa. Napailing na lang ako. Akala mo naman ang cute niya. "Oo na nga. ,malawak naman ang kanyang naging pagngiti. Mabilis niyang inabot ang mga kubyertos. Siyempre dahil nakakandong ako sa kanya susubuan niya ako. Ganito niya ako pakainin noon. ,nakakandong ako sa kanya at share kami sa isang plato. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami dito pero isa lang ang sure ako pagkatapos ng nangyari sa amin kagabi,hindi ko na siya kayang iwasan pa. Para saan pa di ba? Sabi ko nga kahit ngayon lang! Kahit sa maikling panahon lang,hahayaan ko ang sarili kong maging masaya. Matagal ko ding pinilit na iwasan siya,pinilit kong takpan ng galit ang pagmamahal na meron ako para sa kanya pero sa huli saan ba ako dinala ng pag-iwas at pagtatago ko sa kanya? Sa kanya pa rin naman di ba? So might as well enjoy and cherish this moment while this lasts. Kasalukuyan akong naghuhugas ng aming pinagkainan ng maramdaman ko ang yakap niya. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. "Matagal pa ba yan,sweetie?. ,masuyo niyang tanong. "Saglit na lang ito. ,pwede namang mauna ka na,sunod na lang ako. ,sagot ko naman. Habang kumakain kami kanina nag-aya siyang mag-swimming daw kami kaya kinukulit niya ako. Naramdaman ko ang pag-iling niya. "I'll wait for you! Dito lang ako ha?. ,isiniksik pa niyang lalo ang kanyang mukha sa aking leeg. "Kulit mo! Sa tingin mo madali kong matatapos ito sa ginagawa mong yan?. ,tinagilid ko pa ang aking mukha para makita siya at ang walanghiya hinalikan ako. , "Nakakaadik talaga ang labi mo,sweetie!. ,ang sarap sarap halikan!. ,mabilis pa niyang dinilaan ang gilid ng aking labi. Nag-iinit ang mukhang ibinaling ko ang tingin sa aking ginagawa. ,"Ang landi mo talaga,Amiel!. , "Sa iyo lang naman ako naglalandi. ,nararamdaman ko ang pagngisi niya sa aking balikat. Hay naku! After 10 years natapos din ako sa paghuhugas ng plato. Paano ba naman kasi ako matatapos ng mabilis kung maya't maya ay may maglalandi sa iyo di ba? Akbay akbay niya ako habang naglalakad kami patungo sa kabilang bahagi ng beach. Sabi niya sa pupuntahan namin madalas daw marami ang naliligo kasi for public use daw yun,magbabayad ka lang ng entrance fee tsaka renta sa cottage. Malayo pa kami naririnig ko na ang mga tilian at tawanan. Tahimik lang kami habang naglalakad. I am busy looking at the beach's surrounding. May mga sasakyang nakaparada sa b****a nito,napangiti ako ng makakita ng mga batang babae na nakasuot ng cute na swimsuits at naghahabulan sa tabing-dagat. Iwinaksi ko ang bagay na sumisiksik na naman sa aking isip. Hindi maganda na kapag nakakakita ako ng ganitong tanawin naiisip ko yun. ,nasasaktan pa rin ako. ,but it's normal though. . . ,but then again I have to move on. . ,maybe it's not my destiny. . . ,or maybe not yet. "Hey! Sweetheart are you okay?. ,untag sa akin ni Amiel. Napatitig ako sa kanya. ,hindi niya ako pwedeng makitang malungkot. Magtatanong siya at kapag nangyari yun. ,hindi ko alam kung anong pwedeng masabi ko. Hindi niya pwedeng malaman. Hindi pa! Makakagulo lang sa alam kung masalimuot naming sitwasyon. "Y-yeah! I-i am okay!. ,sagot ko naman ng hindi ko siya tinitingnan though I can feel his intense stare on me. Hindi ko kasi maalis ang tingin sa mga batang nagsisikap na makagawa ng sand castle. Nakikita kong aburido na ang ibang bata kasi hindi sila satisfied sa kinakalabasan ng ginawa nila pero tila wala silang pakialam kahit na magpaulit-ulit pa sila. Napangisi ako ng makita kong nakasimangot na tumayo ang isang batang lalaki. "Ayoko na nga! Kanina pa ako try ng try palagi namang nasisira. ,nakasimangot nang utas niya. "Huwag ka nga kasing sumuko! Di ba nga sabi mo kanina gustong gusto mo na makagawa ng sand castle? Subukan mo lang ng subukan,masyado kasing mainit ang ulo mo,ang dali mong sumuko!. ,sabi ng Mommy ko,kapag may gusto kang isang bagay huwag kang titigil na makuha at magawa ito at kapag nasa iyo na mahalin mo at pahalagahan kasi maaaring marami ang maghangad na maagaw ito sa iyo! Sometimes you have to be persevered and selfish to fight for the things that would make you happy!. ,nagkatinginan kami ni Amiel sa sinabi ng bata. Tungkol pa ba sa paggawa ng sand castle ang sinasabi ng bata? And why do I feel na parang tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya? "I can't believe a kid like that can actually say those words! Naintindihan niya kaya yung mga sinabi niya?. ,ginagap ni Amiel ang aking kamay. Hindi ako umimik hanggang ngayon kasi nakatatak pa sa isip ko yung mga sinabi niya. "But you know he has a point there. ,and I clearly got that. ,hinapit niya ako paharap sa kanya. He cupped my face and stare at me intently. ,"What that kid said was right,for me to have my happiness I know this time I have to be persevered and selfish to fight for it. . ,hindi ko na hahayaang mawala ka pa sa akin at sana ganoon ka din sa akin. ,sana kahit ngayon lang maging selfish ka para sa ating dalawa. . ,Mahal na mahal kita,Stephie. . ,mahal na mahal. ,taimtim niyang sinabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD