Chapter 2

1013 Words
"Thank you for choosing our agency,Mr. Montano. ,nakangiting sabi ko sa kanya habang nakikipagkamay. Katatapos lang niyang pumirma ng kontrata sa amin. Masaya ako na kami ang kinuha nila,malawak kasi ang sakop ng business nila. From adults clothing hanggang sa mga damit pambata,sakop na rin nila. At ngayon nga ang alam ko pinasok na rin nila ang children's toys. Ang modelling agency ko naman ay meron na ding mga batang model. Yes,sa wakas nakapagpatayo na rin ako ng sarili kong modelling agency. Actually hindi ko naman ito naitayo ng mag-isa kasosyo ko dito ang mga kaibigan ko,sina Iana at Ashley at si Clark, isang sikat na photographer sa LA kung saan kami nanirahan nina Iana noon. Sa totoo lang dalawa lang naman kami ni Iana na may interest sa fashion,photography naman kasi ang hilig ni Clark. Si Ashley naman,kung anu ano na lang ang raket. Pero sa akin na nakaatang ang responsibilidad ng agency dahil nga nag-asawa na si Iana,malaki rin naman ang tulong ni Clark,dahil sa kanya nagkakaroon kami ng mga international client. Kamakailan nga lang kinuha kami ng Burberry para sa kanilang bagong collection. Tuwang tuwa ako sa aking mga modelo noon,kayang kaya na nilang makipagsabayan sa mga international model. "No,I should be the one to say thank you for letting us work with you! Bago ka pa inirekomenda sa akin ni Tyler, I already know how very much passionate you are with your work. I know our company can count on you. ,sabi niya sa akin. "Thank you so much,Mr. Montano. ,makakaasa po kayo na hindi namin kayo bibiguin. ,paniniguro ko sa kanya. I sigh as I finished my meal. Lumipat lang ako ng restaurant kasi parang nakaramdam ako kanina ng craving for italian food. I was about to stand when I suddenly heard someone utter my name. "s**t,Stephie. . ,ikaw nga!. ,malakas na niyang sabi. Nilingon ko ang lalaking tumawag sa akin. "Joey! . ,bati ko naman sa kanya. Ngumisi ako sa kanya. Joey is one of Tyler's best buddy. Agad niya akong niyakap. "How are you? Hindi na kita nakikita sa bahay ni Iana ah?. ,sabi niya. Nagkibit balikat ako." Oo nga eh,medyo busy lang ng konti sa opisina. ,sagot ko na lang. Tumawa siya. "Ganun ba? Sabagay I heard nga na in demand ang mga models mo ngayon. ,eh di mas yumaman ka na ngayon. ,tudyo niya sa akin,kinindatan pa niya ako. ,"libre naman diyan!. ,hirit niya sa akin. "Why? Naghihirap ka na ba at magpapalibre ka na sa akin,Mr. Allegre?. ,inirapan ko siya. "Hindi pa naman,pero sabi nila mas masarap daw ang pagkain kapag libre lalo na kapag ang nanlibre ay isang magandang binibini. ,sabi niya. "Ay,ewan sa iyo! ,mag-isa ka lang ba? O may hinihintay kang date?. ,tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa may pinto ng itanong ko yun sa kanya. "Ang tagal niyo naman,para talaga kayong chicks!. ,sabi niya. "Ulol! Palibhasa nakisakay ka lang diyan. ,anang isang tinig. Nanigas ang aking katawan ng marinig ko ang tinig na yun. Napamura ako sa aking isip. "Ang sabihin mo,may nakita ka na namang chicks sa parking lot kaya natagalan ka!. ,dagdag pa ni Joey. "Gago ka talaga,Joey!. ,eh ikaw sino yang kasama mo?. , Ngumisi sa kanya si Joey." Si Miss MIA. ,sagot niya. Kumunot ang aking noo. "MIA?. ,tanong ko naman. "Missing in action! Kasi nga di ba palagi kang hindi mahagilap sabi ni Iana,nagtatampo na kaya yun sa 'yo. , Napatango na lang ako sabay kibit balikat." Busy lang talaga!. , "Talaga lang ha? Sobra namang busy mo niyan kasi kahit birthday ng inaanak mo,nagawa mong hindi siputin. ,sarkastikong sinabi ng taong nasa likod ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Kunwari hindi ko siya narinig." I gotta go,Joey babalik pa ako ng opisina. ,paalam ko kay Joey na kababakasan ng pagkalito at pagtataka ang mukha. Just as I was about to stand saka naman siya muling nagsalita. "Escaping again? Sabagay diyan ka naman magaling. . . . , sa pagtakas. ,mapait niyang sinabi. Ipinikit ko ang aking mata. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ko na siya dapat pang patulan. Ngumiti ako kay Joey. "I gotta go,it was nice seeing you again,Joey. ,paalam kong muli sa kanya. Matapos kong maayos ang aking mga gamit agad akong humarap sa lalaking kasama ni Joey. Hindi ko naman maiiwasan kailangan ko talaga siyang makaharap bago ako makalabas sa restaurant na ito. "Excuse me. ,malamig kong sinabi sa kanya. Pero hindi siya natinag sa sinabi ko,kaya wala akong choice kundi ang banggain siya makadaan lang ako at dahil hindi niya inaasahan yun napaatras siya. Mabilis ko siyang nilagpasan. Narinig ko ang pagtawag niya pero hindi ko na ako nag-abala pang lumingon. Ipinagpasalamat ko na lang na nasa ground floor lang ng mall ang restaurant na pinanggalingan ko kaya madali lang akong nakarating ng parking lot. I was about to enter my car when suddenly someone harshly grab my arm. Alam ko naman kung sino ito. Ang ipinagtataka ko lang kung bakit pa niya ako sinundan. "What do you want?. ,tamad kong tanong sa kanya. Salubong ang kanyang makakapal na kilay at kunot na kunot ang kanyang noo. Wow! Hindi halatang galit siya. "At saan ka pupunta? We are not yet done, huwag na huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap pa kita!. ,gigil na gigil niyang sinabi. "What?. ,hindi kita kausap at mas lalong wala akong balak na kausapin ka. ,malamig kong sagot sa kanya. Natigilan siya sa sinabi ko. "Let go!. ,tukoy ko sa kamay niyang nakahawak sa akin." Mas marami pa akong importanteng bagay na dapat asikasuhin keysa tumayo at makipagsagutan sa iyo dito. , "W-what happened to you, Stephie?. ,tila nahahapo niyang tanong. I smirk at him. , "YOU happened, Amiel Santos. . ,malamig pa sa yelong sagot ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata. Bahagyang lumuwag ang kapit niya sa akin. Agad kong ipiniksi ang aking kamay at ng makawala ako sa kanya mabilis akong pumasok sa kotse at agad na umalis doon. Nakita kong nanatili siyang nakatayo kung saan ko siya iniwan. Sinipa pa niya ang gulong ng sasakyang naka-park doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD